Tenth Note

131 8 0
                                    

Streyla Freigh

"Choose a song that you want" seryosong sabi ni Zkyler habang nandito kami sa Boys building. Oo tama kayo ng pagkakabasa, boys building.

Sa una umayaw ako kaso sabi nya, He has the right to let someone go to their building because he is the president of the whole campus.

"Sad song by we-"

"A jolly one." Pagpuputol nya sa sasabihin ko sana.

"pero----"

"No buts. not all the time, the genre you want to play will be the one you will play. Being a musician must not depend on their feelings. Not because you are sad, you will play sad song, not because you are happy you will play a happy song. You must know how to control your feelings" seryosong sabi nya at malakas nyang tinap ang piano at sinenyas na umupo na ako don.

Wala akong nagawa kundi ang umupo at harapin ang piano na hanggang ngayon hindi maprocess ng utak ko na sya ang magtuturo sakin. Buti pa sana kung si David kasi pianista din yon pero si Zkyler?

Bahala na nga!

~*~

"I said feel the music, feel the lyrics" sabi nya at napalabi ako.

Ilang ulit na nya akong pinapa-ulit-ulit sa pyesang to. Ang Perfect by edsheeran. Intro palang, ulit na naman. Isang oras at trenta minutos na kami dito ngunit hanggang ngayon intro parin kami. Aaminin ko na naiinis na ako sa kanya pero pinipigilan ko lang.

"I did" sabi ko at yumuko.

"you did what? Your note! The tune! It was so dull! Kung sad song ang pyesa mo, dama ang nota mo. A pianist or a musician, anything, any genre she or he can play it! Ang problema sayo, hindi mo makontrol ang feelings mo."

Ilang ulit na nyang sinasabi yan, na hindi ko makontrol ang feelings ko pero nananahimik lang ako.

"You can go. Tomorrow, kung ganyan parin ang performance mo, ewan ko nalang. Baka ikaw ang magpapabagsak sa bubuoing grupo nyo"

And with that he leaved. Nakasaksak ang earphone ulit, nakapamulsa at straight face.

Naiwan naman akong dinadamdam ang huli nyang sinabi.

~*~

"Don nga din ako nagulat eh, panong ikaw na pianista ihahandle ng isang Zkyler na bokalista? Buti pa sana kung si david eh, kasi Pianista yon. Pero napunta sya kay Trixie. Pero ayos na yon kasi second cousin din naman nya. Wala akong problema. Bwahaha." Tawa ni Cheska na animo parang kontrabida. Napailing nalang si Trixie at kumagat sa hamburger nya.

'"kaloka ka Ches, sobrang inlove ka na talaga ah" natatawang sabi nito ngunit pinalo sya ni Cheska sa kamay ng tangkang iinom si Trixie.

"No. I'm not in love with him. I'm just a fan. Crush, hinahangaan lang" sabi nito at natawa naman kami sa sinabi nya. Sino niloloko nya?

"well, maniniwala na lang ako" sabi ni Trixie

"me too" natatawang sabi namin at sya naman ay napalabi.

Nagpatuloy kaming kumain at iniinis si Cheska nang biglang may lumipad na libro sa mukha ko. Masakit kasi pabato iabot ng kung sino mang poncio pilato ang lintek na libro.

Kinuha ko iyon at binasa-

"How musicians control their feelings" basa ko.

"read that later in your house, I don't want a stupid student" sabi ni Zkyler at umalis na nakatingin ang lahat ng mga babaeng nandito sa girl's canteen

"Hoy Zky! Alam namin na Cold ka pero sobra naman ata ang pagbato mo ng Libro!" sigaw ni Cheska at tumigil naman si Zkyler at nakapamulsang humarap samin at tinanggal ang earphone na nakakabit sa kanang tenga nya.

"If she doesn't want that kind of treatment, better for her to do her best and not to be stupid in front of me" walang kabuhay-buhay na sabi nya at pagkatapos nyang sabihin yon ay tumingin sya sakin. Napalunok pa ako dahil ang straight ng mukha nya.

"Music Room. After recess. Late and you'll be dead"

Narinig kong napabuntong hininga ang mga kasama ko at nakatingin sakin ang mga babaeng kabuilding namin.

"Eyla, may nagawa ka bang hindi nya nagustuhan kanina?" tanong ni Cess at napaisip naman ako don.

Tinabi ko ang Libro sa gilid ng bag ko at saka kumagat sa hamburger bago sya sinagot

"maliban sa paulit-ulit kong tinugtog ang kantang Perfect na hanggang Intro lang kami ay wala naman na akong maalala.Kanina pa naman mainit ang ulo nya." Sabi ko at napanganga sila. "bakit?" tanong ko at sabay sabay silang tumango.

"paulit-ulit mo lang tinugtog ang intro? Dalawang oras ganun lang nagawa nyo?" tanong ni Lei at tumango naman ako

"yeah, he told me that the tune is so dull, wala daw feelings. Hindi ko daw macontrol ang feelings ko. Anong magagawa ko? Perfect yon! Para sa mga inlove yon, hindi naman ako in love, I'm in the opposite" sabi ko sabay kagat.

"kaya pala binigyan ka nya nyan. Zkyler talaga. Tsk. Tsk." Sabi ni Cheska. "Pagpasensyahan mo nalang sya Eyla ah? Kung bakit kasi ikaw pa ang nagging estudyante non. Kung ako yon naku! Baka iuntog ko sya sa mga key ng piano kung ganyan ang trato nya! Pagpasensyahan mo nalang talaga sya ah? Ganun talaga ang ugali non eh, demanding at masungit"

Tumango nalang ako sa kanya. Kung alam lang nya, sa dalawang oras na nakasama ko sya grabeng pagtitiis at isang timbang pasesnya ang naubos ko kanina.

~*~

Lumipas ang ilang oras at uwian na.

Nasa gate na kami ng girls building nang bigla akong hinila ni Cheska kaya naman napunta kami sa gilid at napansin naman yon nina Lei kaso nagderetso sila at sinenyas na hihintayin nalang ya ako sa labas

"what?" tanong ko

"ginalit mo nga ata si Cold Dragon" sabi nya at napakunot noo naman ako. "Tell to your stupid little broken hearted friend of yours to meet me at the coffee shop tomorrow near the School. 7:00 Am sharp. Once she's late, She's Dead. By the way, give her my number" sabi cheska habang binabasa ang halatang text ni Zkyler. "Streyla, mamayang gabi magpray ka sa kahit anong santo o kaya lahat na sila tawagin mo tapos magbasa ka din ng Bibliya para mamayang katext mo sya may mahaba kang pasensya sa kaarogantehan nya at para narin bukas. Mahaba-habang pasensya ang dapat mong ibaon araw-araw nito" sabi nya at napalunok ako.

Ano naman ang sasabihin ni Zkyler bukas?

"sya nga pala akin Cellphone mo, ibibigay ko number nya sayo."

"no need. Wala din naman akong load" sabi ko at napakurap kurap sya.

"what? Kaya pala hindi ka manlang nagrereply sa mga text namin ni Cess ay sa kadahilanang wala kang load" sabi nya at tumango ako

"ganun na nga. Oh sya aalis na ako. Magkita na lang kami bukas. Aagahan ko na para di ako madead" sabi ko at nauna ng naglakad at nakita si Lei sa di kalayuan at sinenyas sakin na bilisan ko na at may naabang nap ala syang taxi

"Grabe, di pa ba kayo sawa ni Cheska, may bukas pa oy!" sabi nya pagkalapit ko sa kanya. Ngumiti na lang ako ng tipid.

Nakarating kami sa Condo namin ng matiwasay at gaya nga ng sabi ni Cheska pagkatapos kong maghalf-bath ay nagbasa ako ng bibiliya at hiniling na bigyan ako ng mahaba-habang pasensya.

Pahiga na ako sa kama ko nang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan ang mensahe. Isang unregistered number.

[Answer the damn call you little broken hearted girl]

Just the Melody (COMPLETED)Where stories live. Discover now