Second Note

223 27 0
                                    

"No amount of tears in my eyes that I won't cry for ya"
-2U by David Guetta

Streyla Freigh

This is it!

kalma Streyla, kakanta ka lang okay? Hindi ka naman kakainin ng Dean na ’yon. Kalma.

Pagpasok ko palang, una kong tinignan ang kabuuan ng Music Room. Instruments. Guitar. Drum. Violin. Piano.

Pagkakita ko palang sa Piano ay agad ko tong linapitan at hinawakan agad ang key. Agad na tumunog. Oh? Ready na pala lahat. linibot ko ang buong sulok nito at nakita ko ang isang speaker, marahil iyon ang sinasabi ni Dean na kailangan kong i-open.

Dali-dali akong lumapit doon at inopen yon. Pagkatapos pumunta na ako sa harap ng piano at umupo.

Bumuntong hininga bago lakas loob na nagsalita.

“Dean? Magsisimula na ba ako?” tanong ko ngunit walang sumagot. Eh? Kala ko ba maririnig nya ako.
Bahala na!

NP: Last Kiss by Taylor Swift

I still remember the look on your face
Lit through the darkness at 1: 58
Words that you whispered for just us to know
You told me you love me so why did you go away?Away...

Gusto ko marinig nya ito. Gusto ko masagot nya ang tanong ko. Habang kinakanta ko ito, hindi ko maiwasang isipin ang mukha nya. Hindi ko maiwasang masaktan. Gustong tumakbo papunta sa kanya at tanungin kong anong kulang ko, kung pwedeng punan nang bumalik na sya sa’kin. Piliin ako at mahalin.

I do recall now the smell of the rain
Fresh on the pavement, I ran off the plane
That July 9th, the beat of your heart
It jumps through your shirt, I can still feel your arms

Habang prinepress ko ang key, bawat nota na lumalabas ay ramdam ko. Ramdam ko ang pinapahiwatig ng kanta at ramdam ko parin ang yakap, ang bisig niya. Nang panahong nasa bisig nya lang ako at ramdam na safe ako. Nang panahong lugmok ako at sya ang nasa tabi ko.

Now I'll go sit on the floor wearing your clothes
All that I know is I don't know how to be something you miss
Never thought we'd have a last kiss
Never imagined we'd end like this
Your name, forever the name on my lips

Paano nga ba? Pa’no nga ba ang gagawin ko para ma-miss mo ako? Para malaman mo na mas mahal mo na pala ako kesa sa kanya? Hindi ko aakalaing ganun lang matatapos ang lahat, isang masaklap na dulo. Ang melody na ating binuo ay winasak mo sa araw na alam mong isa sa pinakaespesyal na araw ng buhay ko. Ngunit kahit papano, pangalan mo parin ang binibigkas ng labi ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagkanta at dinama ang lyrics nito kasabay ang Nota na lumalabas sa minamahal kong Piano.

And I hope the sun shines & it's a beautiful day
And something reminds you, you wish you had stayed

Malabo, ngunit umaasa ako na pinagsisihan mong iniwan mo ako. Malabo ngunit umaasa akong babalikan mo ’ko at kung dumating ang panahon na’yon sana hindi pa huli ang lahat, dahil hanggat mahal kita bibigyan ulit kita ng espasyo, espasyo sa puso ko.

You can plan for a change in the weather & time
But I never planned on you changing your mind

Kahit masakit, hindi ko gustong baguhin ang desisyon mo. Na kahit ako ang iniwan at niloko atleast alam ko na iyon ang kaliligaya mo. Mahal kita at handa akong masaktan makita ko lang na masaya ka, kahit sa piling na ng iba.

Just the Melody (COMPLETED)Where stories live. Discover now