Nineth Note

127 10 0
                                    

Streyla Freigh

Lumipas ang isang linggo matapos ang pagwalk out ko sa klase habang nandoon ang SLAYER at ang pag-amin ni Princess sa totoong rason nya kung bakit nya hiniwalayan si Gio.

“Class dismissed”

Sobrang lawak ang ngiti ng lahat dahil tapos na ang history subject namin at ibig sabihin nito Next na ang two hours na Music Subject pero bago yon may 30 minutes break kami.

Agad-agad silang pumanhik at hanggang sa kami nalang ang natira sa classroom.

“hindi ako gutom” sabi ni Cheska at tumango naman kaming lahat. maging ako ay hindi rin gutom.

“sa Library nalang muna tayo” suggest ni Cess ngunit bagsak ang balikat na umiling kami.

“Sa garden” sabi ni Lei at napalabi naman kami.

“Kung pupunta pa tayo don ay hindi pa iinit ang puwet natin ay tatatayo na tayo at pupunta ulit dito” sabi ni Ches at napatango naman kami. Medyo malayo kasi ang garden sa building namin

“Maglakad-lakad nalang tayo” sabi ko at napalabi naman sila sakin

“anong lalakarin natin? Titignan ang mga ka-building natin? Nah! Buti sana kung doon kina david” sabi ni cheska at nabatukan naman sya ni Cess

“Wala ka na bang ibang masabi kundi david! Pagpalitan ko kayo ng mukha gusto mo?”

Napangisi naman ako at napatawa naman si Lei.

~*~

Lumipas ang trenta minutos ng wala man lang kaming nagawa kundi ang mag-isip kung saan ang pupuntahan namin, hanggang sa isa-isa nang dumating ang mga kaklase namin.

“huwag na kayo mag-isip. We spent that time in arguing.” Sabi ko nang narinig ko pa na nag-sa-suggest pa ng lugar.

“Hello everyone. So Last Week, Slayer went here and heard you sang and you know that they picked someone to be their student and so that our school can create a new Band.” Sabi ni Ma’am Dess at sa totoo lang wala akong maintindihan sa sinasabi nya dahil una sa lahat, nag-walk out ako pagkatapos ko kumanta.

“What is she talking about?” bulong ko kay Cheska ngunit umiling lang sya.

“ewan ko. Nakipag-walk out kami sayo noon eh.” Bulong nya at napailing nalang ako.

“And they picked only five, that means they are already the trainee of our new girl band” nakangiting sabi ni Ma’am Dess at nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin. Parang alam na nila kung sino.

“Please stand up to those lucky five girls” nakangiting sabi ni ma’am Dess at tumayo si Trixie. Wala ng iba.

Napatingin sa parte namin ang mga kaklase namin pero wala kaming kaide-ideya kung bakit.

“Ms. Saches, Ms. Freigh, Ms. Sinete, Ms. Herch please stand up” nakangiting sabi ni ma’am kaya naman napatayo kami ng wala sa katinuan.

“ine-expect ko na na sila ang mapipili”

“they are cool”

“nakakahiyang maging parte ng group of friends nila, they are talented”

“tingin ko magiging success ang banda nila, they are all good especially Streyla”

Ilan yan sa mga bulong-bulongan nila na rinig ko naman.

“You guys are the five lucky girls and please proceed now to the music room, Slayer are waitig there”

Just the Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon