Thirty Note

95 4 0
                                    

Streyla Freigh

Nandito na kami sa harapan ng bahay nina Zky. Mali, mansyon nila.

Malapit lang to sa bahay nina Cheska. Yong totoo? Village ba to ng mga SLAYER?

Binuksan ng isang gwardiya ang gate nila at agad kaming pumasok sa loob ng mansyon.

Pinark ni Zkyler yong kotse niya sa parking lot at agad na bumaba sa kotse at kasunod noon ang pag-baba naman ni Xyler at Lei. Kami kasi ang magkasama sa kotse nila, magkasama si David at Cheska habang si Gio at Cess, si Migo? Ayon, linagay muna ang kotse nya sa bahay nila kaya natural hihintayin pa namin yon.

"Kaya mo to Streyla! You need to enlighten your mind." Sabi ko at bumuntong hininga.

Halos mapatalon ako sa gulat nang binuksan ni Zkyler yong kotse nya at tinignan ako ng walang kaekspre-ekspresyon ang mukha.

"A-ahh bababa na. Haha" awkward pa akong tumawa pero hindi nya ako pinansin at kinuha ang HEADSET nya at sinaksak sa tenga nya! Nice!

Napatampal ako sa noo ko at bumuntong hininga. "Act as if it doesn't affect you Streyla! God!" Bulong ko at lumabas na ng kotse,sakto naman na dumating na sina Migo at Trixie na parang may pinag-uusapan.

"Let's go, time is running" sabi ni Zky at nauna ng naglakad papunta sa bahay nila.

Parang bahay nina Xyler ang bahay nina Zky dahil agad silang umupo sa sofa sa living room nila at sila pa ang kusang nagbukas ng flatscreen Tv nila Zky. Wala akong masabi! Feel at home kung feel at home!

"Let's go to my music room" sabi nito at imbes na si Zky ang magli-lead sa amin! hanep! sina Xyler na!

nakarating kami doon ng bagsak ang panga. No, kami lang pala ni Lei kasi for sure nakapunta na sila dito noon pa man.

"Oh! Sa wakas David makakapag-piano ka na!" sigaw ni Xyler kay David na ngumiti din.

"when the last time I went here, Zky don't have piano in his Music Room, linalagay nya sa bodega nila. I don't know the reason but I know he hates piano" sabi ni Cheska habang nakatingin sa akin. Waring alam na nagtataka ako sa aking narinig. "That's why I was shocked when you told us he knows how to play it" sabi nya at doon naman ako napatingin kay Zky na kasalukuyang tinitimplahan ang gitara.

What's wrong with piano that you hate it very much?

"It's ready, let's start practicing" sabi ni Zky at doon na ako tumingin kay Xyler. Mahirap ng mabuking.

"Past is done Streyla but your present can also be your future"

Napatingin ako kay David na nakangiting tumingin sa akin. Waring may plano na sa gagawin. Yes, he enlighten me that I should choose between past to present, and he enlighten me that Zky is much more worth it than him who leave me and choose someone else.

"Sure." Sabi ni David at pumalakpak naman sina Lei.

"Zkyler" tawag ni David at napatingin naman si Zky na kasalukuyang tinatanggal na sa wakas ang kanyang headset but sadly linagay nya lang yon sa leeg nya.

"Choose between Lei and Streyla" sabi nya at napakunot noo naman kaming lahat. Anong trip mo David?

"Why would he choose? I mean, anong connect?" Tanong ni Xyler habang tumabi kay Lei. Di nakawala sa paningin ko ang pamumula ng pisngi ni Lei. Kung titignan kasi parang binabakuran na sya ni Xyler.

"Don't worry di naman sya aagawin ni Zky sa'yo" sabi ni Cess at nagtawanan sila. Sila lang dahil di ako relate! Naguguluhan parin kasi ako sa gustong mangyari ni David

Just the Melody (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora