Eleventh Note

122 9 0
                                    


Streyla Freigh

[Answer the damn call you little broken hearted girl]

Napakurap ako ng tatlong beses at inulit-ulit ang pagbasa sa text. Kahit hindi ko na tanungin kung sino alam ko na kung sino sya. Sya lang naman ang nagsasabi ng you little broken hearted girl eh, walang iba kundi si Zkyler.

Napatalon pa ako ng kunti nang makitang tumatawag ulit sya. Isang mabilis na lunok at pag-ubo ang ginawa ko bago ko sinagot ang tawag.

[are you that busy to the point that you don’t even dare to answer my 10 missed call you little broken hearted girl]

Yan agad ang bungad pagkasagot ko sa tawag. Napalunok tuloy ako ng dalawang beses.

[ah nagbabasa kasi ako] sabi ko which is true, katatapos ko lang magbasa ng bibliya.

[good. You are reading the book I gave to you. What page are you now?”]

Natigilan ako sa sinabi nya nang napagtantong nakalimutan ko iyon sa canteen.

[naloko na] wala sa sariling sambit ko at nanginginig na tinignan ang Cellphone ko, nagbabakasakaling nananaginip lang ako pero hindi talaga eh. [nakalimutan ko sa Canteen. Wait kukunin ko lang] sambit ko

[What? It’s already 10;00 pm. Are you nuts you lit---]

Pinutol ko na ang tawag at dali-dali kong sinuot ang tsinelas ko at naglakad papunta sa labas ngunit nagvibrate ulit ang cellphone ko kaya naman wala na akong nagawa kundi ang i-airplane mode nalang ito. Kakailanganin ko ang Cp ko para maging flashlight mamaya.

Nakarating ako sa labas ng kwarto ko at expected ko na na madilim ang paligid. Para akong pusa na naglalakad. Maingat at walang tunog, baka kasi magising si Leila.

Nakarating ako sa labas ng gate ng Condo namin at agad na nagpara ng taxi at sinabi ang paaralan namin.

Makalipas ang kinse minutos ay nakarating na ako sa labas ng School. Walang tao.

Pumasok ako sa Girls gate at saktong walang gwardya. Mabuti at madali lang akong naglakad sa hallway. Dilim. Tanging ang maliliit na ilaw lang ng hallway ang may ilaw.

Takot ako sa multo ngunit mas takot ako kay Zkyler, ayaw kong magalit na naman yon at dadamdamin ko na naman mga sasabihin nya.

Nakarating ako sa canteen at may ilaw ngunit nang tangka ko na syang buksan ay nakalock na ito. Napabuntong hininga nalang ako. Paano ko na makukuha to?

Napaupo nalang ako sa sahig at pilit na nag-iisip ng paraan.

“pano kita makukuhang Libro ka.”

“You’re relly nuts. You don’t have brain. It’s already 11:00 Pm, natural na nakalock na ang canteen”

Napatili ako nang may bigla nalang paa sa harapan ko at biglang nagsalita. Pilit ko pang inaninag ang mukha nito dahil nakaitim syang jacket at may hood yon.

“Ulyanin” malamig na sabi niya at nabosesan ko na sya

“Zkyler?”

“yes it’s me. Now get up. Wala kang mapapala. Hindi mo makukuha ang librong yan. Siguraduhin mo lang na hindi yan mawawala at siguraduhin mo lang na di ka na uulit bukas dahil patay ka sakin” sabi nya at nauna ng naglakad.
Dali-dali naman akong sumunod sa kanya. Pinampag ang puwetan at patakbong sumunod sa kanya.

Maingat kaming nakalabas sa Rm school ngunit nang nakalabas na kami ay may mga sigang mga lalaki sa di kalayuan sa Motor ng kung sino man at parang nanakawin pa ata ito

“sh*t my Motor” sabi ng nasa unahan ko

“Motor mo yan?” tanong ko at masamang tingin ang binigay nya sakin

Just the Melody (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz