Eighteenth Note

101 8 0
                                    

Streyla Freigh

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway ng school habang bitbit ang gitara na pinapahawak sakin ni Lei. Jusko naman ang babaeng yon! Nitong nakaraang araw,lagi nalang syang nawawala. Minsan kabute na susulpot na hinihingal o di naman ay pumupula ang pisngi, parang natatakot at may gustong taguan, mali gusto nya akong itago. Nagsisimula na akong magtaka sa kanya. Minsan iniisip ko tuloy na humihithit sya ng pinagbabawal na droga.

Naalala ko na naman tuloy nong nakaraang araw na pumunta kami sa mall at iniwan ako dahil may susundan lang sya at sa kamalas-malasan nakita ko si Zky at hindi naging maganda ang ending nong araw kong iyon, sa inis ko sa mga babae sa Penshoppe, iniwan ko syang mag-isa pagkalabas namin don at sinauli ang Bag nong penshoppe at sinabing nandoon na ang perang bayad nong damit.

Basta! Naiinis pa rin ako sa mga babaeng yon! Na kapag makita ko ulit pero malabo naman na atang mangyari, pero memorize ko pa mga mukha nila! Pag-uuntugin ko sila sa pagiging malandi! Baka nga may mga jowa na ang mga yon tapos nakakita lang ng gwapo, parang bulateng binudburan ng asin at di na matigil sa paggalaw! Tapos yong lintek na feeling cool na may earphone lagi, parang wala lang sa kanya ang mga ito at kahit wala naman syang ginawa noon kundi makinig ng music sa earphone nya ay naiinis ako sa kanya! Bakit pa kasi kami doon eh! Kainis! Sa susunod na pupunta kami sa penshoppe, kung may susunod pa, bibigyan ko na sya ng mask! Aisshhh!

"Don't you know that when you walk you need to chin up and don't look the floor. You might bump someone"

"Ay Malanding linta ka!  Oh my gosh!"

napatalon ako ng may bigla na lang nagsalita sa tabi ko. Tinignan ko ito at si Xyler. Medyo matagal na mula nong huli kaming nagkausap.

"Xyler?"

"Aha! The one and only! Haha" tawa nya na wala na namang makitang mata. Bakit ba kasi ang sisingkit nila?

"Why are you here?" Tanong ko at sya naman ay ginulo ang buhok at tinignan ako.

"You don't recognize it. Yeah right." Sabi nya at napakunot naman ako ng noo. Ano ang di ko napansin?

"What?" Tanong ko at kinunotan pa sya lalo. Mas ginulo naman nya ang buhok nya at doon ko lang napansin.

"Ohh. You changed the color of your hair." Sabi ko at tumango naman sya.

"Bagay ba?" Tanong nya at tinanguan ko naman sya.

Bagay naman talaga nya. Bagay na nya noon ang yellow na buhok pero mas bumagay sa kanya ngayon ang kulay brown. Mas gumwapo sya. Mas lalong mahuhulog nyan si Lei. Naku naman.

"Yes and it---"

"Eyla!"

Napatigil ako sa pagsasalita nang nakita ko si Lei na tumatakbo papunta sa amin. Di pa nya ata nakita si Xyler dahil nakatuon ang pansin nya sa akin at kita sa mata nya ang takot? Ano bang nangyayare kay Lei?

"Eyla! Tara na! Late na tayo! Hindi ka dapat lumabas ng di ako kasama ah? Tara na!"

"Teka! Hoy! Kausap ko pa si Xyler! Waaah! Sensya na Xyler! Bye!! Aissh!! Ano ba Lei!"

Nagpatuloy sya sa pagkaladkad sa akin hanggang sa nakarating kami sa loob ng classroom namin at andon na sina Cheska at Cess. Si Cess na pinapatahan si Cheska. Ano bang nangyayari?

Ilang segundo lang ay bumukas naman ang pintuan at linuwa non si Trixie at nag-aalalang tinignan si Cheska. Akmang lalakad na sya papunta roon ng hinawakan ko ang kamay nya.

"Bakit sya umiiyak?" Tanong ko ngunit umiling lang si Trix.

"Mahabang kwento Eyla. Mamaya nalang siguro" sabi nya kaya naman tumango nalang ako at sinundan siyang pumunta doon habang nanatili parin ang kamay ko kay Trix at nanatili rin ang kamay ni Lei sa kamay ko habang nanginginig.

Just the Melody (COMPLETED)Where stories live. Discover now