Chapter 21: Cut the Crap

Start from the beginning
                                    

[AMIA'S POV]

Unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ni Amia. Gabi na at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nakatingin siya sa mga bituin sa langit. Napaisip siya. Kumusta si Hiro? Okay lang kaya ito? Ipinagdarasal niyang oo.

Napangiti siya ng mapait. Ang dami niyang tanong tungkol kay Hiro. Ngayon ay unti-unti siyang bumabangon. Para sa anak nila. Ito ang magsisilbing ugnayan nila ni Hiro kahit malayo ito sa kanya. Nararamdaman niyang lalabas na ang baby nila. Malapit na malapit na kaya naging handa na siya.

Tinitigan niya ang bituin. Si Hiro ay parang isang bituin. Mahirap abutin, mahirap makapiling at mahirap magkatotoo. Napakalayo ng agwat nila sa buhay. At, galit na galit ito sa kanya.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang naramdaman niyang may kotse sa labas ng kubo niya. Tumayo siya at tinignan kung sino. May bahagi ng isipin niya ang umaasa na si Hiro iyon. Sumilip muna siya sa bintana.

Magandang kotse ang nakita niya. Bumaba ang isang gwapong lalaki. Namumukhaan niya ito. Kasama ito sa mga sumundo kay Hiro. Kinabahan siya. Kumatok ang lalaki. Naglakas loob siyang pagbuksan ito.

"A...Anong kailangan mo?"

"Hi."

"Ah...ma..magandang gabi.." takot na sabi niya.

"I'm not here to blame you or what. I just want to know if you are okay. How's you?"

Mukhang mabait ito. Napakagwapo nito kagaya ni Hiro. "Pa-pasok ka...pasensiya na sa kubo ko."

"Careful..."

Hinawakan siya nito sa braso. Napaka-banayad ng pagkakahawak nito sa kanya. Tila alalang alala rin ito. Nakatingin ito sa tiyan niya. Nailang siya sa hawak nito kaya lumayo siya. "Maupo ka."

"Huwag kang maabala sa akin. Napadaan lang ako para itanong kung kumusta ka? Kumusta kayo ni Baby?"

"O-Okay naman...malapit na siyang lumabas...nararamdaman ko."

Ngumiti ito sa kanya. Bakit hindi ito galit? Dapat ay sumbat ang naririnig niya mula rito. Malamang ay alam nitong sa kaibigan nito ang dinadala niya. Pinapunta kaya ito ni Samuel doon? "That's good. Well, I know you want to ask if how's Hiro. Well, he is recovering. Almost recovered."

Napangiti siya bigla. "Mabuti naman kung ganoon. Diyos ko, salamat po."

"Mabilis ang recovery niya dahil exposed siya sa mga bagay na pamilyar sa kanya."

Napalis ang ngiti niya. Nahiya siya bigla rito. Oo nga pala at niloko niya ito. "Patawad...hindi ko talaga sinasadyang lokohin siya."

"We should thank you for taking care of him."

Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. Gumaan ang loob niya. Wala siyang makitang panliliit at panghuhusga mula sa lalaking ito. Humanga siya rito. Napakaswerte siguro ng babaeng mamahalin nito. "Pinagsisisihan ko talaga ang ginawa ko."

"Nah. Don't be so harsh on yourself," lumapit ito sa kanya. "By the way, I'm Kurt."

Tumingin siya sa magandang kamay nito. Doon na lamang niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Ako..ako..si Amia."

"Nice to finally know you, Amia." Ngiti nito sa kanya. "Nagdala ako ng gamit ng baby. May mga gatas, diapers, clothes, et cetera. Sandali at kukunin ko sa kotse."

Nakamasid lamang siya rito. Ang dami nitong dala pa sa kanila ng baby niya. May crib pa na mukhang mamahalin at kung anong ano bagay. "Naku, Kurt, hindi ka na sana nag-abala pa. May mga gamit naman kaming naipundar ni Samue...ni Hiro noon, eh. Nakakahiya sa'yo."

"I want to help you, Amia. Hiro is my bestfriend. Hindi na kayo iba sa akin."

Napakabuting tao ni Kurt. Pero hindi niya kayang tanggapin lahat ng iyon. "Kahit na..."

Lagi itong nakangiti. Parang wala itong problema sa buhay. "Wala ito, okay? Para kay baby naman iyan. And I want you to have this. It's obviously a phone. Tawagan mo ako kung anong nangyayari sa'yo. Kapag nanganak ka na lalo."

Umiling iling siya. "Kurt, mas hindi ko 'yan matatanggap. Okay lang naman ako. Huwag ka ng mag-alala."

"I don't take no for an answer."

Napabuntong hininga siya. Parang hindi naman siya mananalo rito. "Hay. Sige na nga...maraming salamat ah! Nakakahiya sa'yo.."

"And here's a cash. In case na kailanganin mo. Hep! Walang aangal. Okay?"

Hindi na siya nakapagsalita. Totoo ba ang nangyayari? Daig pa niya ang nanalo sa lotto. Ayaw niya itong abusuhin. Kailangan naman niya talaga ng pera. Magpapaka-praktikal na muna siya. Babayaran nalang niya kapag nakapanganak at nakaipon na siya.

"Pwede bang utang nalang ito, Kurt? Nakakahiya kasi."

"Hay...humirit ka pa. Sige na nga utang na." Sabi nito.

Binigyan niya ito ng matamis na ngiti. Nakalimutan niyang alukin man lang ito ng kahit ano. Malamang ay mapili ito sa pagkain. "Sandali, ah. Maupo ka muna. Kukuha lang ako ng miryenda."

"Naku. Huwag na paalis na rin ako. I have work tomorrow. So, paano? Use that phone okay? Tawagan mo lang ako."

"Teka. Ipagbabalot kita ng biko. Kahit kaunti man lang para kapag nagutom ka ay may makain ka sa daan. Sandaling sandali lang."

Pumasok siya kusina. Habang naglalakad ay parang humihilab ang tiyan niya. Hanggang sa pasakit na ng pasakit. Sumigaw nalang siya.

"Araaaay!"

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Where stories live. Discover now