Kabanata 21

Depuis le début
                                    

Mag kuya nga kayo!

Umakyat ako sa classroom na nakabusangot padin ang itsura, kaya agad akong sinalubong ni margaux.

"Oh bat ganyan ang mukha mo parang galit na galit ah!" Sabi ni margaux at umupo na lamang ako sa upuan.

"Ay mumsh lalo kang papenget niyan sige ka!" Sabi ni june at hindi iyon pinansin at hinanap na lamang si katelyn sa buong classroom.

"Asan si katelyn?" Sabi ko habang nililibot padin ang paningin ko sa buong classroom.

"Nag-cr siya pagtapos ng first subject! Kanina kapa niya hinihintay dahil hindi nga daw kayo sabay pumasok." Sambit ni margaux at nagsalung baba na nga lang.

Hindi kami sabay pumasok ni katelyn dahil nalate na talaga ako ng gising kaya pinauna kona siya.

Pumasok siya at agad siyang tumungo sa kinauupuan ko.

"Akala ko hindi kana papasok!" Sabi niya at umirap ng bahagya.

"Medyo na late lang sorry!" Sabi ko ba at ngumiti ng bahagya.

"Vacant naman ang second subject dahil ang balak nila ay pagsamahin ang ibat-ibang section sa economical eng." sabi ni june

Alam niya ang mga ginagawa dito sa school kaya madami din kaming nalalaman, pero ano? Pagsasamahin ang buong highschool!

"Madami din kasing na leave na teacher's mula sa economical subject kaya pagiisahin na lang tutal pare parehas lang naman tinuturo!" Sabi ni margaux at tumango na lamang ako.

Ano makakasama kopa si clarkson! Nako naman oh!

Sumilay ang ilang oras pa at lunch break na kaya naman pumunta na kami sa cafeteria at nadatnan namin doon si

Russel..

"Hey, ako na mag oorder" bungad nanaman niya pero hindi ko ito pinansin.

"Ui, alexis si russel na daw ang mag oorder." Bulong ni katelyn

"Mumsh winner na winner kana ngayon ah pumayag kana!" Bulong pa ni june

"Hayaan na lang natin si russel te makulit talaga yan!" Sabi ni margaux at tumingin ako kay russel.

Nakatingin lang ako sakanya habang siya ay naka-ngiti padin.

Mukha kang aso!

"Oh sige ikaw na tsk." At binigay ko ang pera sakanya pero inilapat niya ulet saken.

"No, sagot kona okay" sabi niya at ngumisi na lamang ako

Ang yabang talag niya!

"Wag na sagot nanamin!"

"Wag na nga!"

"Wag na kami na!"

"Wag na nga ako na nga"

"Wag na sabi eh!"

"Wag na ako na okay relax"

"Hindi na kami na sasagot!"

Palakas ng palakas ang boses namin at nagulat kami ng sumigaw si katelyn!

"Ano ba! Nakakahiya kayo!" Sigaw niya at tumingin ako kay russel

Nakakailan na kayong magkapatid!

"Ako na okay umupo na lang kayo." Ngiti pa niya at nainis ako kaya iniwan ko siya don kasama sila katelyn.

"Para ka namang tanga mumsh, ganyan kaba kiligin?" Si june at natawa naman sila ng bahagya.

"Para kayong mga tanga." Malamig na sabi ko kaya natigilan na lamang sila.

"Eto na yung order niyo guys!" Bungad ni russel sa amin at talagang madami siyang inorder sobra pa ata ito sa aming lima!

"Let's eat?" Sabi niya at kumain na lamang kami, pero tahimik lang kami sa isat-isa.

"Nako thank you russel ah ang gwapo mo ngayon!" Pangaasar ni june at ngumiti na lamang si russel.

"Everyday naman akong pogi." Sabi niyang deretso

Ang hangin whoooo!!!

"Ang lamig no? Lakas ng aircon!" Pakukunwari ko natawa na lang sila.

"Mahina lang yung aircon sa cafeteria te ano kaba!" Sabi ni margaux

Ay doon ako napahiya!

"Hindi kaba sanay sa malamig?" Sabi ni russel ay humigop siya ng frappe niya!

"Hindi"

"Hug na lang kita oops joke" sabi niya at nag peace sign.

"Ganda ng biro mo"

"Medyo lang naman mas maganda kapa din"

"Tss"

Talagang tatamaan kana sakin.

At hindi ko alam na nakatuon na samin ang tatlo!

"Anung tinitingin-tingin niyo jan?" Tanong ko.

"Ganyan ka ba talaga kiligin mumsh?" Sabi pa ni june at hindi ko na lamang pinansin.

At natapos kaming kumain at akmang tatayo nako ng hawakan ako ulet ni russel.

"Please! Alexis pumayag kana makipag date." Seryoso ang sambit niya kaya naisipan kong lumingon sakanya.

"Ayoko nga russel" seryoso ko ding sabi.

"Ngayon lang naman diba please?"

"Ayoko nga!"

"Pagisipan mo muna wag ka muna magsabi ng tapos!"

"Buo na nga ang desisyon ko ayoko nga makipagdate!"

"Please im begging you." Sabi niya at iniwan kona lamang sila don dahil ayoko na talaga ng may nangungulet sakin!

"Grabe ka dun mumsh!" Si june.

"Pano banaman kasi ang kulet niya!" Sigaw ko

At hindi ko alam na kanina la nagriring ang cellphone ko!

Agad ko itong sinagot at itinapat sa tenga ang phone.

"Is this alexa mae reyes?" Sabi sa kabilang linya.

"A-ahh yes po bakit?"

"Ang tatay mo ay nandito sa hospital plea—-" tumigil siya sa pagsasalita at agad akong nagsalita

"Anong hospital po yan!? Sige po on the way na po!" Sigaw ko at agad tumulo ang luha ko

~~tut~~ ~~tut~~ ~~tut~~

"Ano nangyari alexis!" Sigaw ni katelyn at tumakbo na lamang ako sa entrance at sinundan naman ako ng tatlo.

"Tatay ko nasa hospital please pupunta ko don!" Sigaw niya sa guard at tumakbo ang tatlo sa taas para kunin ang bag ko.

"Mam sorry pero—" naputol ang sasabihin ko ng agad akong lumabas at tumawag ng taxi!

Pa? Anung nangyari sayo!

Agad akong sumakay ng taxi at tinuro kung nasan ang hospital na tinuro sakin ng nurse.

"Manong please pakibilisan!" Iyak ko at sinunod naman ito ng driver.

Anung nangyari kay papa!

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant