Chapter 21: The One That Will Loose

Start from the beginning
                                    

Napahinto naman ako at pinakiramdaman ang paligid. Inilibot ang tingin sa buong paligid. Walang taong nasa paligid.

Sinipa ko ang batong nasa paanan ko papunta sa may halamanan sa gilid.

"Aaah!"

Agad namang tumayo ang lalaki habang himas himas ulo niya.

I just gave him a boring look.

"What do you want? Akala ko ba kambal ko ang gusto mo, bakit sunod ka ng sunod sa akin?" sabi ko. There is no one around so it's okay to speak about my twin.

"Utang ko sayo ang buhay ko. Kahit ano gagawin ko para makabawi sayo." Sabi niya na para bang humihiling sa akin na maging alipin ko siya habang buhay.

I just shrugged. "I just saved you from your own stupidity, it's not much big of a deal."

Napailing naman siya. "Hindi, malaking bagay saakin iyon. Kahit ano para sayo gagawin ko."

Great! Now I have my twin's stalker as my dumb slave. Bakit ba nito ipinipilit ang sarili saakin?

I stepped closer to him. I can see he was intimidated. "If I told you not to breathe, would you do it?" napayuko siya at tumahimik. He just pursed his lips.

"Hindi ko kailangan ng aaligid-aligid sa akin. Do something better with your life o baka naman  di ka pa nakuntento sa suntok ko sa iyo?"

I raised my fist and act as if I was gonna punch him. Nakita ko namang napakuyom siya ng kanyang kamao. Nagbago ang ekspresyon niya sa mukha.

"Buong buhay ko, palagi akong binubully. I was always taken for granted and ignored-----"

"Tss." Binawi ko iyong kamao ko at napamulsa nalang.

"Yeah yeah just shut up. Wala ako sa mood makinig sa talambuhay mo. Kung gusto mo talagang maging aso na bubuntot-buntot sa akin, fine. Tsk." Pagpuputol ko sa kanya feeling bored. Dami pang satsat eh.

Naglakad ako patungong cafeteria nang nagkataong makasalubong namin si Hyron.

Agad siyang napasugod sa amin nang makita ako kasama ang lalaking toh sa likod ko.

"Anong ginawa ng kutunglupang stalker na yan at kasama mo siya Eli?!" di makapaniwalang tanong ni Hyron.

Napaikot nalang ako ng mata sa halip na sumagot. I don't know either. Napagod na ako sa kakataboy sa kanya.

I was tempted to beat him again. Inambahan ko nga siya ng suntok but he just closed his eyes and stood his ground. This guy is annoyingly determined. Hinayaan ko nalang, ako rin naman ang mapapagod kakataboy sa kanya.

"Eli!" tawag muli niya nang di ko siya pinansin. Isa pa itong makulit sa buhay ko. Bakit ba lahat nalang ng lalaking nakakasalamuha ko ay mga bwisit sa buhay? I can see why people built an all girls school, walang mga unggoy sa paligid.

"Eli!" Muli nanaman niyang tawag sa akin. He was like a child having his tantrum.

"What!?"

I didn't bother hiding my irritation. Wala akong paki kung di ako kaugali ni Eliza. I already know I have a temper shorter than Regine's micro skirt kaya di ko maiwasang magtaas ng boses.

They weren't too shocked about it lalo na si Jethro sa kaalamang hindi ako si Eliza.

Sa kabilang banda ay para namang nagtatampo si Hyron. Tch how old is this guy? Six?

"Are you really jealous of him?" tanong ko sa kanya pero inisnob niya lang ako at tinignan ng masama si Jethro. It's like he was threatened by his presence.

He was starting a cold war.

"Hyron." Tawag ko sa kanya pero di parin siya sumasagot.

Sinusundan niya parin kami pero di siya nagsasalita which was opposite to his very nature. I really wanna see how long he can keep it up but I don't have the patience.

"Fine, do what you want. Di na ako tutuloy sa cafeteria." I walked the opposite way.

Susundan pa sana nila ako pero tinignan ko lang sila ng malamig at nakuha naman sila sa isang tingin lamg. Hyron looked like a guilty puppy. Yan ang napala niya, may nalalaman pa kasing pa-hard-to-get, sa babae lang naman gumagana iyon.

Hindi naman ako galit, they were just irritating and walking out on them was a quite refreshing.

Naglalakad ako mag-isa sa hallway ng makita kong papunti sa gawi ko si Nicholas.

Agad naman akong napatago pero narealize naman kaagad na hindi pala ako si Helena ngayon, I am my nerdy twin sister Eliza.

Napa-iling naman ako sa sarili ko. Why is it that I always loose my cool when he's around? Tch.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko ng may makabangga ako.

Hindi ko iyon inasahan lalo na't malakas iyong pagkakabangga kaya napatumba ako dahilan para matanggal iyong pekeng salamin ko.

"Watch out nerd." rinig kong sabi nito na siyang ikinatayo agad ng balahibo ko.Nagpupumipilit ng kumawala ang puso ko sa katawan ko.

Holy freaking shit.

It's Nicholas Fucking Kaizen King III.

Agad akong tumayo mula sa pagkakatumba at nanatiling nakatalikod sa kanya.

Pilit kong hinagilap kung nasaan nalaglag ang salamin ko. I was panicking at choosing between finding my glasses and leaving.

Nang marinig ko ang yapak niyang papalapit sa akin, my mind chose the latter at ipinagkaloob nalang lahat kay Batman. Mabilis akong tumakas palayo sa kanya habang nakayuko parin.

Hopefully he doesn't notice the resemblance.

Naghanap agad ako ng matataguan at pumasok lang ako sa girl's restroom at ikinandado ang pinto. Pabalik balik lang akong naglalakad doon.

Pano kung nakita niya ang mukha ko o may napansing kakaiba? I looked at my reflection in the mirror. The glasses really did help conceal my identity. Makapal kasi iyong rim ng salamin kaya natatakpan halos kalahati ng mukha ko at idagdag pa ang bangs. Without it our resemblance was undeniable.

Magiging problema ito pagnamukhaan ako. Lalong lalo na ni Cole. I could lose the bet and every thing at stake.

Pilit kong pinakalma ang sarili. Maybe I should just skip class. Sasabihin ko lang may sakit ako. Tama.

Hinintay ko ang tunog ng bell bago lumabas. Sinilip ko pa kung may tao pang natira sa hallway pero sa awa ng Diyos ay nagsipasukan na naman sila sa mga silid nila.

Napabuga ako ng hininga at tuluyang linisan ang restroom.

Paliko na sana ako sa gawing kanan ng hallway ng biglang may umakbay sa akin mula sa likod.

My heart almost jumped out of my mouth.

"Found you."

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now