"Hindi din." Tutol ni Oyo.

Napatingin ako. Parang sinasabi niya na iba talaga ang school na 'to.

"Bakit?"

"Tatlong taon ako sa first year. Hindi ako makapasa dahil ang dating school ko ay priority lang ang masisipag. Inaamin ko na hindi ako masipag talaga. Sa totoo lang ayoko nang mag-aral. Hanggang sa hindi na ako tinanggap sa ibang school kaya sa SJA na ako pumasok. Which is last chance na dahil ayoko talaga sa school natin ngayon. Konti lang naman ang estudyante kaya tanggap agad sila ng tanggap kahit masama ang reputasyon ng estudyante as long as may pangbayad. Kaya si Mommy at Daddy ay alam na dito ako sa SJA may pag-asa. Even ayaw din naman nila." Tumingin siya sa'kin. "Bakit ka nag-enroll sa school natin ngayon?"

"Wala nang tumanggap sa'kin." Sagot ko. "Pwede kasing late na mag-enroll eh kaya pumasok na ako. Tutol din ang ilan sa kamag-anak ko pero wala naman silang nagawa dahil miski sa public--hindi na ako tinanggap."

"Ganun ba?"

"At wala akong paki kung pangit magturo o masasama ang estyudante. Kilala ko ang sarili ko. Mag-aaral ako hanggang makapasa. 'Yun lang naman ang mahalaga."

"Wow astig."

Nakipag-apir pa siya sa'kin. "Teka, bakit mo sinabi na maganda sa school natin?" I asked.

"Oo dahil tutok sila sa masasamang estudyante. Ayaw ng iba dahil naiinis sila. Pero gusto ko. Akala mo ba kaaway ko si Mrs. Butalid? Paborito ako nun." Tumawa sila pareho. Favorite Teacher ko 'yun ah.

"Bakit?" Litong tanong ko.

"Sa tuwing magpapapirma ako sa kaniya ng clearance, pumipirma agad siya. 3 years ko na siyang Teacher sa science. At dahil lang ayaw niya akong bitawan. Sinusundan niya ako. Naging advicer kasi namin siya nung first year. Lagi akong alaga sa kaniya. Pero makikita talaga ng mga tao na kaaway ko siya dahil sinisigawan ako. Pero ni minsan hindi niya ako pinalabas ng room na trade mark niya. Galing no? At may utang ako sa kaniya dahil nagtitinda siya ng mga damit. Hindi na nga niya ako siningil."

Tumawa na naman sila. "Kaya gusto mo sa school natin." Tumawa din ako.

"At alam niya ang taste ko ah. And isa pa, sa tuwing inuutusan niya akong ibili siya ng softdrinks, laging may libre. Gusto niyang makatapos ako alam ko 'yun."

"Well, siguro nga paborito ka niya."

"Pero sabi naman si Sir Vic, may kaniya kaniya naman daw kakayahan ang mga estudyante. Nakatago lang kaya pilit nilang nilalabas."

Seryoso akong nakinig kay Oyo. Siguro gusto niyang ipagtanggol ang mga Teacher dahil alam niyang galit ako sa mga ito. Umuwi ako. Naalala ko ang dating school ko. Parang totoo nga ang sinabi ni Oyo. May mga Teacher na mas lalo pang tinuturuan ang marurunong na kesa sa nangangailangan talaga ng totoong tulong.

Pumasok ako kinabukasan. Naging mapagmatyag ako sa mga Teacher dahil sa sinabi ni Oyo. Pumasok si Miss Rose. "Kylie." Tawag niya agad sa isang classmate ko. Nakataas pa ang paa nito. Siya 'yung classmate kong puro 4rth year ang kasama at mukhang tamad.

"Ma'am?" Sagot nito.

"Saulado mo na ba 'yung pinapasaulo ko?"

"Not yet, Ma'am." Sumama ang tingin sa kaniya ni Miss Rose.

Sinaulo namin 'yun and syempre saulado ko na. Madali lang naman. Pero bakit si Kylie lang ang sinabihan niya? "Mag-usap tayo mamayang breaktime niyo ah." Sabi ni Ma'am kay Kylie. "Ipapatawag ko ang magulang mo kapag hindi mo ako sinunod. Ang mahal mahal ng tution ayaw niyong mag-aral." Humarap siya sa'min. Napatingin siya kay Oyo. "Oyo!"

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now