Chapter 48

8.5K 258 82
                                    

Chapter 48

Maybe

"Sasama ako, Trav."

Maliban kay Travis, ang lahat ay napalingon kay Aya na walang paalam na lumapit kay Travis. Hindi man lang nagsalita o nagbigay ng kahit na ano'ng reaksyon si Travis. Parang normal lang sa kaniya ang mga sinasabi ni Aya at gusto nga niya na makasama ito.

Parang nahahati ang puso ko sa sakit. Walang masalita ang bibig ko na kung ano. I was just looking at Aya how she dearly stares at Travis I wish I ever did before. I wish I stared at Travis like that.

"Sandali lang, Aya, ba't kailangan mo pa'ng sumama?"

Wala sa sarili akong pumihit ng tingin kay Zia na nakataas ang kilay. Nagtaas ng sulok ng labi si Xander.

"Kailangan ako ro'n ni Travis," may gulat sa tugon ni Aya.

Nag-krus ng braso si Zia. "Travis doesn't need you there. They won't talk about you."

"Honey..." mahinang tawag ni Xander habang hinahaplos ang balikat ni Zia.

Hindi nakabato agad ng sagot si Aya. Ayokong madamay si Zia rito. Baka siya ang awayin ni Aya, kapag nagkataon.

"O-okay lang na sumama si Aya."

Tumaas ang kilay ni Zia sa akin habang walang reaksyon akong sinulyapan ni Xander.

I cleared my throat. "N-naiintindihan ko... kung---"

"Tumahimik ka nga, Natalie. Hindi kita kausap. Si Aya'ng kausap ko," sinungitan ako ni Zia. "Alexander!"

"Yes, boss?" ngising tanong ni Xander.

"Hilahin mo 'yang si Aya. Aalis tayo," ang mala-reynang utos ni Zia sa kaniyang asawa.

Hindi na nakapalag pa si Xander. Nanlalaki ang mga mata ni Aya habang buhat-buhat siya ni Xander. Nagkukuwag si Aya sa galit.

"Let me down, will you! Damn it!" angil ni Aya.

"Sorry, utos ni misis. Ayokong magwala ang misis ko, eh." kinindatan ako ni Xander, sandali.

Mabilis na umalis si Zia, Xander, at Aya. Naiwan lang kami ni Travis doon sa lugar kung saan nila kami iniwan. Thick air of tension filled the eerie silence. Halos malapit lang ang distansiya ni Travis sa akin ngunit pakiramdam ko, ang layo niya. Na ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.

He really looked matured but dangerous at this time. Natatakot akong kausapin siya. Lalo't ganito siya katahimik.

He didn't say anything and walked towards the horse he used a while ago. Hinila niya ang kabayo patungo roon sa puno ng mangga at doon itinali.

Nangilid ang luha ko. How I miss him so much! Miss na miss na miss ko na siya. Gusto kong sabihin ang lahat ng bigat sa aking dibdib pero pakiramdam ko, kada salita ko, parang punyal iyon na dudurog sa pagkatao niya.

I shivered as Travis walked towards me grimly. He never smiled, like the way he showed how happy he was when he sees me every waking moment. Lalong bumasag ang puso ko.

My heart throbbed painfully and I couldn't able to say something. Something inside me wanted to burst, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Huminto siya sa harapan ko, nag-iwan ng malaking distansiya sa pagitan naming dalawa. My Travis doesn't want to leave distances between us before.

His jaw clenched hard as his eyes looked piercingly at me. I barely breathed as my chest squeezed hard, too.

"Now... speak," he said in dark tone.

Tricked (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now