Chapter 22

6.6K 190 9
                                    

Chapter 22

Doors

Panay ang ungol ni Travis sa sakit at papikit-pikit pa siya habang pabiling-biling sa kaliwa't-kanan. Ang lakas ng paghuhuramentado ng puso ko habang dinadaluhan siya. Nagpapanic na 'ko sa bawat daing niya at ungol nang malalakas. Shit!

"Travis, sandali, tatawag ako ng tutulong sa 'tin," natataranta kong sinabi.

He didn't answer me but I saw him nod. Agad akong tumayo at naglinga sa buong lugar kung sino'ng puwedeng sumaklolo sa 'min. Halos mawalan na 'ko ng pag-asa dahil wala akong makitang tao at ang malawak lang ng kapatagan ang aking natatanaw.

Couldn't there be someone who will help us?

Hanggang sa makita ko ang dumaraan na lalakeng nakasakay sa itim na kalabaw. May kalesa ang kalabaw na hinihila nito sa likod na sakay naman ang matandang babae.

Kumaway ako at sumigaw na taas sa aking mga baga, nagbabakasakaling marinig nila. At awa naman ng Diyos dahil dininig niya ang dasal ko. Agad silang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Sino po sila?" kunot-noo na tanong ng matandang lalake habang pinapatigil ang kaniyang kalabaw sa paggalaw sa harapan ko. Bumaba naman mula sa maliit na kalesa ang matandang babae at nilapitan ako.

"N-natalie po'ng pangalan ko. K-kung puwede po sana, tulungan n'yo po 'ko. Si Travis po... nalalaglag po sa kabayo," nanginginig na ang boses ko.

Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawang matanda. Na iyong lalakeng matanda, kababa pa lang sa kalabaw niya.

"Ay, sosporsanto! Nasa'n na si Senyorito Travis?" gulantang na wika noong matandang babae at mukhang kilala na nila agad ang tinutukoy ko.

Agad nila akong sinamahan kay Travis. Nang makita namin siya, nakamaluktot si Travis, sapo-sapo ang tiyan niya na malamang ay nadaganan ng likod ko kanina sa pagkakabagsak.

"Travis, kaya mo bang tumayo?" I asked with concern when I sat beside him.

He shook his head slowly, groaning in pain.

Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala dahil hindi ko alam kung ano'ng puwedeng gawin para maging maayos ang pakiramdam niya. Shit! Kasalanan ko kasi 'to, eh!

Napatingin na ako kay Manong nang nakaupo na siya sa tabi ko.

"Bubuhatin ko si Senyorito Travis at iaakay siya patungong karatela. Kami, ho, ni Misis naman ang sasakay sa kalabaw. Ihahatid namin po kayo sa mansyon," suhestiyon niya.

Tumango agad ako. "Opo. Sa likod na rin po 'ko."

Binuhat ni Manong si Travis habang inaalaalayan ko ang matandang lalake. Travis was hugging his stomach tight until we reached the small karatela. Kasabay noon ang pag-alis noong matandang babae at tinulungan kami sa pag-aalalay kay Travis.

Ibinaba ni Manong si Travis doon sa kalesa at umupo naman ako, tinungo ang kaniyang ulo at ipinatong sa aking hita. I could see his face written in full pain. Naramdaman ko na lang ang pag-abante ng kalesa. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang mabagal na lakad ng kalabaw, kasabay ang marahang hampas ni Manong sa kabayo. Nasa harap ng paningin ko si Manong at tingin ko, nasa harapan naman ni Manong si Manang.

Muli kong binalingan si Travis na namimilipit pa rin sa sakit. Nagpapa-panic na ako sa loob-loob ko, pero alam kong walang magagawa 'tong pagpapanic ko.

My fingers started to rake his semi-mohawk hair. "Travis, hold on, please. Makakarating na tayo sa mansion," I nervously said.

Minamasahe ko siya sa ulo at sentido niya hanggang sa makarating kami sa mansyon. Nang huminto kami mismo roon ay napansin ko agad na sinalubong kami nina Manang Elisa at ni Ekang, iyong dalagita na katulong din nila Travis.

Tricked (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon