Chapter 37

5.9K 186 26
                                    

Chapter 37
Son

"Ser, kayo na naman po?"

Alam kong sawang-sawa na sa pagmumukha ko ang kasambahay nila Irwin pero wala na akong pakialam. Isa lang ang misyon ko sa araw na ito... at iyon ay malaman ko kung saang lupalop ng Amerika nagtungo ang prinsesa ko.

Mapait akong ngumiti kay manang. Nakasarado ang itim na bakal na gate nila Irwin kaya hindi ako makapasok. Mag-iisang linggo na, simula nang kulitin ko siya ngunit hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang impormasyon.

Humigpit ang hawak ko sa mga maninipis na itim na bakal. "Gusto ko lang po makausap si Irwin, please, ate..." matiim kong pagmamakaawa.

Irwin Herrera didn't answer all my calls, my private messages in all of his social media accounts, even my text messages. He didn't block me, though, but it seems that he didn't want... to fucking face me.

Lumambot ang mukha ng kasambahay nila Irwin at mukhang nahabag sa sitwasyon ko. I really don't need any sympathy for my fucking condition, but right up to this moment, I need this, if this is my only means.

Nang umiling si ate, nanghina ako. "Pasensya ka na, ser, pero, kabilin-bilinan po ni Ma'am Sheree, bawal po kayong papasukin."

I shut my eyes in annoyance. I thought that I'll like Sheree because she's Natalie's cousin but right now, I want to pull her hair out. Fuck.

Ilang beses na akong nagmakaawa, ngunit, kagaya ng mga nagdaang araw, hindi dininig ni manang ang pakiusap ko.

Last week, was the devastated days of my life. Natalie left me here... leaving me miserable and broken. I understand it. I understand her rage at me. Pero ang hindi ko matanggap, na pati siya, wala na sa akin.

I could still remember the day before she left me. Walang paalam akong pumunta sa mansyon ng mga Montenegro. At doon, sinapak ko nang malakas si Tristan Montenegro.

"Fuck you!" sabay duro ko sa kaniya nang tumalsik siya sa sahig. Dahil sa ginawa ko, bumaon ang panga niya at nag-iwan iyon ng putok sa gilid ng labi niya.

Naalarma ang lahat ng kasambahay nila sa ginawa ko pero sumenyas ang gago na huwag silang lumapit sa akin. 

Kumalat ang mala-demonyong ngisi sa labi niya nang bumangon siya. His eyes glared at me like a demon. 

"Serves you right, Travis. You're the one who stole Natalie away from me, in the first place," he said in full anger.

Dumiin ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. Nanilim ang paningin ko... at lalo akong nangati na paulanin na naman siya ng suntok.

"It's not my fucking fault in the first place. You're the one who neglected her. He doesn't deserve a loser ass like you. An underdog of your father's dream," I evilly mocked him.

Napikon ang gago sa sinabi ko. Tumayo agad siya at puno ng galit niya akong sinugod. Damang-dama ko ang matigas niyang kamao na tumama sa panga ko kaya napunta sa ibang direksyon ang mukha ko.

Pero, hindi niya ako napatumba. Ngumisi ako. Ang hina!

"Wala kang karapatan na sabihan ako n'yan!" umalingawngaw ang boses niya dahil sa pagsigaw.

Nanigas ang mga kasambahay na nakapalibot sa amin at mukhang mga nagulat. Napangisi na naman ako. Mukhang... hindi sanay ang mga 'to na magalit ang plastik na gagong 'to, ah?

Tinaasan ko siya ng tingin. Tristan fucker is way taller an inch from me but I have a leaner and stronger frame than him. Medyo payatin ang gago kaya iyong mga nalaman ko sa martial arts na medyo napag-aralan ko na, mukhang magagamit ko sa kaniya. H'wag niya lang akong i-provoke. 

Tricked (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now