Prologue

18K 366 20
                                    

Prologue

"Ang suwerte naman ni Hannah kay Tristan, ano?"

Lihim akong natigil sa pag-ikot ng tinidor sa spaghetti. Patago kong sinulyapan ang dalawang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. This envy inside me was starting to awaken gain. Iyong alam mo ang totoo, pero, hindi ka pinahihintulutang magsalita? Iyong gusto mo silang itama ngunit hindi, sapagkat, alam mong may masisira? Iyong kailangan mong ipakita sa lahat na ayos ka lang subalit sa kalooban mo, unti-unti ka nang nadudurog nang hindi nila nalalaman?

Abala si Tristan sa pakikinig ng mga gustong pagkain ni Hannah. Panay naman ang turo ni Hannah sa mga nakaturong pagkain samantalang si Tristan ay matiyagang nakikinig sa dalaga. They were both plastering sweet smiles on their faces.

Everyday, this scene was always ripping my heart. Ganito na lang lagi. At kahit na gusto kong sabihin na sawa na 'ko, hindi ko naman magawa dahil nakasalalay rito ang matagal ko nang pinaghihirapan.

Ibabalik ko sana ang atensyon sa aking kinakain ngunit agad akong napakislot nang maramdaman ko ang mabibigat na titig ni Tristan sa sulok ng paningin ko. Tila ba'y huminto ang mundo ko sa mga titig niyang iyon. Para nitong tinutunaw ang selos na gumigising sa buong diwa ko. Simpleng titig niya lang iyon ngunit nanlalambot na 'ko.

But all sweet dreams can easily be erased. Agad na ninakaw ni Hannah ang atensyon ni Tristan at inangkla ang braso nito sa huli. Nakaramdam ako ng punyal sa aking dibdib sa aking nakita. Bago pa ako mapaluha ay nag-iwas na agad ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Grabe, lalanggamin talaga tayo rito, ano?" hagikhik ni Edna habang ngungumuya ng kaniyang sandwich.

"Naman! Ang sweet kaya nila," segunda naman ni Aya, nangingisay pa. Bumuntong-hininga pa ito pagkatapos. "Kailan din kaya ako mapapansin ng ganiyang kaguwapong mga lalake?"

Binato siya ni Hayley ng hawak nitong chips, ang pinakamataba sa aming grupo. "Sa panaginip mo, baka, mapansin ka nila."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Hayley. Napailing na lang ako habang tumatawa rin.

"Pero, hindi ba, Natalie, nakakakilig naman talaga sila?"

Nag-angat akong bigla ng tingin at nailing dahil nasa akin na pala ang mga nina Hayley, Edna, at Aya. Napayuko na lang ako, pero, binigyan ko rin sila ng isang ngiti. Hindi ko lang malaman kung napansin nila ang ngiti ko ay hilaw o hindi.

"Y-yes, nakakakilig nga sila."

May mga komprontasyon talaga na kapag sa iyo nanggaling, minsan, masakit. At minsan, sa mga ganitong sitwasyon, kailangan mong pagkasyahin ang sarili mo sa kung ano'ng kaya niyang ibigay para sa 'yo. Kahit kakarampot na lang ng atensyon niya.

Noong umalis na kami ng mga kaibigan ko ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking cell phone. Nanuyo ang labi ko nang makilala kung sino.

Tristan Montenegro:

I saw your reaction, Aly. I've told you that you shouldn't be affected. I am just being nice to her. That's all.

Kinagat ko ang ibabang labi ko dala ng panginginig. Ang daling sabihin, Tris, para sa iyo. Ang dali-dali talaga!

Isisilid ko na sana ang cell phone sa aking bag ngunit nakatanggap pa ako ng isang mensahe. Mula ulit sa kaniya.

Tristan Montenegro:

Meet me at our meeting place. I will be waiting for you there. I miss you, my Aly.

Kumabog ang dibdib ko nang dahil sa dulong pangungusap. Bakit ganoon? Ang dali ko naman manghina kapag siya na ang kumakausap sa akin. Damn.

Tricked (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon