Chapter 26

6.3K 229 16
                                    

Alia's Note: I know that you'll be reading some of For Our Benefits' parts from this Chapter forward, but that's how the story goes. Hehe.

And if you haven't read po iyon, it's okay. No need to pressure yourself. Standalone naman 'tong kay Travis. Hehe.

----------------

Chapter 26

Yours

Hindi ko nasundan pa si Travis matapos ng tagpo na iyon. Wala na akong nagawa noong tumakbo siya sa akin at iniwan akong nag-iisa. He was mad, broken and so much in hurt. Batid ko sa mga mata niya na ayaw niya akong makita ngayon. And I understand where he's coming from.

I don't know how I was able to get home after. Masyado akong nanghina ngayong araw na 'to. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng aking pinasan kaya labis ang pagod ko.

My eyes are swelled and reddish as I have seen my reflection in the glass window. Bumabalintataw sa aking isip ang nasasaktang hitsura ni Travis. He had enough with me. He got tired. He was giving me up.

When I remembered those scenes, I felt a sting inside my chest. I tried to relax myself. Kailangan kong makapag-isip ng ideya ngayon. Kung hindi, mas lalong hindi magiging maayos ang lahat. Matatapos ang lahat sa amin ni Travis na wala man lang akong nagagawa.

I stared at his white smartphone while I was sitting at the edge of my bed. Kailanman, noong nagkasama kami ni Travis, hindi ko na nakita ito. Ngayon lang kung kailan pa nagkahiwalay kami.

Kung noon, nagkaroon ako ng pagnanais na makuha ito, ngayon, wala na akong pakialam kahit pa na makita ko 'to. Mas lalo tuloy akong nawalan nang gana nang makita ko ulit ang cell phone ni Travis. Hindi na ito ang kailangan ko ngayon. Si Travis ang kailangan ko ngayon.

I almost winced as I've seen Travis' phone brightened because I accidentally pressed its button. Nanghina ako nang makita ko ang picture namin ni Travis no'ng magkasama kami sa Xtreme, hawak-hawak ko si Asus. Hinaplos ko ang litrato niya. Mas lalo lang akong nananabik sa kaniya ngayon.

Nagulat na lamang ako nang tuluyang bumukas ang phone ni Travis. Mukhang wala siyang nilagay na security features dito.

I opened his gallery when I saw my picture peeking at the folder. Ngunit pinagsisihihan ko lamang iyon dahil nakita ko na puro litrato ko ang naroon. At kompleto lahat iyon simula noong thirteen years old ako!

Nagsimulang mag-init ang gilid ng mga mata ko at gusto kong sumigaw sa pagkabigo nang makita ko ang mga stolen shots ko sa kaniyang cellphone. May picture ako roon na nakasimangot, nakangiti, nakatawa at kung paano umiba ang aking hitsura sa paglipas ng panahon.

I had never imagined that he'll do this for me.

As I've scanned the gallery, napansin kong walang anumang video ang naroon. It's not that I'm interested if he deleted iyong nakita niya kami ni Tristan. Ngunit, nakakapagtaka talaga na wala na iyon doon.

I locked his phone and opened my Messenger app, to check if he's now online. Pagkauwing-pagkauwi ko rito, iyon talaga ang binabantayan ko, kung mag-o-online ba siya. Pero, hanggang ngayon, wala pa ring bago sa kaniyang messenger. He was about eight hours online ago.

I left a private message.

Me:

I know you're terribly mad at me, Travis, but please, kausapin mo muna 'ko. I need to tell everything on you. Sabi ko sa 'yo, may sasabihin ako, hindi ba?

Me:

Magkita tayo. Hindi ako susuko hangga't hindi ka nakikipagkita sa 'kin. Hindi kita titigilan.

Tricked (Montenegro Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora