Chapter 43

6.5K 191 19
                                    

Chapter 43

Fight

Natalie followed me in resignation. I know how she despised me but I forced myself, still. Wala na akong magawa. Ayokong tumayo na lang ni maupo at papanoorin ko na lang siya sa malayo na lumalayo sa akin nang tuluyan. Dalawang taon din akong natengga na hintayin siya.

It's now my chance... and I will not waste any single drop of moment, by this time.

Sinulyapan ko siya nang makasakay na ako ng kotse. Kanina, natatawa lang ako. She tried to sit on the passenger seat pero naunahan ko siya. Hinigit ko nga ang kamay, tapos, binuksan ko agad ang tabi ng driver's seat. Mabilis ko siyang tinulak nang marahan sa puwestong iyon at sinarado ko ang pinto. Akala niya, makakalayo siya sa akin? Heck, I won't allow that.

Napansin ko kaagad, wala pa siyang seatbelt. Dali-dali akong tumungo at hinigit ang seatbelt sa tabi niya. She got frozen and became still at her position, eyes darting piercingly on mine. Her face illuminated in crimson-red.

I grinned as my heart fluttered. "Seatbelts, prinsesa, so I know you'd be safe." my eyes tendered.

Natalie blinked in a fleeting moment before she rolled her eyes on me. But her eyes are glowing more. "I know. You don't need to do that to me for my favour, you know. Hindi ako paralitiko."

"Woah, woah, prinsesa. Chill. Tatanda ka niyan kakasungit mo sa 'kin, eh," ngisi ko sabay kindat sa kaniya.

'Langya, inirapan na naman ako nang matalim. Pero, ang sexy niya talaga kapag iniirapan niya ako. Fuck myself.

Pinaandar ko na ang Colorado. Binagalan ko, siyempre. I have to enjoy this trip with her. Damn, buti na lang, nagpaguwapo ako ngayong araw na 'to. I even spread her favourite scent for me.

Pinaghandaan ko ang araw na 'to na mahulog ulit siya sa akin. Iyong wala na siyang magiging fallback, sa pagkakataon na 'to.

"Prinsesa..." I called her.

Hindi siya lumingon. Nakapangalumbaba siya't nakasimangot nang malalim. Nakatitig pa siya sa bintana.

"Prinsesa..." I called her again pero wala yata siyang balak na kausapin ako.

Ah, gano'n, ha?

I played the music I had played before with. The title was, "Right Here Before Your Eyes." Bigla siyang natigilan sandali at napalingon sa akin.

I smirked. Naapektuhan ka, Natalie?

"Stop... playing... that, Montenegro," mariing utos niya at lumisik ang tingin sa akin.

"What?" tanong ko, nakatutok ang tingin sa daan. "That's my favorite song." sinulyapan ko siya. "And you're calling me Montenegro, by this time? Where's the Garcia calling?"

"I don't like simply the song. Nakakarindi. And will you please stop caring with the way I'm gonna call you? It isn't your business, anyway."

"But you are always be my business, prinsesa," I muttered and glanced on her.

She froze again. I grinned. Mukhang natitigilan talaga siya dahil may naalala siya sa tuwing ako ang kasama niya. I can do this...

Hindi ko tinalima ang kaniyang gusto. At mukhang mas nairita siya.

"I said, Travis, stop playing that song," naiirita na niyang sita.

"What's with you, anyway? It's my car and it isn't part of your business, anyway," I mimicked her.

Pumula na ang mukha niya sa inis. Humalakhak ako at napailing. Ang sarap lang asarin ng prinsesa ko!

Pinatay ko na rin naman na ang kanta, pagkatapos. Baka, humingi pa sa akin na bumaba siya.

Tricked (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now