Chapter 9

7.2K 258 15
                                    

Alia's Note: For FOB, please, give me until Tuesday. I don't know if destiny wants me to update on that day but I am more preferred to post it on June 20.


That date is very special for me. It's Irwin natal day. Thank you.

-------------

Chapter 9

Pretend

Tulala pa rin akong nakatitig kay Travis habang siya'y nakatayo sa malayo at ang kaniyang rabenang mga mata ay mala-demonyong nagpalit-palit ng tingin din sa aming dalawa ni Tristan. Nabibingi na ako sa sariling kabog ng aking puso. Naalala ko pa noong naitulak ko si Tristan nang malakas dahil sa pagkakita kay Travis!

With my knees trembling, I went to Travis. His jaw tightened hard as he looked at my back. Alam kong si Tristan ang tinitignan niya.

"Travis," I said, my voice trembled in full terror. Hindi man lang siya natinag sa aking boses at mariin ang pagkakatagis ng kaniyang ngipin. Halos mangilabot ako nang makita ko ang mga mata niyang nag-aalab na.

My heart throbbed in pain. Parang may kung ano sa akin na natatakot sa ganito niyang hitsura. Sumisigaw ang buo niyang kaluluwa sa galit. The playful Travis I've known was gone and all I could see is his ruthless side!

"Who's that guy?" he asked, it was evident that he's controlling his anger.

My kung ano'ng kumirot sa akin. Looking at him like this seems like something was hurting me.

"Natalie?" ulit pa niya, ngunit dama ko ang panganib sa kaniyang boses.

Nagsisimulang umipon ang tubig sa magkabila kong mga mata. Parang ayokong makita siyang ganito.

"H-hindi ko siya k-kilala," I bravely answered. Sorry, Tristan, for this.

At last, his eyes darted into mine. Ngunit ang poot niya'y hindi nawawala. Nanginig lalo ang tuhod ko.

"Really?" he asked, I could feel the sarcasm in his tone.

"Y-Yes..." bulong ko.

I don't know what I'm going to feel. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao dahil ito ang unang pagkakataon na tinanggi ko si Tristan!

Maya-maya'y nagmulto ang isang malademonyong ngisi sa labi niya.

"Come on, now. Ihahatid na kita," malamig niyang sabi, kinuha ang pala-pulsuhan ko at hinila ako palayo kay Tristan.

I tried to give my look at Tristan. My knees became weak as I saw his eyes bloodshot. Inilihis na niya ang tingin sa amin at naglakad palayo.

Hindi pa ako nakakahuma sa nangyari'y napatingin akong bigla sa likod ni Travis nang maramdaman kong ang bilis ng aming lakad!

Nakakailang na katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa simula noong naglalakad kami hanggang sa loob ng kaniyang Colorado. Ganitong hindi siya umiimik ay mas lalo akong natatakot. Damang-dama ko talaga na malaki ang galit niya.

"Travis..." I called him in my trembling voice. He didn't pay attention to me and made busy himself to turn-on the engine.

Kinurot ang puso ko. Tahimik lang siyang nagmamaneho sa daan ngunit ang kaniyang panga'y nakakuyom nang mariin. The awkwardness between us makes me intimidated at him.

Nagsimulang manakit ang mga mata ko. I felt the ache in my heart lalo na't hindi niya ako pinapansin! Hindi ko alam pero mas gusto kong buwisitin niya ako kaysa sa ganito siya sa akin!

Tricked (Montenegro Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin