Chapter 30

6.6K 205 15
                                    

Facebook Group: Aliaxxx Stories

---------------

Chapter 30

Tricked

I was barely sleeping on that next morning. Pakiramdam ko'y minumulto ako ng aking isip sa mga umuulap sa utak ko. Ano'ng maipapaliwanag sa akin ni Travis sa nabasa ko? Bakit may contact pa rin sila ni Trinity Montenegro? Akala ko ba, wala siyang gusto roon? At ang mas nagpapadurog ng puso ko, ang punyetang tawagan nila.

'Tang-inang baby 'yan. Ngayon pa lang, kinikilabutan na talaga ako riyan.

I need to talk to him, right here, right now. Ayokong pinatatagal ito. I trust him so much that if he'd tell me all the lies, hindi ko alam kung paano ako mabubuo pang muli.

Hindi ako nakatulog buong gabi, kakaisip ng text na iyon. Iyon din ang naabutan sa akin nina Mum at Dad kinaumagahan. Mum already prepared my sandwich for this day while Dad was rushing himself towards our family driver. Halatang nagmamadali ito.

"Princess," tawag ni Dad sa akin nang makita niya ako. I quickly wrapped his wide waist with my arms. I need Dad's teddy bear hug right now.

"Naglalambing si princess, huh?" he joked at me.

Tumingala ako sa kaniya. Napansin ko ang attache case niya na bitbit naman niya sa isa niyang kamay.

"You're going, Dad, to the office this early?" I asked him.

Dad's face painted a tired expression as he sighed. Humiwalay na ako ng yakap sa kaniya.

"The Montenegros are contacting us. May gusto raw na pag-usapan tungkol sa naudlot na project. Mukhang sila na ang sumasalo sa 'tin imbes na ang Castillos."

Naawa naman ako kay Dad. Kahit na hindi niya sabihin, he's been obviously stressed about the supposed-to-be project with the Castillos and the Montenegros. Hindi lang siya nagsasabi sa amin ni Mum. Ayaw kasi ni Dad na dinadala ang trabaho sa bahay. For him, family day na nga raw niya ang bahay, trabaho pa rin.

Tumango ako. Pero, bigla akong may naaalala. "Dad, may sasabihin pa si Travis, tama?" I reminded him.

And his name already giving me a not-so-good-mood today. Umayos lang talagang magpaliwanag sa akin si Garcia, mamaya.

"Shit..." Dad muttered in frustration. "Kindly tell Travis na hahabol ako. I'll tell them that I will be only having a meeting until one o' clock only. Okay?"

Tumango na agad ako. "Opo, Dad."

I gave Dad a peck on his cheek before he left me rushingly. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako ni Mum.

"Your Kuya will be flying here tomorrow. Sinabi niya ba sa 'yo?" she asked me, wiping her hands off with white towel.

Tumango ako. "May idea po ba kayo kung ano'ng gustong sabihin sa akin ni Kuya?"

Nagtataka, inilingan ako ni Mum. "Wala namang kinukuwento sa akin si Third."

Isa pa iyon sa nakakapagbagabag ng damdamin ko. Ano'ng rason at bigla-bigla na lang na uuwi na si Kuya? Masyado ba talagang importante iyon na puwede naman niyang sabihin na lang sa chat?

I helped Mum in cleaning the house. Day-off kasi ng maids namin so I volunteered to help her. Mum got surprised at me. Hindi naman daw kasi ako ganoon, na inaamin ko rin. Hindi talaga ako masyadong taong-bahay. Palaasa talaga ako pagdating sa bagay na iyan sa kaniya at sa aming mga katulong. Lalo na ang pagluluto.

Maybe my little vacations with the Garcias and Medinas helped me to become a responsible person. Or, let's just say that I'm preparing also myself for the bigger responsibilities awaiting for me. Bumingisngis ako sa naisip ko.

Tricked (Montenegro Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें