"Talaga bang mag tatrabaho tayo diyan? Na pa pirma tuloy ako doon!"

"Ano kaba pandagdag din panggastos ang kikitain niyan!"

"Kung di lang kita kaibigan hindi kita sinamahan diyan!" Sabi niya at ngumuso naman ako

"Osya tara na lalong gumagabi!" Sabi ni katelyn at sumakay na nga kami ng bus.

Pag-uwe namin ay agad akong pumasok sa bahay at nagpaalam na si katelyn.

"Dito nako alex! Babush!! Bukas ah!"sabi niya at kumaway na lamang ako.

Pagkapasok ko ay agad bumungad sakin si papa agad siyang naupo at tumingin sakin.

"Mukhang pagod ka anak?"

"Opo, pa eh ang daming ginagawa sa school."

"Kung may gagastusin sabihin mo lang sakin ah"

"Opo, pa salamat ah! Paghinga na po ako" sabi ko atsk naman siya tumango at pumanik na ako sa kwarto.

Clarkson's POV

Paguwe ko sa bahay agad akong pumasok sa loob at tinahak ang kwarto ko, nagbihis agad ako ng sando at nagshort na lamang.

Bumaba ako sa kusina at nadatnan kong kumakain si daddy at ngayon ko lang nalaman na wala si mommy.

"Asan si mom?" Bungad ko kay dad at tumuloy siya sa pagkain.

"Mamaya pa ang uwi non alasotso may meeting sila ngayon." Sabi niya at kumuha na lamang ako ng pinggan at nagsandok ng kanin.

"Asan kuya mo? Hindi mo ba kasabay?" Sabi niya at natigilan ako sa pag kuna ng ulam.

Hindi ko alam kung sasabihin ko basta ang ginawa ko na lamang ay umiling ako.

"Lagi siyang gabi umuwi nitong mga nakaraang araw"

"Walana akong pake kung anung gawin niya dad"

"Baket? Nagaway ba kayo?" Sabi niya at uminom na lamang ako ng tubig.

"No dad wala namang dahilan para mag-away kami"

"Eh bat ganyan ka makapagsalita sa kuya mo?"

"Eh dad! Malaki na yon okay! Dapat nga ako pa bantayan non!" Pagpapalusot ko tumawa na lamang ng bahagya.

Patuloy kaming kumain mg may mag doorbell.

"Manang mukang si russel nayan pakibukas"

"Yes sir"

Pumunta si manang sa pintuan at binuksan niya ito.

Bumungad samin si russel na mukang galing nanaman sa inuman. Lumapit siya samin at bumati kay papa.

"G-good evening d-dad" utal niyang sabi at lumingon naman siya sakin.

"O-hh my brother is here!! Ang aga mo bro! S-sorry h-hindi nako sumabay sayo kase nga—" naputol ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Lasing kalang kuya, hatid na kita sa kwarto mo tsk." Sabi ko atska siya muling tumingin kay dad.

"W-wow dad p-parang wala ako sa harapan mo! H-hindi m-mo man lang a-ako b-binati" sabi niya atska naman siya ngumisi.

"Hindi kona alam kung anung gagawin ko sayong bata ka, lagi kana lang umuuwi ng nakainom!" Sigaw ni dad at agad akong pumunta sa pwesto ni kuya.

"Kuya let's go! Umakyat kana!" Bulong ko kay kuya pero hindi niya ako pinansin.

"D-dad pano ba m-maging i-isang anak s-sainyo? T-tulad ba ng u-ugali ni clarkson?" Sabi niya at lumingon siya sakin at bumungad sakin ang mapungay niyang mga mata.

"Sa tingin mo sa ganyang ugali mo magiging isang anak kapa!??" Sigaw padin ni dad.

"Dad! Please tamana!" Sabi ko kay dad atska nagsalita si kuya.

"O-ohh ganyan pala ang g-gusto mong anak y-yung—" naputol muli ang kanyang sasabihin ng hatakin kona siya at idinala sa kwarto niya.

Inihiga ko siya sa kama niya at huminga ng malalim.

"Lasing na lasing kananaman kaya nagagalit sayo si dad."

"E-ehh ganito A-ako eh wala k-kayong magagawa"

"Subukan mo kasing magbago" sabi ko at akmang lalabas nako ng kwarto ng magsalita siya.

"D-dont w-orry clark magbabago ako, m-maghahanap lang ako ng babaeng m-magpapabago sa g-ganitong ugali ko." Sabi niya at ngumisi ako ng malaki.

"I see, goodnight." Sabi ko atska ko sinarado ang kwarto niya.

Your the Cause of my Euphoria  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon