"Baba."

Naningkit ang mga mata ko.

"Bwisit!"

"Mahaba naman talaga ang baba mo ah. Bakit parang kasalanan ko pa, Frey?"

Aba't! Talaga nga naman, oo! Nakakaloka 'tong lalaki na ito.

"Kung wala kang sasabihing mati---"

Binabaan ako! Nakakainit ng ulo, pasalamat talaga siya fall na fall ako sa kaniya.

Nakarating na ako sa building ng condo unit ni biatch. Buti pa siya mahal na mahal ni Duke Palermo. Nakakainggit kaya! Sana all. Sana pati si Kensh ganoon.

Pero inaamin kong umasa talaga ako kagabi. Sabi ko pa naman, once na makuha niya ako, siya talaga ang huling lalaking mamahalin ko pero wala! Walang nangyari.

I parked my car saka dinampot ang sling bag ko. Bumaba na ako saka naglakad papasok ng building. Madalas akong pinagtitinginan ng mga guards dito. Well, hindi ko sila masisisi. Sa ganda ko ba namang 'to.

Sumakay ako ng elevator saka bumaba kung saan ang floor ng unit ni biatch. Dahil alam ko naman amg passcode niya, dire diretso akong pumasok.

"Hoy, biatch. Ang aga aga nakabusangot iyang mukha mo!" Sabi ko.

Tumingin siya sa akin.

"At bakit ang aga aga, narito ka?"

"Well, hindi kasi ako nakapag-grocery. You know, masyado akong naging busy sa pagpapapansin kay Kenshin kaya ayun, super nag-crave ako sa milk." Pagsisinungaling ko. Actually wala lang talaga akong magawa sa mansyon. Napaka-boring.

Kumunot ang noo niya. "And then?"

"Alam kong meron ka dito, that's why I came here." Nag-peace sign ako saka basta lang inilapag ang sling bag ko sa couch.

Pumunta akong kusina. Binuksan ko ang fridge saka kumuha ng milk.

"Seriously, dahil sa gatas pumunta ka pa dito? Sana dumiretso ka nalang ng grocery store 'no! O kaya ay sana bumili ka sa convenience store." Sabi niya.

Madamot din talaga 'tong kaibigan ko e.

"Mas gusto ko dito, e. Huwag ka na kasing magdamot. Pero ano nga, bakit ka ba nakasimangot? Nag-away ba kayo ni banana mo?"

Lalong kumunot ang noo niya. "Banana?!"

"Duh! Si Duke mo!" Sabi ko saka umupo sa couch. Uminom ako ng milk.

"Hindi kasi siya umuwi dito kagabi." Sabi niya.

"What? Bakit, biatch? Dahil lang hindi siya nakauwi dito kagabi? Dito ba ang bahay niya? Nag-alsa-balutan na ba siya at lumipat dito? Or dahil may balak ka sana sa kaniya kagabi tapos 'di siya umuwi kaya nagkakaganyan ka?" Sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "That's not what I mean!"

"E, ano?"

"Kagabi, isinama niya ako sa party. About sa business at doon, bigla nalang may lumapit na babae kay Duke. At alam mo bang tuwang tuwa si Duke nang makita niya iyon? Then umuwi na kami dito, sabi niya kasi dito siya tutulog kagabi pero biglang tumawag iyong babae at sinabing lasing daw siya. So, eto namang si Duke parang super nag-alala siya at nagmadaling umalis. Buwisit na buwisit ako, alam mo ba! Pero kahit ganoon, naghintay ako kagabi tapos magtetext lang siya na 'di na siya makakatulog dito. What the hell, right!"

Naku naku. Natawa ako sa reaksyon ni biatch.

"Super selos ka naman niyan, biatch. Bakit, iniisip mo ba na doon sa babae umuwi si Duke? Baka naman emergency lang?"

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon