CHAPTER 2

124K 2.7K 198
                                    

CHAPTER 2

-------

APOLLO BUSTAMANTE

"Ano na ang balak mo sa kanya?" Sabi ng kaibigan kong si Kiel habang patuloy sa pagbubuhat ng barbel. Inalis ko ang earphone sa aking tenga bago sumagot.

"Wala." Baliwalang sabi ko at pinapatuloy ang pagtakbo sa Treadmill.

Ilang araw nalang at babalik na si Zander mula sa one-month break nito. Paniguradong makakalayo na ako kay Hannah. Hindi naman ako seryoso nang sabihin ko kay Hannah na bibigyan ko siya ng chance to make me fall in love with her. No. I want to prove her na mali ang desisyon niyang magkagusto sa akin. I want her to know that love at first sight doesn't really exist. Mabilis ma-in love si Hannah and that's not healthy.

"Oh, come on! That's boring." He laughed and that makes me more annoyed.

In-off ko ang treadmill at umupo sa benches. Kinuha ko ang tuwalya ko sa bag at nilagay sa batok ko. Nagkibit-balikat ako. "I dont' bed virgins."

"Dude, you don't bed anyone at all! You're so dedicated to Jade Tallia." Ibinaba ni Kiel ang buhat niya saka umupo sa kabilang bench. May lumapit na babaeng staff rito at nag-abot ng tuwalya. Kinindatan niya ito pagkatapos kunin ang tuwalya. "Many women wants you but you chose the married chick."

"I fell in love with her personality." I sighed and threw my head back.

"Why don't you give the energetic chick that's been following you for days now?"

"She's my brother's best friend."

"Oh, like in porn movies? Great! Great!" Gusto ko itong sakalin dahil sa mga bastos nitong salita.

I raised my middle finger and he just laughed.

Naputol ang usapan namin nang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha iyon sa bag at tiningnan kung sino ang caller.

It's Home.

"Hello, 'Ma." I greeted.

"I want a family lunch. Today. Gregory Restaurant. Twelve O'clock. Be on time." Ma-awtoridad na sabi nito.

Hinawakan ko ang noo ko. When my mom wants a family dinner, we always end up in a marriage interview! "Ma, I can't. Maraming iniwang trabaho sa akin si Zander."

"Oh, i-is that so? I.. I'm going to cry. Ang dami ko pa namang niluto tapos di ka makakauwi?" I'm used to this. Lagi nalang ginagawa ni Mama ang drama na ito. Dalawang beses niya akong napasugod sa bahay dahil sa pag-iyak niya at sa huli matatali ako sa upuan para lang harapin ang babae na isa sa mga candidates niya para maging asawa ko.

"'Ma, your trick won't work anymore."

"Honey! Why're you crying?! Who're you talking to?" Narinig ko ang boses ni Papa. Humingi na siya ng tulong since hindi na ako naniniwala sa kanya.

"Your son! H-He loves his works more than us! Oh, God. Ayaw na tayong kasama ng panganay natin." Madiin kong pinagdikit ang mga labi ko. "Sayang naman ang kaldareta at menudo ko."

"Okay, 'ma. Pupunta na ako. Just.. just stop acting, okay?"

"Acting? I wasn't acting---"

Bago pa man humaba ang usapan ay pinindot ko na ang endcall. Kinuha ko ang aking bag at tinalikuran ito. I sent a text to Hannah that I'll be absent due to family emergency and she just replied with a "got it baby" and a heart beside it. I let out a frustrated sigh because the woman does not drew a line between work and personal feelings.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon