CHAPTER 22

101K 2.7K 299
                                    

Hi, as you all noticed, it's been a while since I update this story. I have a regular job and we're overworked and understaffed. Sorry if I'm not going to give you an update daily.

************

CHAPTER 22


HANNAH

Hindi na nagpalipas ng gabi roon si Apollo ata agad rin itong umuwi sa condo niya. Siguro ay hindi nito masikmura na nasa iisang bubong lang kami.

Pinaayos ni Adonis ang kwarto ko sa kasambahay. Kaya ko pinili na sa kanila mag-stay ay dahil pupunta kami ng San Rafael para mag-River Adventure bukas.

Siya lang ang may sariling sasakyan at ang may kakayahan na mag-drive. Kaya kami ni Freya ay dito matutulog  ngayon. Dahil bihira sila magpunta sa amin at hindi naman ako lagi sa Manila ay lagi kaming gumagala kapag nagkikita-kita.

Napansin ko na umiliw ang aking cellphone mula aa bedside table kaya't agad kong inabot iyon. My baby is calling, so I answered.

"Hi, naligo ka na?" Bungad nito.

Napatawa ako ng malakas. "Ano ba namang bungad 'yan. Pervert ka ba?"

"Hindi! Nag-aalala ako kasi baka mapasma ka!"

"Nakapahinga naman ako bago mag-shower. Ikaw? Nakauwi ka na?"

"Work pa rin. Hindi ata ako tunay na anak ni Dad, kasi inaabuso niya na ako. Sobrang tutok niya sa akin." Sabi nito na parang bata na nagsusumbong.

"Pagbalik ko mamasahehin kita."

"Pagod na kong masaktan." Madrama nitong sabi.

"Hindi na ganoon kabigat ang kamay ko 'no. Habang busy ka, nag-enroll ako para lang matuto na magmasahe. Para sa'yo."

"Thank you, baby." Malambing nito sabi at nagbuntong-hininga. "Ngayon lang tayo nagkalayo ng ganito. You're missing from me."

"My God, why are you so sweet?! May kasalanan ka sa akin 'no?! Sabihin mo!"

"Wala, baliw." Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Matutulog ka na?"

Nilapat ko ang aking likod sa malambot na kama. "Bakit? Magyayaya ka na mag phone s—"

"Bye, baby. I love you. 'Kaw talaga, kung ano-ano naiisip mo."

"Harley."

"Oh! First name basis. Am I in trouble?"

"Sabihin mo sa akin ang totoo! Bakla ka 'no?! Ginagamit mo lang akong pantakip sa pamilya mo no?!"

"Pagbalik mo dito, bubuntisin kita."

Namula ang aking pisngi at nagwala ang aking puso. "Talaga? Can I look forward to it? 'Di na kita pipilitin?"

He sighed. "Alam mo, 'di ko talaga alam kung sino sa atin ang lalaki eh. Kasi mas madalas kang magyaya."

"Because, you're so irresistible." Kinikilig kong sabi.

Matagal pa kaming nag-usap bago kami tuluyang nagdesisyon na matulog na. Kinabukasan ay maaganh kinabog ni Freya ang aking pinto para lang gisingin. Dahil aware ito na matagal akong mag-ayos ng sarili.

Nang bumaba ako ay nakita ko na ready na silang dalawa at nakabukas na ang sasakyan. Pinasok ko ang aking mga gamit at pagkatapos ay nakatulog muli habang bumibiyahe.

"Keep your hand on your lap, sir." Mariing bulong ni Freya.

Hindi siguro nila napansin na kahit nakapikit gising na ang aking diwa at naririnig ko na ang harutan nito.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon