CHAPTER 39

64K 1.3K 91
                                    

CHAPTER 39




HANNAH

Pagkatapos ng isang taon na relasyon namin ni Apollo ay pinili nito na manirahan sa Cebu upang mas mapalapit sa akin. Hindi na katulad dati ang kanyang ugali, mas naging maalaga ito sa akin. Kahit ang sarili niyang ina ay nagulat sa pagbabago ni Apollo. Pero sa totoo lang, hindi naman siya nagbago. Sadyang si Tallia lang ang main focus niya dati. Malamang ay ganito rin siya kalambing kay Tallia noon.

"Bakit ka nakasimangot?" Tanong niya habang sakay kami ni Jeprox at nakaupo ako sa unahan niya.

"Wala, may naalala lang ako."

"Are you cheating on me?"

"N-No. Don't be ridiculous."

"You stuttered."

I looked back at him. "I did not."

Apollo cocked a brow. "Now, you're lying to me."

Inihinto ni Apollo si Jeprox sa bungad ng kakahuyan at walang hirap na bumaba. Nagbuntong-hininga ito at pumasok ng kakahuyan. "Apollo, saan ka pupunta?"

Hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Dahil umaga ay tumatagos ang sikat ng araw mula sa mayabong na mga dahon ng puno. Bumaba ako kay Jeprox at itinali ito sa malapit na sanga bago sundan si Apollo.

Pinabayaan niya akong humawak sa kanyang braso ngunit hindi pa rin niya ako pinapansin. Kung galit siya, dapat mas galit ako kaya hindi na ako umimik. Ilang beses ako nagbuntong-hininga upang magpapansin ngunit tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad.

"Fine! Iniisip ko lang naman kung ganito ka rin ba kalambing kay Tallia noon."

Tumigil ito at bumaba ang tingin sa akin. Seryoso ang kanyang mukha. "Hindi pa rin ba tapos sa iyo ang issue na 'yan?"

"Tapos na pero naiisip ko lang naman. Hindi naman ako nagseselos."

He cocked his head to one side. "Really?"

"Yes, I'm telling the truth."

He kissed me, a kiss filled with promise, heat and magic as my heart dissolved within my chest and flowed into his. It wouldn't do him any good to let me go, I thought, because I had no intention of releasing him.

"What are we doing here?"

"Hindi ko alam."

Kinurot ko ang braso niya at tumawa lang ito. "Binisita mo lang ata ako rito para lang inisin."

"Bakit mo kasi ako sinundan?"

"Nagtatampo ka, e. Ano'ng gusto mong gawin ko? Pabayaan ka?"

He shrugged his shoulder as a response. "Will you wait for me here?"

I looked at him, confused. "Huh? Bakit? Saan ka pupunta?"

"I'll be right back, I promise."

Hinawakan ko ang kamay niya bago pa ito makalayo. "Hindi mo kabisado ang kakahuyan."

"It's safe. Trust me."

"Look at me, Apollo." I cupped his cheeks and forced him to meet my eyes. "Hindi ka naman engkanto, 'diba? Hindi ka naman magiging puno tapos gusto mo ay maghintay ako rito hanggang sa tumanda ako?"

Tumawa ito ng malakas. "What the fuck! Ano ba ang tumatakbo sa isip mo?"

I had been thinking all sorts of things as I had surreptitiously checked him out, Wow. Look at those shoulders. He's so tall, and I bet he's completely toned under that shirt. It made me feel so small and feminine. With those eyes and dark hair, he alwaysstands out from other men... Oh, what an amazing smile. And such beautifulhands!

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon