CHAPTER 27

90.7K 2.2K 156
                                    

CHAPTER 27



HANNAH

Kahit na masakit para sa akin ang sikretong ibinunyag nito ay hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. Nakaupo lamang ako sa gutter habang hinihintay itong bumalik sa akin. Sinasamahan ko ng dasal na sana'y maging ligtas ito at ang kanyang pamilya.

Hindi ko alam, kung bakit nangyayari ito sa akin. Harley was my ideal man. I opened up to him, I told him everything. I shared my pain with him. Ngunit bakit naging ganito? Akala ko'y parang fairytale na ang lahat.

Napaiyak ako habang nakaupo sa gutter. Pinipilit ko na maging matatag at pinanghahawakan ang mga salitang sinabi ni Harley.

Na mahal niya ako. Na ayaw niyang mawala ako sa kanya. Ganoon rin ako, ayaw ko rin na mawala siya.

Subalit biglang tumigil ang aking mundo. Unti-unti akong tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa katawan na buhat ng mga bumbero.

It's Harley.

Patakbo akong lumapit sa kanya. Napaluha ako nang makita ang sugat sa buong braso nito hanggang sa kanyang balikat.

"Baby.." Nanginginig ang aking mga kamay habang hinahaplos ang pisngi nito.

Pumayag ang mga nurse na sumama ako sa loob ng ambulansya nang magpakilala ako na fiancee niya. Bago pa man maisara ng tuluyan ang pinto ay napansin ko ang isang babae na nakamasid sa amin habang karga nito ang isang bata. Ang damit nito'y puno ng mga abo at uling na sa tingin ko ay isa ito sa mga residente ng compound na iyon.

Katulad ko'y luhaan rin siya habang tinitingnan ang nakahigang katawan ni Harley.

Binalik ko ang tingin sa aking mapapangasawa nang simulan na asikasuhin ng mga medic ito. Inayos nila ang oxygen sa kanya at nagbigay rin sila sa first aid kit sa lapnos nito.

Habang pinagmamasdan ay parang ramdam ko rin ang paghihirap nito. I held his hand and squeezed it.

"What did you do? I've told you to stay with me." Saad ko sa pagitan ng mga hikbi.

Ilang sandali lang ay nakapunta na kami sa ospital. Agad na ipinasok ito sa emergency room at ako naman ay nag-aabang lang sa labas. Naghihintay sa anumang sasabihin ng doktor na tumitingin sa kanya.

Tinawagan ko sila Mama at Tita upang ibalita ang nangyari at wala pang isang oras ay dumating na sila. My mother hugged me and I couldn't stop my tears.

"He's gonna be alright, my dearest." Alo nito sa akin. "Tama na, huwag ka ng umiyak."

Maski si Tita (ina ni Harley) ay hindi rin maiwasang mapaluha habang pinagmamasdan ang anak mula sa maliit na bintana ng ER. N'un ko lang napansin na wala si Tito kahit na ilang beses ko na ito nime-message.

Hindi ko alam kung dapat ko banag sabihin kila Mama ang natuklasan o hihintayin ko na lamang na makapag-usap muna kami ni Harley bago ito sabihin sa kanila.

Maghihiwalay ba kami? Iiwan ba ako ni Harley? Ayoko.

Nakaupo na kami ni Mama at patuloy pa rin ang hikbi ko. Lumabas ang doktor at sinabi ang procedures na gagawin nito kay Harley upang mabigyan ng lunas ang third degree burn na natamo niya. Agad na pinahintulutan ni Tita ang procedures at nagpunta sa cashier upang magbigay ng downpayment.

Habang naghihintay ay may yabag kaming narinig na papalapit sa amin. Iniangat ko ang tingin at napansin ang papalapit na babae. Ito ay ang babae na nakita ko sa pangyayari, hawak nito sa isang kamay ang bata na sa tingin ko ay limang taong gulang palang.

Akala ko'y lalagpasan niya kami ngunit tumigil ito aa pintuan ng ER ni Harley. Parehas kami ni Mama na nakamasid sa kanya. Humagulgol ito.

"Patawad, Harley. Patawad." Nanlamig ako nang banggitin nito ang pangalan ng akong mapapangasawa. "Patawarin mo ako."

Lalapitan ko sana ito ngunit dumating na si Tita. Kakaibang ekspresyon ang nabatid ko nang makita nito ang babae. "Ano ang ginagawa mo rito?!"

"Ma'am, patawarin niyo ako. N-Nais ko lang na makita siyang muli. H-Hindi ko inakala na mangyayari ito." Sambit nito sa pagitan ng mga hikbi.

Nagkatinginan kami ni Mama, parehas kaming nalilito sa pangyayari. Malalaki ang mga hakbang na ginawa ni Tita at napasinghap ako nang bigyan niya ng malakas na sampal ang babae.

"Nakita mo na ang ginawa mo?! Tingnan mo ang nangyari sa anak ko!" Tita raised her voice while hurting the unknown woman. Ang bata naman ay umiyak na rin dahil nakikita nitong nasasaktan ang kanyang ina.

"H-Hindi ko sinadya ang sunog, Ma'am."

"Sinadya mo man o hindi, tingnan mo ang nangyari sa kanya! Kasalanan mo ang lahat ng ito!"

Tumayo ako at pumagitan sa kanila. "Tita, tama na. Huwag na natin palalain pa ang sitwasyon."

Napahinto si Tita at lumayo habang habol ang paghinga. Magkahalo ang galit at hikbi. Walang lakas na ibinagsak nito ang sarili sa bench at umiyak na lamang.

Binuhat ko ang umiiyak na bata at hinatak ang kamay ng babae. Nanatili itong nakayuko at humihikbi habang naglalakad kami papalayo sa corridor ng ER.

"I'm sorry. Palamigin muna natin ang sitwasyon." Mahina kong sabi at tumango lamang ito.

Umupo kami sa bakanteng upuan sa chapel ng ospital. Umalis ko sandali ng bumili ng tubig at binigay ang isa sa kanya.

"I-Ikaw ba si Hannah?" Tanong nito.

"Kilala mo ako?"

Iniangat nito ang mukha. Simple lang ang kanyag ganda, sa kabila ng bakas ng alikabok at abo roon ay mababatid ang maamong mukha nito. Napalilibutan ng mahabang pilik-mata ang bilog nitong mata. Manipis ang kanyang labi at matangos ang ilong nito.

"Ang pangalan ko ay Jennivie." Inilagay niya sa kanyang hita ang batang lalaki na ngayo'y tumahan na. "At ito naman si Virjel (Vir-hel)."

"Jen. Can I call you Jen?" Tumango ito. Nagbuntong-hininga ako bago magsalita. Kahit na nakakaramdam ako ng kaba ay kailangan ko itong itanong sa kanya. "A-Ano sa buhay mo si Harley?"

"Ako ang kauna-unahang kasintahan ni Harley. Nagkakilala kami n'ung namasukan ako bilang katulong sa mansyon nila." Nakayuko ito at napansin ko ang pagtulo ng luha sa balikat ng anak. "Dahil sa kapusukan ay nabuntis niya ako, ngunit humahadlang ang pamilya sa relasyon namin."

"Ngunit iba ang ugali ni Harley kumpara sa mga magulang niya, hindi niya ako binitiwan. Itinago niya ako sa pamilya niya at pinatira sa bahay na iyon."

"Jen... m-mahal ka ba niya?" Diretso kong tanong.

"H-Hindi ko rin alam, Hannah. Ilang beses ko rin siyang tinanong ngunit iniiwasan niya ako sagutin palagi." Hikbi nito. "Hindi ko ginusto na manggulo, Hannah."

Nagbuntong-hininga ako. "Patawarin mo ako kung sasama ang iyong loob sa susunod kong tanong. Sinadya mo ba ang sunog para magpapasin sa kanya?"

Umiling ito. "Ilang taon na akong nananahimik, Hannah. Nagpapasalamat ako kay Harley dahil kahit na ayaw ng pamilya niya sa akin ay hindi niya ako tinalikuran. Sapat na iyon para sa akin."

"Sa loob ng isang buwan ay maglalaan ito ng tatlong araw para makasama kami. Sa mga araw na iyon ay mas nakikilala at mas minamahal siya ng aming anak. Mahal niya si Virjel, malaman lang iyon ay masaya na ako."

Tatlong araw? Naisip ko, hindi ba't tatlong araw rin akong hindi pinuntahan ni Harley? Parang may mga kamay na pumisil sa aking puso kung ito nga ang pinuntahan ni Harley.

Lumingon ito sa akin. Namumula ang kanyang mga pisngi dahil sa labis na pag-iyak. "Mahal ko si Harley, Hannah. Mahal na mahal. Ngunit kung mas mahal ka niya, tatanggapin ko ang aking pagkatalo."

Paano kung mas mahal siya ni Harley? Kaya ko rin bang tanggapin iyon?

************
UPLOADED: AUGUST 5, 2015
REVISED: 05DEC2020

Mag-a-update ako habang 'di pa ko busy.

SK<3

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon