CHAPTER 29

83.9K 2.1K 185
                                    

CHAPTER 29


HANNAH

Tatlong araw na na nasa ospital si Harley at nagpapagaling. Pagkatapos kong umalis roon ay hindi na ako muli bumalik. Hindi ko siya gustong makita sa ngayon dahil sa nangyayari. Ang nabalitaan ko kay Tita ay si Jen raw ang kasalukuyan na nag-aalaga kay Harley.

Hindi ko alam kung tapos na ba ang lahat sa amin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos. At hindi pa rin naman ako handa na magharap kami muli.

Habang inilalakad ang aking kabayo ay tumunog ang aking cellphone. Hinugot ko iyon mula sa aking bulsa at sinagot ang unknown number.

"H-Hello, Hannah?" It was Jen. Paano nito nakuha ang numero ko? Siguro'y binigay iyon ni Harley.

"Do you need something?"

"Ano kasi.. uhm, kahapon ka pa kasi hinahanap ni Harley. Hindi mo raw siya binibisita."

Huminga ako ng malalim. "Jen, please. Hayaan niyo munang ihanda ko ang aking sarili bago niyo ako kausapin."

"Pasensya ka na, Hannah." Pagkasabi niya niyon ay pinutol ko na ang tawag.

Dahil sa nangyari ay nagkaroon na rin ng lamat ang pagsasama ng pamilya namin. Maski si Papa ay hindi na rin kinakausap si Tito. Nabalitaan ko rin na hindi na rin siya i-e-endorse ni Papa sa susunod na eleksyon.

Kinabukasan ay nag-ayos ako ng sarili. Walang silbi kung papatagalin ko pa ang paghihirap ko. Kung ano man ang marinig na eksplanasyon sa dalawa ay tatanggapin ko.

Ngunit hinanda ko na ang aking sarili kung hindi man ako ang pipiliin niyang makasama. Alam ko na mas lamang sa akin si Jen dahil sa haba ng pagsasama nila at dahil may anak sila. Ngunit aasa pa rin ako na may puwang para sa akin sa buhay niya.

Nasa tapat ako ng pinto ng kuwarto niya at hindi alam kung ito ba'y bubuksan o aatras akong muli. Natatakot at nasasaktan, lahat ng senses ko ay isinisigaw na umalis muna ako, na huwag muna.

Unti-unti kong binuksan ang pinto upang hindi nila marinig ang pagpasok ko. Ngunit nasa bungad palang ay napatigil na ako nang makita na magkalapat ang kanilang mga labi at kapwa nakapikit ang mga mata.

Saglit ko lang nakita ang pangyayari sapagkat may kamay na tumakip sa aking mga mata at hinila ako paatras. Lumapat ang likod ko sa matigas nitong dibdib at narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Hannah.." The owner of this voice is—

"Apollo." Saad ko sa pagitan ng mga hikbi.

"It's gonna be alright. I'll get you out of here." He said gently. Tinanggal nito ang kamay sa aking mga mata. "Come with me."

Sa kabila ng sakit na nadarama ay nakuha kong tumango. Hinila niya ako papunta sa rooftop ng ospital at niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko lang ang aking sarili na malunod sa mga bisig nito.

Ilang sandali pa ay natigil na ang aking pag-iyak at inilayo ng kaunti ang sarili sa kanya. "B-Bakit ka naririto?"

"It...It's just a coincidence. My family owns this hospital and I just checked the equipments that need to be changed."

"Thank you. You saved me there."

"Did you broke up?"

"Honestly?" Ngumiti ako ng tipid. "Hindi ko rin alam. Hindi ko pa siya kinakausap."

"The woman before—"

"It's his... child's mother." Sabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang label nila. Is she his ex? Is she his wife? How the fuck would I know?!

"He has a kid?!" Gulat na tanong niya.

Ayoko ng pag-usapan pa ito. "Salamat ulit, Apollo. Baka tapos na sila, babalik na ako roon."

Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ay hinawakan niyang muli ang kamay ko. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ito. "Do you want me to come with you?"

Umiling ako. "Labas ka na rito, Apollo."

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin kaya't tinalikuran ko na itong muli. Sa pagkakataon nito ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto ni Harley. Natigil ang dalawa sa pag-uusap at ang bata naman ay tumigil rin sa paglalaro. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at sinara ang pinto nang makapasok. Tumakbo palapit sa akin ang bata at yumakap sa aking hita. Napasinghap ako.

"Angel!" Tinapunan niya ako ng inosenteng ngiti. "Angel!"

Agad siyang kinuha ni Jen upang ilayo sa akin. "Pasensya ka na. Simula kasi n'ung tinulungan mo ako, anghel na ang tingin niya sa'yo."

Hindi na ako umimik pa at umupo na lang sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ni Harley. Batid ko ang titig nito sa akin ngunit hindi ko makuhang tingnan ito. Pinilit ko ang sarili na huwag magpakita ng kahit anong ekspresyon.

"Jen, lumabas muna—"

"No, she'll stay." Putol ko sa utos nito. "She has to."

Napalunok si Harley. Halatang hindi ito sanay na malamig ako sa kanya. But what does she expect?

Umupo si Jen sa bakanteng upuan sa kanan ni Harley at ako naman ay sa kaliwang banda. Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso dahil ito ang araw na bibitiwan ko ang lahat.

"Ano ang nais mong itanong, Hannah. Lahat ay sasagutin ko."

"Bakit mo itinago sa akin ito, Harley?" I stared at him.

"Because... I don't want to ruin the moments we shared." Tinangka nito abutin ako ngunit inilayo ko ang sarili. "Hannah, alam kong nasaktan kita nang isikreto ko ang lahat. Hindi ko kasi alam kung paano ibubunyag ng hindi tayo nagkakaroon ng problema. At mas lumalabang sitwasyon nang magyaya akong magpakasal—"

Kumuyom ang aking kamay. "You regret it."

"H-Huh?"

"Pinagsisisihan mong niyaya mo akong magpakasal."

Nagkatinginan ang dalawa. Pinigilan kong mag-eskandalo dahil may bata kaming kasama at baka magka-trauma ito. Yumuko sa Harley at lumungkot ang kanyang mga mata.

Hindi ko na napigilan ang luha. Parang sirang dam na bumuhos iyon. Hindi na ako humihikbi, basta hinayaan ko nalang ang pag-agos niyon.

"I... I'm sorry for putting you in a tight spot when you proposed."

"Hannah..."

"You filled me with hope. You told me the things I needed to hear. But you turned around and left me falling without you."

"I was afraid to lose you."

"Harley, you took my heart... and I let you have it. But now... I want to take it back. I hate this when I'm thinking of you and you're happy with your life while I'm walking around feeling empty."

"No, Hannah. What I showed you is genuine. What I felt for you is real. None of it are fake. Believe me when I say I love you." Naghihirap nito sabi. "But we.... we aren't meant to be together."

"You've made your choice and there's nothing I can do." I said. "You don't want me in your life anymore and I have to accept that."

I've worked so hard, just to end up at home crying myself to sleep again.

*************
REVISED: 06DEC2020

Hi, sweeties, sorry for hurting you.

SK❤️

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon