CHAPTER 8

86K 2.1K 67
                                    

CHAPTER 8



HANNAH

Napaungol ako nang maramdaman sa aking paa ang lamig. Mas sumiksik ako sa mainit na bagay na nakadikit sa akin. "Ang lamig."

May mga brasong humigit sa akin palapit. "Huwag kang malikot."

Napasinghap ako nang maamoy ang pamilyar na pabangong panlalaki. Unti-unti akong dumilat. Dahan-dahan muna akong tumingala at nakita ko ang mukha ng pinakamamahal ko.

"Apollo?" Bulong ko. Pinagmasdan ko ang lugar kung nasaan kami.

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang matanto na hindi kami umuwi at nanatili kami sa opisina nito. Malamang ay nakatulog na ako sa kanyang kandungan kagabi at ito na mismo ang naghiga sa akin sa sofa. Nakakumot sa akin ang suit nito at ang kanyang braso ay nakapalupot sa aking bewang. Nakadantay rin ang aking hita sa kanyang binti at ang aking ulo naman ay nakahiga sa braso nito.

Napahinga ako ng malalim at hindi ko namalayang gumuhit ang ngiti sa aking labi. Sumiksik ako sa kanyang dibdib at sinulit ang pagkakataon. Malalim pa rin ang paghinga nito tanda na payapa pa rin itong natutulog.

"Apollo, baby." Inangat ko ang aking kamay at idinikit ang aking hintuturo sa dulo ng ilong nito.

"Hmm." He moaned.

"Good morning." I whispered sweetly.

"Hannah!" Nagulat ako nang bigla itong bumangon.

Dumulas ang likod ko sa sofa at hindi ko namalayang wala ng sasapo sa akin. "Ah!"

Agad na isinaklalay ni Apollo ang kanyang braso sa aking bewang at hinila ako para hindi malaglag. "Are you alright?"

Tumango ako. Umupo ako at naglaglag sa aking kandungan ang suit nito. Umupo rin ito sa aking tabi at sinuklay ang magulong buhok.

"Hi. We slept together."

Napatingin ito sa akin at nagsalubong ang kanyang kilay. "What the fuck."

"Apollo, anong ginawa mo sa akin? Pwede na ba kitang pikutin?" Pag-arte ko.

"You're still dressed, are you crazy?" Tumayo ito at inayos ang nagulong polo. "Nakatulog ka kagabi at wala akong time para ihatid ka."

"You do care about me, don't you?" Tumaas-baba ang aking kilay.

Umirap ito. "Naawa lang ako sa'yo kaya hinayaan kitang matulog dito."

Tumayo ako at niyakap ang kanyang bewang. "Kaya tinabihan mo din ako."

"I should have threw this witch in the river when I had the chance." 

"It's so good to be true!" Sabi ko habang binabaon o ang ulo ko sa kanyang dibdib. I can feel his hot body on mine.

"You stink!"

"We both stink! That's why we're meant to be." Matamis kong sabi.

"You crazy woman."

"Oh my gosh! You didn't deny it! You didn't! I'm gonna kiss you!" Tumalon-talon ako habang nakayakap sa kanya.

Dahan-dahan niya akong tinulak. "Brush your teeth. I have a spare in the cabinet, then I'll take you home."

"Okay." Nakangiti kong sabi. Binigay ko sa kanya ang suit nito at naglakad papunta sa banyo. Nakita ko sa aking relong pambisig na ilang minuto nalang ay ala-sais na.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon