CHAPTER 25

93K 2.1K 127
                                    

CHAPTER 25



HANNAH

Nagising ako dahil sa sumisilip na sinag sa manipis na kurtina. Napaungol ako at tumalikod sa gawinng bintana. Niyakap ko ang malambot na unan at napahinga ng malalim nang mahanap ang kumportableng posisyon.

Ngunit bigla nalang sumipa ang kirot ng aking ulo. Bumangon ako at kinusot ang mga mata. Pinagmasdan ko ang paligid at napansin na hindi iyon pamilyar.

"What is this place?" Bulong ko. Ilang sandali lang ay bumalik na sa akin ang lahat ng nangyari kahapon.

I was so drunk! I was wasted! Ngunit hindi ko maalala kung ano ang ginawa ko after ng tequila! What did I do?

Tiningnan ko kaagad ang katawan ko at may pasasalamat na iyun pa rin ang suot ko kagabi. Napaungol akong muli nang kumirot na naman ang aking ulo. Napatingin ako sa bedside table nang mapansin ang tubig, gamot at note sa gilid n'on.

'For your hang over. Take a shower, dress up, and come downstairs to have breakfast. I'll wait. - Apollo'

Ininom ko iyon at pagkatapos ay humigang muli. Hinintay ko na tumalab ang gamot bago ako kumilos. Habang nakahiga ay pilit kong inaalala kung anong kagagahan ang ginawa ko kagabi.

Ngunit lahat ay malabo kaya't hindi ko na inisip pa. A little thing I don't remember won't hurt me. Ginawa ko ang lahat ng utos sa note ni Apollo. I chose to wear my maxi dress and blow dried my hair before tying it in a ponytail.

Bumaba ako at naabutan ko si Apollo na nakapwesto sa sulok ng restaurant. He was wearing a navy blue long sleeve shirt that fit his toned frame with alluring snugness, following the sharp lines of his biceps and chest muscles, accentuating his broad shoulders.

Apollo was also wearing a pair of gray cargo pants and fresh white sneakers. Somehow, even though he was dressed so casually, Apollo managed to maintain an aura of sophistication and seriousness that I thought came as a direct result of his confidence.

"Hi." Bati ko sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa harap nito.

He did not greet me back. Bagkus ay tiningnan lang niya ako ng matagal. Sa mga sandaling iyon ay hindi ako naging kumportable.

"C-Could you not stare at me like that?" I cleared my throat. "How was your meeting?"

"It turned out great." He said in a low voice. "Still have hang-over?"

"I will never drink like that ever again."

He leaned on the table. "You don't remember last night, do you?"

"Hindi. Sinukahan ba kita? Edi sorry." Saad ko at binigyan ito ng ngiting aso. Kung ano man ang ginawa ko kagabi ay ang lasing na Hannah ang may kagagawan n'on, at hindi ako.

He sighed. "Order na tayo."

Simpleng breakfast lang ang aming kinain. Halos hindi ko rin ma-digest ng maayos ang aking pagkain dahil sa hindi kumportableng hangin na nakapalibot sa amin. Sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay ako ang unang umiiwas.

"Mamaya nga pala ay idiretso mo na ko sa airport. Tutal dala ko na naman lahat ng gamit ko." Basag ko sa katahimikan.

"Ano'ng oras ang flight mo?" He asked before sipping his espresso.

"1PM."

"Alright." Matipid na sabi niya.

"Apollo, your appearance might changed but you're still you." Komento ko.

Kumunot ang noo nito. "What do you mean?"

"There still an air around you saying 'You can only go this far. Don't cross the line.', something like that." Kibit-balikat kong sabi.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon