CHAPTER 7

90.4K 2.1K 174
                                    

CHAPTER 7

-------------

HANNAH

Napaupo ako sa sofa nang marinig ko ang malakas na kalabog ng pinto, tanda ng nakaalis na ito. Nangilid ang aking luha habang inaalala ang pag-uusap namin ni Apollo. Mapapagod din siguro siya sa kakahabol kay Tallia.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at tumingin sa kisame upang mapigilan na ang pagtulo niyon. "Unsa man ang problema nako? Dili ko baho." (Ano bang mali sa akin? Hindi naman ako mabaho.)

"Hoy, ang imong sagol nga batasan. Kinahanglan ka pa magmalipayon tungod kay adunay usa ka anghel nga nakagusto kanimo. Demonyo ka." (Hoy, ang sama-sama ng ugali mo. Dapat nga matuwa ka pa kasi may anghel na nagkagusto sa'yo. Demonyo ka.)

"Hay, gusto kong magsabi ng maraming masasamang words!" Gigil kong sambit habang kinakausap ang sarili. "Muse kaya ako since Grade 1 up to Grade 6, ibig sabihin ay hindi ako pangit."

"Ah! Baka minamalas ako sa lovelife ngayon ay dahil sa mga chain messages na hindi ko pinasa sa labing-limang tao!" My god, Hannah!

Naputol ang mga iniisip ko nang tumunog ang aking phone. It was Giaco. I answered it immediately. "Hi."

"Miss, is everything alright? I saw your boyfriend leave but you're not with him."

"Uh, I'm okay. Nandito pa ako sa room."

"Did he... dump you?"

"Hey! Giaco! Bakit ka nananakit?" Biro ko sa kanya.

"Should I dispose him?"

Napatayo ako dahil sa sinabi nito. "Huwag! Baka tumanda akong dalaga."

"Miss, you have a lot of suitors, disposing him won't make any difference in your life." He sounds so serious!

"No! Iba siya. Iba si Apollo." I heard him sighed. Para tuloy extension ni Papa si Giaco dahil sa pagiging overprotective nito. Pinutol ko ang tawag at inilagay sa bag ang cellphone.

Inayos ko na ang aking sarili bago isarado ang kwarto ni Apollo dahil alam kong hindi na ito babalik. Huminga ako ng malalim para kontrolin ang bugso ng aking damdamin. Nakauwi ako at naabutan sila Mama na nanunuod ng telebisyon. Hawak ni Papa ang kamay ni Mama at hinahalikan ang likod ng palad nito.

Tumikhim ako at nakuha ko ang kanilang atensyon. Lumapit ako sa kanila at umupo sa kanilang gitna.

"Hi, Mama, Papa." Sabi ko habang hinalikan ang kanilang pisngi.

"Kumusta ang pagbisita mo sa kanya? Bakit mukhang malungkot ka." Nag-aalalang sabi ni Papa.

"I visited him and we had a fight." Dahilan ko.

"A fight?" Mama asked.

"Yeah."

Napatayo si Papa at makikita ang pagpipigil nito ng galit. "I knew it. Hindi siya ang para sa'yo, Hannah. I think, what you have is a one-sided love."

"That's not true, Papa." It is. Duh.

"We should dispose him."

"You think like Giaco." I commented.

"Because I sponsored Giaco's trainings!"

"He's the one for me. Mare-realize rin niya na ako ang taong makakapagpasaya sa kanya." Napayuko ako at naramdaman ang paghagod ni Mama sa aking likod.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon