CHAPTER 21

98.8K 2.5K 290
                                    

I've noticed that some of you mispronounced HARLEY's name and calling him HARVEY instead. Haha. You all mad?

*********

CHAPTER 21



HANNAH

Napagdesisyunan namin ni Harley na next year nalang ang kasal. Hindi naman kami nagmamadali dahil marami pang dapat ayusin. At dahil sa dami ng constituents ni Papa ay dapat magkaroon ng magarbong salo-salo.

Hindi na rin kinuwestyon ng aking pamilya kung nagyaya ng magpakasal si Harley kahit dalawang taon palang ang aming relasyon. Nasa tamang edad na ako at hindi ko na rin gusto na magkalayo pa kaming dalawa.

"Are you gonna be okay?" Nag-aalalang saad ni Harley habang nasa labas kami ng airport. Pupunta kasi ako ng Manila para personal na iabot kay Adonis at Freya ang imbitasyon.

Bahagya akong tumingkayad at pinalupot ang mga braso sa leeg nito. "Hanggang ngayon ba ay nagseselos ka pa rin sa kanya? Papakasalan na nga kita eh."

Pinagtama niya ang ilong namin at umiling. "I'm just gonna miss you, love."

I gave his lips a light kiss before pulling away. "Tatlong araw lang ako d'on. Promise. I'll call you every day."

Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa airport. After a long long time, babalik na ako sa Manila. Siguro'y wala namang masyadong pinagbago roon dahil tatlong taon lang naman akong nawala. I'm so excited to meet my friends again and have a good time with them.

After lumapag ng eroplano na sinasakyan ko ay sumakay naman ako sa bus na maghahatid sa amin sa arrival. Maliit lang ang maletang dala ko dahil wala naman akong plano na magtagal rito.

Agad akong sinalubong ni Adonis at Freya nang makita nila akong palabas. Niyakap ko sila ng mahigpit. "Parang ang tagal nating hindi nagkita ah."

"Oo. Mga three months ago." Saad ni Freya.

"Parang gumanda ka, Freya." Nagtataka kong sabi at biglang nagtinginan ang dalawa. "Kayo na ba?"

Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi at nag-iwas ito ng tingin. "H-Hindi pa."

"Bakit hindi pa? Ano'ng ayaw mo kay Adonis?" Tukso ko.

"Oo nga. Ano'ng ayaw mo sa akin?" Dagdag ni Adonis habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Ano ba kayo! Tara na nga. Saan ka magi-stay?" Pagbabago ni Freya sa topic.

"Kila Adonis."

Nanlaki ang mata nito at pinaharap ako sa kanya. Hawak nito ang magkabilang-balikat ko at mahina akong yinugyog. "Baliw ka ba? Naroon ang kuya niya!"

I raised my eyebrow. "So? Naka-move on na ako."

"Why are you going inside the lion's den?!"

"Wala akong pera pang-hotel. Nagtitipid ako, duh!" Dahilan ko saka nilingon ang isang nanahimik kong kaibigan. "Saka, wala naman doon si Apollo 'diba, Adonis?"

Nagkibit-balikat ito. "Lagi siyang nasa condo niya. Hindi kasi siya pwedeng mag-uwi ng babae sa bahay."

"See? Everything is fine. Wala kang dapat ipag-alala." Sabi ko kay Freya at mahinang tinapik ang pisngi nito. Binitiwan niya ako ngunit halatang hindi pa rin ito kumportable sa aking desisyon. "Saka tatlong araw lang naman ako rito. What are the odds na magmi-meet kami 'diba?"

What are the odds indeed.

Nanatili kami sa labas ng bahay nila Adonis. Hindi kami bumababa sa sasakyan. Pare-pregas kaming natigilan nang mapansin na naroroon ang itim na ranger ni Apollo. Nilingon ako ni Freya mula sa passenger seat habang seryoso ang mukha nito.

"Don't you dare say 'I told you so'." Mariin kong sabi.

"Oh? Bakit galit? 'Diba naka-move on ka na?"

Inirapan ko ito. "Talaga. Ipapakita ko sa inyo. Hmp!"

Sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan at binuksan ni Adonis ang pinto. Nanatili akong nakasunod sa likod ng dalawa hanggang sa makapasok. Huminga ako ng malalim at itinaas ang ulo.

He wore a snug white shirt and I was surprised when I noticed his arms were covered from wrist to shoulder by tattoos. I had the strongest urge to run my fingers over every inch of ink just to see if his muscles felt as hard as they looked. His appearance changed, he is much more masculine than last time I saw him.

He stood straight and paused when our eyes met. I sucked in a breath. Could he actually feel me staring? His slow turn made it seem like he could. I tried to be cool, but my breath was stuck in my throat, and it felt like I was about to choke.

Hot did not cover this guy's looks. He was sinfully gorgeous, with a tanned complexion, beautiful eyes, and a jawline that would be the envy of any billboard underwear model. I was so busy cataloging every inch of the washboard abs outlined by the ribbed fabric of his shirt that I failed to realize he'd started smirking at me.

"Hannah!" Si tita ang agad na nakabawi nang makita ako. Patakbo itong lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "Wow! Ang laki ng pinagbago mo! Kanina pa kita hinihintay, akala ko'y na-traffic kayo ni Adonis."

"Nag-stopover lang po kami ni Adonis kasi medyo nagutom na po ako." Natatawa kong sabi.

Lumayo ito at hinawakan ang aking dalawang kamay. "Mas lalo kang gumanda."

"Gumanda dahil napunta sa tamang tao, 'Ma." Singit ni Adonis at binigyan nito ng matalim na tingin si Apollo. Nagkibit-balikat lamang ang pinatungkulan.

Nagpaala si Freya na magc-CR at sinamahan siya ni Adonis upang ituro kung saan iyon.

"Hoy, mabilis lang ah. Baka maging tatlo kayo d'yan." Pabirong sabi ni tita. So, she's aware sa status ng dalawa. Napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Freya at hinampas ang balikat ni Adonis nang ngumiti ito ng nakakaloko.

"Hindi, 'ma. Baog ata ako."

"Tumigil ka nga!" Asar na sabi ni Freya.

"Kasi ilang beses na, eh. Pero 'di naman tayo naging tatlo." Sabi ni Adonis habang umiiwas sa mga paghampas ni Freya.

"Tita, hindi 'yun totoo! I'm still pure pa rin po."

Tita chuckled. "Oo na. Napakaharot niyong dalawa."

Hinala ako ni Tita papunta sa sala at nilagpasan namin si Apollo. Tintrato ko itong parang hangin lamang ngunit wala naman akong sama ng loob sa kanya, sadyan hindi pa lang ako kumportable sa presensya niya. "Ang bilis ng panahon, nakita ko na ikakasal ka na."

Kinuha ko mula sa aking bag ang imbitasyon at iniabot iyon kay Tita. "Ito po 'yung invitation, Tita. By June 2021 pa po ang kasal pero masyadong marami ang bisita kaya namimigay na kami ng mga imbistasyon."

"Good. That's good." Pagkasabi niyo ay nilingon nito si Apollo. "Naunahan ka na ni Hannah. Kayo ba ni Anabel?"

"I have no plan to settle down with her." He said with a straight face.

Nabigla ako sa narinig at maging si tita ay hindi rin inasaahan ang impormasyon. Nang makabawi ay agad nitong binigyan ng matalim na tingin ang panganay. "Apollo, does she know?"

"That's our agreement. What we have is just a casual relationship." Nagbuntong hininga ito at marahang naglakad papunta sa pinto ng garden.

"Apollo---"

"I can make my own decisions, 'ma." Saad nito habang nakatalikod. "I'll just smoke outside."

Nothing has changed, huh. He's still a self-centered bastard.



***************

A/N: Some of you are being spoiled by the comment box. It's up to you if itutuloy niyo pa 'yung pagbabasa dahil alam niyo na 'yung other twist.

Maybe the story will still flow like that, or MAYBE NOT. Hehe

REVISED: 12Nov2020 (Stay safe everyone!)

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon