CHAPTER 26

88.1K 2K 173
                                    

CHAPTER 26



HANNAH

Sinundo ako ni Harley nang makalabas na ako sa airport. Niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan ng mariin sa pisngi. I missed my man so much!

"Damn, baka naman maubos ako, baby." Natatawang sabi nito.

"Ano'ng ginawa mo habang wala ako? Nambabae ka no?" Saad ko habang nakayakap sa bewang nito.

"Praning ka na naman! Sinong babae ang lalapit sa akin? Eh puro matatanda ang kasama ko sa office." Lumayo ako sa kanya at inilagay nito ang braso sa ibabaw ng aking balikat.

"Nabawasan ba 'yung love mo sa akin n'ung 'di mo ko kasama?"

"Hmm." Umakto itong parang nag-iisip. "Parang gusto ko ngang bumalik sa dati kong buhay eh."

"Aba!"

"Joke lang, baby. Malungkot nga ako n'ung wala ka, e. Wala akong Vitamin K."

"Vitamin K?"

"Vitamin Kiss."

I giggled. "Tara sa condo, kahit Vitamin BJ pa 'yan."

Tinakpan nito ang bibig ko at tumawa. "Woman, tangina! Baka tadtarin ako ng bala ni Giaco."

Tinanggal ko ang kamay nito sa aking bibig. "Hindi, Harley. We're engaged, ano ka ba?"

"Do you kiss your mother with that mouth?" Natatawa na lamang ito sa kalokohan ko. "Ayaw mo bang maging virgin bride? You're always tempting me."

"Fine. Kainis naman. Parang ako pa ang lalaki sa ating dalawa, e."

"According to the studies, women are hornier than men. Ngayon lang ako naniniwala."

Kumakain kami ng lunch ni Harley nang bigla siyang tawagan ng kanyang ama. It looks urgent kaya naghiwalay rin kami agad. Nagmamadali itong umalis at para bang balisa. Hindi niya ako binigyan ng kahit anong hint kung tugkol saan iyon at nirespeto ko naman ang kagustuhan niya.

Dalawang araw na ako sa bahay ay hindi pa rin niya ako binibisita. Kahit reply-an ang messages ko ay hindi nito magawa. Nagsisimula na rin akong mag-alala.

I called his phone, mga ilang sandali lang ay sinagot niya iyon. "Harley? Are you okay?"

"Baby, I'm sorry. I'm fine but I can't talk right now." Bakas ang pagod sa boses nito.

"Ah, that's fine. I just called to know that you're doing okay." Mahina kong sabi.

"Hannah... I will call you tomorrow. Okay? I have something to say."

"T-That's fine. Yes, sure. I will wait." I said. "I love you."

"I love you. I really do." Natunaw ang pag-aalala ko dahil sa malambing nitong tono.

Pagkatapos n'on ay naputol na ang tawag at inalis ko na ang pag-aalala sa aking sistema. Pinanatili ko ang cellphone na malapit sa akin upang masagot agad ang tawag nito.

Sa ngayo'y nagpaka-busy muna ako sa ibang bagay katulad ng pag-aaral ng mga gawaing bahay at pagluluto. Ngunit lumipas ang buong araw na hindi ito tumawag.

Dalawang araw na ang nakakaraan ay wala pa rin itong paramdama. Kaya't umibabaw na naman ang aking pag-aalala. Kasalukuyan akong nasa sasakyan upang puntahan na si Harley sa kaniya office. Dahil n'ung tumawag ako sa bahay nila ay ang tanging nakausap ko lang ay 'yung kasambahay. Ilang araw na raw na 'di umuuwi si Harley roon.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon