Binaba ko ang mga gamit ko sa sala. Napadpad ako sa likurang parte ng bahay. Tanaw na tanaw mula rito ang asul na dagat. Napahawak ako sa braso ko ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

“Gusto mo ba silang makita?”

Napalingon ako sa nagtanong. Si manager. Tumango lang ako bilang pagtugon.

Mabibigat ang paa kong sumunod sa kanya, patungo sa ikalawang palapag. Nasa dulo ang bandang kwarto nila. Ng magbukas iyon, isang nakakabinging katahimikan lamang  ang sumalubong sa akin. Nagmistulang dorm ang kwartong iyon. May 12 kama, 6 sa kanan at 6 din sa kaliwa. Sinadya pa atang idistinguish ang EXO M at K.

Inisa isa ko silang tignan, maaliwalas ang mga mukha nila. Tulad ng sabi ni manager, parang walang nangyari. Mahimbing lang silang natutulog. Nakakapagtaka naman? Nagkafracture kaming dalawa ni koyang driver pero sila wala man lang galos, ang problema lang ay ang pagka unconscious nila.

Magigising pa kaya sila? Iyon ang tanong ko sa isipan ko. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na kaming iba pang magagawa kundi ang maghintay.

May 6, Tuesday 12:00 am

Naglalakad ako sa isang hardin, napakaganda doon. Iba’t ibang klase ng mga bulaklak ang masisilayan. Parang nasa isang paraiso ako.

Napasinghap na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Pamilyar ang mga yakap nyang iyon. Pamilyar ang amoy, ang paghaplos nya. Chanyeol. Siya lang, wala ng iba.

“Chanyeol.” Sambit ko habang dinadama ang pagyakap nya sa akin.

Sinandal nya muna ang baba nya sa balikat ko bago bumulong sa akin “Harriet, mahal mo ba ako?”

“Oo naman.” I said while chuckling. Napasandal na rin ang likod ko sa kanya. Dama ko ang lalim ng paghinga nya.

“Bakit? Bakit mo ako mahal? Bakit ako?” nanghihinang tanong nya sa akin.

Naguluhan ako sa tanong nya. Is he really asking me that question?

Hinilig ko lang ang ulo ko sa kanya. “Kasi, ikaw si Chanyeol. Your face, your voice, your smile. Yun ang dahilan kung bakit mahal kita.” Sambit ko habang nakangiti.

Naramdaman ko na lang na kumalas sya sa pagkakayap sa akin. “You don’t really love me Harriet. Mababaw pa ang dahilan mo.”

Mababaw pa ang dahilan mo

Mababaw pa ang dahilan mo

Blaaaaaag!

“Nak.ng.tokwa!” napahawak na lang ako sa pwetan ko. Sa kasamaang palad, iyon ang naunang lumagapak sa floor.

Nagiging habit ko na ata ang mahulog sa kama. Madilim pa. Chineck ko ang oras, 12:03am. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Lagi na lang akong nababagabag sa mga panaginip ko.

“WAAAAAAAAAAAH!!!”

Napaigtad ako ng marinig ang sigaw. Parang choir lang pero sigaw nga lang. Unang pumasok sa isipan ko ang EXO.

Gising na kaya sila? Agad akong nagpunta sa kwarto nila. Bukas ang ilaw doon, mukhang gising na nga ata sila. Nagmadali na akong pumasok. Hindi ko na binigyang pansin ang kasuotan ko o kung ano man ang itsura ko.

Cliiick!

Pagbukas ko ng pintuan, tumambad sa akin ang naghehesterical na EXO. Wala si manager, mukhang di nya narinig ang sigaw nila. Nasa first floor kasi ang kwarto niya.

Bumalik ang tingin ko sa kanila. Nakaupo sila sa mga kama nila at nakatingin sa isa’t isa. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat. Hindi pa ata nila napapansin ang pagdating ko.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon