Chapter 48 (Jealous)

26 1 0
                                    

[Ellese]

Katatapos lang naming magrecord ng music. Ilang oras rin kaming pinaulit-ulit doon hangang sa maperfect namin. Civil lang ang pakikitungo namin dalawa ni Wyn at napansin kong maraming nagbago sakanya. Naging matured siyang mag-isip hindi tulad dati na ang kulit niya at halos parating niyang chinicheck yung kalagayan ko. Pero ngayon hay. Sabagay wala na pala kaming connection sa isa't isa.

Lumabas naman na kami sa recording room nauna na akong maglakad hindi ko na hinintay pa si Wyn dahil wala naman itong sinabi. Nakita ko naman si Gette na naglalakad nasa likuran naman nito si Zephyr. Kaya hinabol ko siya at tumabi sakanya.

"Saan ang punta niyo?" Tanong ko sakanya tumingin naman ito saakin nang nagtataka.

"Resto kakain." Naiinis ako sa babaeng ito ang tipid ng salita niya. Pero okay lang kinaganda naman ng personality niya.

"Magkasabay kayo?" Tanong ko uli habang tinuro yung nasa likuran niya nagulat naman ako ng nasa tabi rin nito si Wyn nag-uusap sila. Medyo malayo ang agwat nila saamin.

"Nakisabay lang yan. Nasa resto na sila Camilla gusto nilang magkakasabay tayong kumain. Hindi ba sinabi sayo?"

"Hindi. Medyo busy kasi kami dahil marami akong pagkakamali kanina sa practice kaya hindi na kami nakalabas doon ng lunch kanina." Tumango naman ito. Nakita naman namin sila Eraizha na mukhang kanina pa naghihintay. Lumapit naman kami sa kanila pero nakakapagtaka kasama rin nila yung mga partner nila. Ganun rin sa mga nakita kung ibang participants na mga kumakain.

May naka save naman saamin na upuan kaya umupo ako sa may tabi ni Sage at katabi naman nito si Eraizha na nakasimangot. Hinila ko si Gette sa tabi ko at hindi naman ito umangal. Sa tabi niya ay si Zephyr katabi nito ay si Wyn.

"Bakit nakasimangot ka diyan?" Sabi ko kay Eraizha tumingin naman ito ng masama sa katabi.

"Kasi ayaw akong palipatin ng isa diyan." Pagpagrinig niya kay Sage. Ito naman si Sage walang pakialam at tuloy lang sa pagkain.

"Manahimik ka diyan. makikipagdaldalan ka lang dito sa mga to." Sabi ni Sage at talagang tinuro pa kaming dalawa ni Gette as if naman madaldal kami.

"Ano bang paki mo? Hindi ka naman namin guguluhin." Depensa nito. Natutuwa ako tuwing nagbabangayan silang dalawa. Tumingin naman ito ng seryoso kay Eraizha at nakita ko namang napalunok ng bahagya si Era. Lihim tuloy akong nangiti dahil doon.

"Sigurado ka?" Pag-aasure nito.

"Oo nga, promise mamatay ka man." Taas niya sa kanang kamay nito. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi." Sabi nito kaya nataranta naman si Eraizha.

"Ito naman hindi mabiro. Sige na mamatay man Ako...promise... pero isasama kita ah." Sabi nito. Wala namang sinabi si Sage at tumayo ito sa kinauupuan niya. Nagpalitan sila ni Eraizha na tuwang-tuwa na makatabi kami.

"Hindi man lang nagreact na isasama ko siya hehehe." Sabi nito. Napatingin naman si Sage sa kanya, kaya nagpeace sign lang itong baliw na Eraizha. Kumain naman na kami pagkatapos nun nagkanya-kanya na uli kami.

*********♡♡♡**********

Nakatingin lang ako habang nagprapractice ang mga back up dancer namin. Pinag-aaralan ko ang bawat galaw nila halos puro lalaki ang kasama namin at dalawang babae lang. Medyo daring na pang hiphop ang sayaw. Medyo naexcite naman ako dahil doon. Hindi naman kami sasayaw ng buo dahil kailangan kaming sumayaw kapag hindi namin part or kaya yung hindi masyadong mahihirapan.

"Okay, Nathan paki turo nga kay Ellese yung step ng sayaw." Rinig kong sabi ng Trainor namin dun sa leader ng sayaw na ito. Tumayo naman ako para hindi kami pagalitan, ayaw kasi nito ng tatawagin ng dalawang beses pa.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Where stories live. Discover now