CHAPTER 31 (SURPRISE GIFT)

29 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


( Eraizha)

"Okay na ba?"

"Naka set na?"

Ilan lang yan sa tanong ni Ellese habang inaayos namin itong cake para kay Jhoanne. Pinaki usapan namin si Miss Trish na kunwari pagalitan uli si Jhoanne mag walkout uli ito tapos doon kami papasok. Wahahaha ang harsh lang ng birthday surprise sa kanya. Syempre para walang manghihinala. Hindi rin kasi alam ng mga ka group niya lalo na si Gette. Hindi rin talaga namin alam actually pero may nagsabi lang saamin kaya. Pinakiusapan na rin namin si Miss trish dahil siya naman ang naka assigned na magbabantay sakanila.

Nasa labas kami ng practice room nila. Pinapakinggan namin sa labas ang boses ni Miss trish at talaga galit na galit ito.

"Di ba sabi ko ayusin niyo yan!!. Anong ginawa niyo kahapon? Pinagsabihan na kita Jhoanne. Pero hindi ka pa rin nakinig!! Pagbalik ko gusto ko maayos na" Galit na sabi ni Miss Trish. Bigla naman kaming natakot. Acting pa ba yun? Para kasing totoo na. Hindi ko alam may talent skill na tinatago itong si Maam Trish. Bigla namang kaming gumilid nang alam naming palabas na siya.

"Okay na ba?" - tanong nito saamin habang nakangiti. Tumango naman kami

"Miss Trish. Acting lang po ba yung kanina?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman, medyo nagkamali lang siya ng kaunti pero naiintindihan ko naman." Oo nga pala nagpatulong rin kami sakanya kung pwedeng mag-avail ng cake. Sabi nila sagot na lang daw niya yun. Kaya sinamahan niya kami kahapon na pumunta dun sa isang bake shop dito sa resort at nagpagawa ng cake. 2 layers na chocolate cake siya.

Buti nga at hindi sila nagtaka na bakit hindi kami nakisabay sakanila sa lunch. Yun pala doon na naiisipan ni Jhoanne maglunch sa Practice room nila kaya medyo okay na rin yun. Binuksan ko naman ang pinto at si Camilla ang may hawak ng cake samantalang si Ellese ang ballons at bouquet.

"Happy birth day to you, happy birthday to you, Happy birthday, Happy Birthday. Happy birthday Jhoanne." - Sabi namin nila Camilla/Ellese/Miss Trish. Napalingon naman sila saamin at halatang gulat sila lalo na si Jhoanne. Habang uumiyak ito dahil nga napagalitan kaya iisipin na lang namin na umiiyak ito dahil sa surprise namin.

"Hey, happy birthday.. wag ka ng umiyak. " Sabi ko sakanya at niyakap siya.

"Huh! Hindi pa magsink in sa utak ko. Anong meron?" Inosenteng sabi ni Jhoanne habang uumiiyak pa rin. Kaya natawa kami sakanya.

"Okay lang yan, kantahan natin uli siya Girls !1.2.3 ready sing" sabi ni miss Trish. At inulit namin ang kanta kanina.

"Thank you, hindi ko inexpect ito. Salamat sa surprise kanina umiiyak ako dahil sa dissapointment ko sa sarili ko ngayon naiiyak ako sa tuwa." At may ngiti sa mga mata nito. Sinabi naman ni miss Trish ang totoo na kakuntysaba niya kami.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Where stories live. Discover now