CHAPTER 38 (FACE OF BATTLE)

31 1 0
                                    

(BRIGETTE)

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

(BRIGETTE)

Nandito kami sa make up room at inaayusan. Maaga nila kaming inayusan it's already 5:30pm nakita ko namang kinukulot yung buhok ni Eraizha. Nakarobe na kami pero nakabihis na kami sa ilalim nito. Sila ang pumili ng isusuot namin. Itong mga pinasuot nila saamin ay iindorso namin. Para naming minomodel pero gagamitin nga lang para sa show. Si Miss Lorienne ang nagpasuot nitong mga ito kahit mga accessories and shoes sakanya rin galing. Naifashion show na raw ito at ngayon kami uli ang magsusuot.

Nakita ko namang tapos ng inayusan si Eraizha at pinatangal na ang robe niya kaya nakita ko kung anong suot niya. Naka Intansia Check knit dress ito na black. Hapit na habit sa katawan niya at may butas-butas sa gilid designed iyon at naka knee high boots siya na Black rin. Bumagay sa kulot nitong buhok.

"Wow! Para kang bo$$!" Komento ko sakanya tumawa naman ito. Pagkatapos ko ring ayusan pinaalis naman rin saakin ang robe ko. Kaya tumambad sa ang suot ko na Studded Dress na color black. Hindi gaya ng kay Era hapit sakanya sa aking parang normal dress lang ito. Tapos sinamahan pa ng Joplin 105 boots yun daw ang pangalan nito. Para ito high knee boots pero may butas-butas designed niya rin. Tapos nilagyan ako ng Crystal Clip Earrings.

Pagkatapos naming lahat pumunta na kami sa backstage sa may reserved seats namin magkahalo na ang girls at boys dahil kakaunti na rin naman na kami. Kaya pinaghalo na rin. Nakita naman namin sila Camilla, Jhoanne at Ellese na nasa kanya-kanya nilang group. Kumaway na lang kami sakanila.

Nakita naman naming nagsasalita na ang host at ipinapakilala ang mga Judges uli. Iniba naman na nila ang arrangement ang mauuna ay mga boys naman na ngayon.

Nakatingin lang kami sa monitor habang nakikita namin silang iniiterview. Hindi ko naman kilala yung iba sakanila dalawa lang ang kilala ko sakanila si Sage at Clark. Nasa bandang likod kami nakaupo dahil kami ang huling magpeperform. Nang marinig namin muli na tinawag ang pangalan ng group nila yun na ang simula na mag-iistart na silang kumanta. Natawa nga ako sa pangalan ng group nila dahil Serious Type Guy daw sila kahit korni yung mga audience na babae kilig na kilig.

Nag-umpisa na sila. Lahat sila naka tuxido at maayos ang mga hairstyle nila para silang may-ari ng malalaking kumpanya at napakaserious pa nila. Si Clark ang nag-intro kaya lalong nagsigawan ang mga girls. pero tumahimik rin para marinig nilang mabuti ang kanta.

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.
BATTLE FOR THE FAME (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora