CHAPTER 9 (Rules to know)

45 4 1
                                    



(Jhoanne POV)

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng kotse. Ihahatid kasi ako nila tita at tito sa KVsEntertainment. Nang makababa kami inilibot ko ang tingin sa building ng KVs  nakakamangha ang laki ng gusali, hindi ito nagpapahuli sa iba pang mga gusali na katabi nito. Sa totoo lang ito ang unang punta ko rito dahil ibang place ang pinagganapan ng audition dati. Dito kasi magkikita lahat ng mga manlalahok.

"Oh! Jhoanne, wag kang kabahan nandito lang kami para suportahan ka. Malay mo dahil dito makita ka ng Papa mo." Napasimangot ako sa sinabi ni tita. Hindi naman yun ang dahilan kaya ako pumunta dito. Ano naman kung makita niya ako? for sure wala naman siyang pakialam kahit pa makita niya ako. 

"Kahit magpakita pa ho siya saakin. Hindi ako sasama sakanya." Nasabi ko ng hindi nakatingin sakanila. Totoo yun. Pagkatapos nila kaming palayasin ni mama sa pamamahay ng magulang niya wala man lang siya ginawa para ipagtangol kami ni mama. Kaya wala siyang karapatan na tawagin ko siyang tatay dahil matagal ng wala akong magulang.

"Wag ka na kasing magmukmok pa diyan. Kami na lang susuporta sayo." Sabi ni Galle. Tinignan ko naman siya para bang wala lang sakanya kahit hindi siya napili. Pero alam ko ang totoo niyan. Dahil kahit hindi niya sabihin nasasaktan rin siya. "Ano ka ba Jhoanne wag mo nga akong tignan ng ganyan. Okay na ako ngayon promise." At tinaas pa nito ang kanang kamay niya na para bang nanunumpa.

"Okay lang naman saakin kahit hindi na ako sumama." Nag-aalalang sabi ko.

"Hindi pwede! ganito na lang, isipin mo na lang pangarap nating dalawa ito. Dahil hindi mo ako makakasama diyan ikaw ang dapat magtuloy sa pangarap nating dalawa. Okay ba yun? " nakangiting sabi nito pero hindi naman umabot hangang mata.

"Ang dami mong alam. Kainis ka."

"Basta ikaw ang pag-asa naming pamilya, Ay hindi pala ng buong bayan natin. Kaya wag kang magpapatalo dun naiintindihan mo." At kala mo kung sinong nagbabanta pa.

"Baka nga hanggang 1st round lang ako ng show na yan eh."

"Ano ba! wag kang nega. Ikaw ang isa sa mag-uuwi ng titulo diyan. You are my sister/cousin/bestfriend and we will always be here for you no matter what.." Sabi nito at yumakap pa saakin kala mo kung mawawala na ako sa mundo.

"OA mo, love you too. Dapat ikaw ang nandito eh. Ipaclarify kaya uli natin baka nagkamali sila ng inilagay."

"Shunga. Hindi sila pwedeng magkamali at alam kong deserve mo yan noh. Siguro nga hindi ko time yan. Hindi para saakin yan." Nakangiti pa rin ito saakin. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami.

"Tapos na ba kayong diyan nandito na tayo. Kami na rin, yayakapin ko na rin ang paborito kong pamangkin." Sabi ni Tito. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Tito talaga, ako lang naman ang pamangkin mo wala ka ng choice dun." Biro ko rito. mamiss mo sila ng ilang buwan.

"Ay ganun ba yun hahahaha. Ikaw ha bibilinin kita. Wag kang makakalimot kapag naging sikat ha."

"Naman tito. Kayo pa ba kakalimutan ko. Kayo na nga lang yung natitirang magulang ko eh."

"Ikaw Jo, pakabait ka dun wag kang pala away. ikaw pa naman kapag may nang-aaway sayo hindi mo inuurungan. Mamaya, iyan pa ang magpaalis sayo dun. " sabi ni tita.

"Wag kayong mag-alala tita hindi ko po gagawin yan...Basta ba wag nila akong i-provoke hahahaha."

"Ikaw talaga, puro biro kang bata." Umiling iling pa ito. "Oh, ibaba na natin yung mga gamit mo. Halika dito. Robert samahan mo akong ibaba yung maleta." Pumunta na silang dalawa sa likod ng kotse. Kaya naiwan na lang kami ni Galle dito.

"Wow! Ang laki talaga ng network na to. Gusto ko ring makapagtrabaho sa ganitong kompanya." Sabi ni Galle habang nakatingin sa labas ng building ng KVs.

"Malay mo naman pag katapos mong makagraguate." Ako naman tumitingin sa mga nagdadaang mga tao. Yung mga iba pumapasok rin sa building. Makikita mo rin kung sino yung mga kasama sa show. Dahil tulad ko may mga dala-dala rin silang mga maleta halos makikitang mong mga sosyal ang mga ito.

"Couz, wag kang papatalo sa mga yan ha" sabi niya saakin tapos tinuro yung mga sosyal na nakita ko rin.

"Yan Jo, ihahatid ka pa ba namin sa loob? " tanong ni Tito.

" Naku wag na po. Ako ng bahala rito baka hindi na po kayo pwedeng pumasok. Nakita ko yung mga kalahok, wala na silang kasamang pumasok."

"Ganun ba, sigurado ka? Kaya mo na itong dalawang maleta mo?" Nag-aalalang sabi ni tita naman.

"Okay na po ako. Salamat po sa paghatid. Ingat po kayo sa pag-uwi."

"Ikaw rin mag-ingat ka rin." Sabi ni tita. Ginuyod ko naman na yung mga gamit ko.Wag niyo kong tanungin kung bakit marami akong dala. Yung makulit ko kasing pinsan siya ang naglagay at nag-ayos ng mga dadalhin ko dito. Dahil wala naman kasi akong balak pang tumuloy dito kung hindi lang siya mapilit at gusto raw niya akong makita sa tv. What a lame reason di ba.

"Ma'am, dito niyo na lang ho iwan yang mga gamit niyo. Dalhin niyo na lang yung mahahalagang bagay na kailangan niyo" Sabi ni manong guard ng makita ako at ang mga dala ko. " Sa function hall rin po ba ang punta niyo." Tinuro naman into ang daan saakin.

"Opo manong, salamat po. Marami na po bang nandoon manong?"

"Sa tingin ko may kalahati na rin ho siguro. Nakikita niyo ho ba yang mga gamit, sa mga kalok rin ho iyan mga gamit. Sa tingin ko dun muna kayo sa function hall habang hinhintay yung mga bus na maghahatid saainyo ng airport." Tumango na lang ako sa sinabi ni manong guard. Hindi ko alam kong saan ang location ng pagganapan ng show. Dati raw kasi according to Galle sa isang resort ginanap yun at malapit lang dito. Pero ngayon bakit kailangan pang mag eroplano. Nakakacurious naman.

Sinabi naman ni manong kung saan yung function hall buti na lang at hindi sa taas. Pagpasok ko dun medyo madilim sa loob pero nakikita ko naman yung daan may mga ilaw naman sa gilid. Tinignan ko naman kung anong no. Seat ko dahil yun yung binigay saakin kanina nung nakita ako sa labas ng hall #39G wala naman na silang sinabi saakin basta itinuro lang nila yung daan ko papunta dito. Inilibot ko naman ang tingin ko medyo na concious ako dahil nakatingin sila saakin sa harap pala ito at kung sa likod ka uupo madaraanan mo sila. May aisle pa talaga ah. Para kang nasa sinehan na pataas. Iba rin ang upuan ng lalaki at babae. Nakaupo na rin ako buti na lang wala pa akong katabi. hiwalay yung ibinigay na number. Kasi wala pang nakaupo sa seat no.1 and 2. Nang mapadaan ako kanina.

Ang tahimik ng paligid wala halos nagsasalita. Halatang karamihan sakanila hindi talaga magkakakilala. Maya-maya marami na rin ang mga pumasok dahil may call time rin kasi.

"Good morning everyone. I'm Riese, your host for this show. Ako rin ang makakasama niyo sa mga darating pang mga araw. Kaya maraming beses tayong magkita-kitang lahat. Hangang sa kahulihulian matitira sa show na ito...Exited na ba kayo!!!" Masayang sabi nito saamin halos lahat naman ay sumagot at halata rin sa mga hitsura nila na gustong-gusto rin nila.

"Pero bago yun kailangan ko munang sabihin ang mga rules dito. Madali lang ang mga rules una.

1.Bawal ang magmura o kahit anong linguwahe or any violent act na makakasira sa naturang produksyon. At

2. Bawal ang makipag-usap sa ka-opposite sex ninyo para maiwasan ang attraction sa isa't isa. Makikipag-usap lang kayo kung sinabi ng produsyong ito. At kung lumabag man kayo sa kahit anong rules dito it means terminated na kayo. Nagkakaintindihan ba tayo? Mahirap ba ang dalawang rules para sainyo? Gusto niyo dagdagan ko pa?" halatang biro nito buti na lang at medyo kwela itong host kasi sa mga napapanuod kung ibang show masyadong seryoso yung mga host nila siya mukhang gusto niya maging kampanti kami.

"So any question or collaboration sa mga sinabi ko?" Sabi ng Host. Wala naman ng nagtangkang magsalita pa dahil ipinaliwanag ng mabuti sa amin ang mga dapat gawin at may mga kasama namang mga staff kung kailangan namin ng tulong man daw.

"So habang hinihintay natin ang mga bus na sasakyan niyo , just relax in here at pwede kayong makipag-usap sa mga katabi para makilala niyo ang isa't isa. Good day and see you again."

********

Desclaimer: Photos aren't mine!

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Where stories live. Discover now