CHAPTER 1 (PREPARATION)

81 4 0
                                    

Abala ang lahat ng empleyado sa pag-aayos sa loob ng naturang hall para sa gaganaping audition. Hindi lamang yun ang pinagkakaabalahan ng lahat dahil kailangang maayos at maganda ang magiging produksyong gagamitin dahil hindi lamang makikita ng mga manunuod sa hall ang makakakita kundi na rin sa iba't ibang panig ng bansa at maging sa iba pang bansa. Dahil dito marami ang kinakabahan sa gagawing audition, marami ring natutuwa dahil ngayon lamang mangyayari na maipapakita ang kabuuang produksyon. Dahil sa nakaraang mga survival show hindi naipapakita ang audition kumbaga kung sino lamang ang nagpunta at nakapanuod doon lamang ang makikita.

Marami ang nabago sa naturang prodaksyon. Dahil dito marami ang gustong mag-abang ng naturang show. Mula sa pag papalit ng mga bagong judges hangang sa mga concept na gagamitin, pati rin ang lugar na pagsisimulan talaga ng naturang show. Wala pang inilalabas kung saan ito gaganapin. Ang mga judges lamang ang nakakaalam nun. Hindi gaya ng mga nakaraang taon ay malalaman agad ito. Ano pa kaya mga pasabog ng naturang show? Abangan nating lahat ito.

........................

(someone's POV)

Ipinapatay ko ang radyo sa driver ng matapos ang balitang narinig ko. Kinuha ko kaagad ang phone sa bag ko ng maramdaman kong nagvibrate ito. Tinignan ko ang caller saka ito sinagot.

"Hello Krya, Where are you now?" Sabi ng nasa kabilang linya. Dumungaw ako sa labas ng bintana upang makita kung nasaan na kaming banda.

"I'm already on my way."Maikling sagot.

"Gosh, kanina pa yang I'm on my way mo." Asar na sabi nito kabilang linya. Napangisi naman ako dahil naiisip ko na agad ang mukha nitong nagtitimpi. She doesn't have an option but to wait for me.

"Look Lorainne, hindi ko kasalanan kung traffic sa Pilipinas. Okay! Marami pa akong tinapos bago ako umalis kanina. " Paliwanag ko.

"Fine, nag hihintay na ang mga board member dito. Naiinip na sila."

"Hindi ko na kasalanan yun... maghintay sila." Pintay ko na agad ang tawag dahil alam kong marami nanaman siyang sasabihin saakin.

.....

Pagkapasok ko ng conference room agad silang nagtinginan saakin at ang iba napairap. Alam ko na ang mga ugali ng mga yan pero mas malala nga lang ako.

"What took you so long, you being a half-hour late?." it's Venna isa mga malditang kaibigan ko. Before I forget, they are all my friends. Bale walo kaming nandito lahat.

"Sorry not sorry.. hindi ko kasalanang traffic sa bansa niyo."

"Wow parang hindi mo rin bansa ito ah." Sabat naman ni Trish. Inirapan ko naman ito dahil talaga namang hindi ako dito ipinanganak at ang parent ko they are not Filipino citizen. I used to have a nanny who was a pure Filipino who taught me how to talk in their language and part of her dialect from where she came from, and I loved it. That is why I continue to learn more about Filipinos and even studied in several schools around the country and rest is history. Back to the business.. dumeresto naman na ako sa sarili kong trono. Pinag-usapan lang namin kung ano pang mga preparation na gagawin sa darating na audition at sila lang naman ang magiging judge na naturang programa hangang sa matapos.

"So, it settled then. Halos napalitan lahat ng concept ng programang to. I'm not sure whether the viewers would enjoy it, but my thought is. It was unusual. Iba ka talagang mag-isip Kyra." Sabi ni Jhon.

"Alam mong kahit kailan hindi ako nagpapatalo."

*************

Nagulat si Camilla ng gisingin siya ng magulang niya. Hindi niya alam kung bakit. Dahil sa pagkakaalam niya wala na siyang pasok. Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya upang makita ang ito.

"What is it mom?" Sabi nito habang humihikab sa harap ng mama nito.

"Your friends were looking for you, kanina pa sila naghihintay sa baba. Hala sige magbihis ka na. Nakakahiya sakanila." Muntik ng mapataas ang kilay niya sa sinabi ng ina. Ano bang sinasabi niya? Sa pagkakaalam kasi niya wala siyang kaibigan ni isa sa school. Marami haters. May sasabihin pa sana ito kaso umalis na ang mama nito. Kaya ginawa niya ang usual retual niya tuwing umaga. Upang makita na rin ang sinasabi nito KAIBIGAN daw niya. As if naman meron talaga.

Tahimik lang si Camilla sa likod ng kotse hindi alam kung maiirita ito o ano nalaman niya kung sino ang mga pumunta sa bahay nila. Sila Agatha lang naman ang nag punta sa bahay at mga kaibigan niya. Hindi nito eniexpect na magpupunta ang mga ito sakanila. Effort ang pang-aalipin nila sakanya. Buti na ang mama niya lang ang nandun dahil kung ang papa niya masyadong istrikto ito. Ayaw nitong may pumapasok na kung sino-sino bahay nila.

"Wag mo akong bibigyan ng ganyang mukha, loser.. di ba pinaalalahanan kita na sasama ka saamin" sabi ni agatha saakin.

"Hindi ako pumayag. For your information" maikling sabi ko.

"Wow, sumasabat na siya ngayon saatin. Hindi porque mas mayaman ka saamin ay kayang-kaya mo na kami." Sabi ng isa sa mga kasama niya.

"Baka nakakalimutan mo ring nakasakay ka sa SARILI KONG SASAKYAN." balik na sabi ko sakanya tutal naman. Pagkatapos rin nito lulubayan na rin nila ako at hindi ko na rin naman sila makikita dahil sa susunod na pasukan lilipat na ako ng ibang school. Hindi na ako magtitiis sa maliit na university na yun akala ko kapag pumasok ako dun ng simpleng buhay may tatanggap saakin. Oo, nagpanggap ako na maging mahirap at bumagay kanila pero mali pala ako dahil mas worse sila sa inaakala ko. Tiniis ko lang yung pinagkakagawa nila saakin.

"Tama na yan. Ngayon kailangan natin siya. Kailangan nating maging mabait sakanya ok GIRLS. SO friends. Sabi ng mommy mo wala kang friends so simula ngayon kami na ang bago mong friends." Sabi ni Agatha sabay ngiti nito na halatang fake gaya ng mukha niya. Napairap naman ako sa alok niya dahil hindi pa ako nahihibang na makipagkaibigan sa mga tulad nila na halata ang pakay.

"Alam mo Agatha, dahil mabait ako sasamahan ko pa rin kayo kung saan kayo pupunta. Pero pagkarating niyo sa pupuntahan niyo aalis na ako." Ngiti ko rin sakanya.

"Tignan natin....kung makakaalis ka." Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi pero base sa ngiting fake na ibinigay nito ay may mukhang hindi magandang gagawin ito. Pero hindi na lamang niya iyon pinansin. Dahil nasa isip niya makakauwi na rin naman siya pagkatapos nito.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu