Chapter 21(Confront)

27 3 0
                                    

(Brigette)

It's our fifth day of practice at hangang ngayon wala kaming matinong practice. Hindi dahil ba sa kasama namin kundi dahil sa Leader namin. Mamaya pupunta rito ang trainor namin para makita ang nagawa namin pero sa tingin ko hindi pa kami ready para doon.

"Ano ba! Bakit hindi mo gawing tama? Ang tagal na niyang binigay sayo na i-practice hindi mo pa rin memorize? At wala ka pa sa tono. Singer ka ba talaga?" Galit na sabi ng leader namin. Sino pa ba di yung top two namin. Marami na nga naiinis sakanya pero hindi lang nila ipinapahalata. Siguro ay natatakot sila. We all know she's a talented vocalist, but she's not always in the position to scold someone. As is the case right now.

Kung tatanungin niyo ako kung paano namin siya naging leader. Well let say, self proclamation ang nangyari at dahil nga alam rin namin at may tiwala kami sakanya, we know she isn't at the top for nothing. Magaling naman itong maglead pero minsan sumusobra na siya sa kamalditahan niya at feeling niya siya na ang pinakamagaling saamin.

Isa pang napansin ko. Plastic siya lalo na sa camera. Dahil minsan na pumunta rito yung mga camera man para magdocument ng ginagawa namin. Akala mo kung sinong anghel rin kung makaasikaso. Now I know kung bakit hate siya ni Eraizha.

"Pag-aralan mong mabuti yan. Dun ka! Wag kang aalis diyan hanga't hindi ako nasasatisfy sa performance mo." At inirapan nito yung pinagalitan niya. Napayuko naman si Lea dahil sa pagkahiya.

"Next. Brigette! Bilisan mo!" Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Tinignan ko naman niya ako ng masama.

"Kailangan paghintayin pa ako? " Sarcastic na sabi nito. Gusto ko tuloy umirap sakanya pero pinigilan ko ang sarili ko na wag magsalita ng kung ano. Calm down Gette.

"Hindi ka naman naghintay ng matagal ah." Pabalang na sagot ko sakanya umirap naman ito.

"Do your part." Sabi nito at plinay nito ang music. Habang hinihitay ko naman ang part ko.

''You always used to say I should be thankful for every day

Heaven knows what the future holds or at least how the story goes" ginawa ko naman ang part ko pero mukhang hindi siya nasatisfy doon dahil nakakunot ang noo nito.

"Repeat! You are indecisive on your part. Don't make it difficult when it's simple." Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya pero hindi ko na lang pinahalata. Huminga ako ng malalim uli at hinintay ko yung part ko sa kanta.

" You always used to say I should be thankful for every day

Heaven knows what the future holds or at least how the story goes" kumunot uli ang noo nito.

"Hindi naman mataas ang part mo, bakit tinataasan mo. Gusto mong makakuha ng atensyon ganun ba." -prankang sabi nito. Napairap naman ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Ang babaw ng tingin niya.

"Yun, yung nakalagay sa notes. Kaya sinusunod ko lang. " Paliwanag ko sakanya.

"Pero hindi nakalagay dun na mataas ang gagawin mo."

"However, I believe it worked well. I'm sure they all agree on that." Mataas noo ko siyang tinignan at tinignan ang mga kasama ko na gusto ring sumang-ayon. Halatang ayaw niya ring magpatalo.

"So I am right, that you want to gain attention." Nangagalaiting saad nito. 

" Certainly, as that was our goal in attracting the audience's attention who would profit from us. Hindi ko sinasabing sasapawan ko kayong lahat dahil hindi ko gawain yun. Kung alam kong para naman sa ikapapanalo ng group natin. why not take the risk? " Mahabang paliwanag ko sa kanya at alam kong lalo siyang naiinis dahil sinagot ko siya.

"I think, maganda naman ang pagblend niya nun, Jellian." Singit ng mga kasama namin. Lahat sila nakatingin sa aming dalawa na nagkokontrahan.

"Hindi ikaw ang leader dito. Kaya wag kang makisabat." Matigas na sabi ni Jellian. Yumuko na lang Sonya dahil na paksahiya. Huminga uli ako ng malalim. Hindi ko na matake ang ugali niya.

"Alam mo, sumusobra na yang ugali mo. Masyado mo ng nasagad ang pagtitimpi ko sayo. Ginawa ka naming leader dito para matulungan mo kaming lahat at hindi i-down lalo. Kung hindi ka marunong makinig sa mga members mo sana hindi ka nagpresenta na maging leader dito." Galit na sabi ko. Natahimik naman lahat ng tao dito. Walang gumagalaw tanging aircon lang ang maririnig mong ingay sa loob. I know sumobra din ako and I'll take the consequece later.

"What's going on in here?" Nagulat kami ng pumasok ang trainor namin si Miss Lorienne. "Jellian, bakit umiiyak ka?" Napatingin naman kami sakanya. Wow!, di siya na ang best actress, sana pumalit na lang siya kay Eraizha.

"Miss. Kasi po pinapakanta lang naman po yung part niya. Tapos sinabi ko lang na hindi maganda ang tonong ginagamit niya. Bigla na lang niya akong sinagot-sagot. Gusto ko lang naman gawin nila ang part nila as a member. Ginagawa ko naman ang part ko bilang leader nila. Pero ako pa yung nagmumukhang masama sa paningin nila." Paawa effect na sabi nito. Inabutan naman siya ng tissue ng mga kasama ko.

"Girls, wag naman kayong mag-aaway ng ganito okay. Dapat natutulungan kayo. Hindi nagbabangayan." Tsk, yun naman ang gusto naming mangyari ang magtulungan pero hindi niya pinapakingan ang hinaing namin, paano kami magtutulungan? Gusto kong sabihin pero tinikum ko na lang ang bibig ko.

"O-kay. What did I missed?" Takang Pumasok naman si miss Venna.

"It's some misunderstanding lang. I'll go ahead ikaw ng bahala sakanila." Sabi nito at nagpaalam na akala ko siya ang magiging trainor namin. Meaning si miss Venna ang trainor. Lagot! Patay kaming lahat nito.

"Okay, let's start. Pakikingan ko lang yung napractice niyo sa limang araw na to." Sabi nito at umupo sa may tabi ng piano keyboard.

Nag-umpisa naman na kami. Siya naman habang nakikinig saamin nakapikit lang ito. Para bang pinakikingan ng mabuti. Matapos kaming kumanta saka rin ito dumilat tapos kumunot ang noo at minassage ang noo gamit ang hintuturo niya. Parang alam ko na yung mga ganyang gesture halatang may hindi nagustuhan.

"Okay naman..But " Napatingin naman kami sakanya sa sinabi at hinihitay ang susunod nitong sasabihin. "may gusto akong baguhin.. Brigette." Napatingin naman ako kay miss Venna kinakabahan ako kung anong pupunahin niya saakin. Gaya rin ba ng kay Jellian na hindi maganda sa tono yung ginamit ko.

"Can you change Jellian's part? I think it suits you?"Halos lahat naman kami nagulat sa sinabi niya. Alam kong aware siya. Dahil yung tinutukoy niyang part ni Jellian ay killng part yun.

Tinignan ko naman sa script yung killing part. Pinatugtug niya ang kanta at inulit namin ito pero ang pinagkaiba nga lang ako muna pansamantala ang kukuha ng part ni Jellian at sa kanya muna ang part ko.

"But Miss...." hindi naituloy ang sasabihin ni Jellian. Naiiyak ito dahil nakuha ko ang part niya. Hindi ko naman kasalanan kung binigay saakin yun.

"Jill, this is for your assignment. I'd like you to play her role and make it a little bit higher. That should work for you as well. It's up to you whether you follow my suggestion, but I know what I'm doing. This is for your own benefit. Kung gusto niyong manalo dapat nagtutulungan kayo. I'll go ahead, you may practice for now." Umalis na ito pero wala pa ring kumikilos saamin. Walang nagsasalita, walang gumagawa ng ingay. Maya-maya pa ay biglang nagwalk out si Jellian. Kaya naguilty naman ako para doon. Dahil para nasa isip niya inagaw ko ang part niya.

"Hey, Gette congrats. Sabi na nga ba ikaw ang bagay sa part na yun eh," sabi ng isa sa mga kasama ko. Binati rin ako ng iba naming kasama. Ngumiti lang ako pero nandito pa rin yung guilt sa loob ko. Siguro kailangan namin mag-usap ng masinsinan ko kung susunduin ang sinabi Miss Venna. Dahil hindi rin ito magwowork kung alam namin may samaan kami ng galit.

********************

#Karma's a bitch nga naman hahahahhaha. 

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Where stories live. Discover now