CHAPTER 10(Friends?)

34 2 0
                                    

(Eraizha)

Tinignan ko no. Naibinigay saakin doon sa front desk. Nandito na kami sa cruise ship na pagmamay-ari ng isa sa mga judges daw. Narinig ko lang ba sabi nung mga babaeng participant rin. #16 nasan ba yun? Yah! There you are buti na lang. Pagbukas na pagkabukas ko nakita ko na rin ang mga ilaw so that means nandito na ang makakasama ko sa room na ito for 5 days. Dahil malayo raw yung private island na pupuntahan namin at dun rin gaganapin ang show hangang sa matapos.

Dalawang room lang ang nakita ko kaya binuksan ko na yung room ko. Baka nasa loob ng room niya yung makakasama ko. Inayos ko naman ang mga gamit ko sa maliit na cabinet. Ayos lang naman ang room hindi siya ganun kaliit hindi rin gaanong kalakihan sakto lang talaga sa pang-isahan na tao. Pero sa labas ang maluwang ang space dahil doon na halos nakalagay pati ang cr nasa labas rin siya.

Pagkalabas ko nakita ko namang lumabas rin ng room niya yung makakasama ko. Tumaas naman ang kilay nito saakin tapos tumalikod na ito saakin at lumabas ng room namin.

"Wow! Di siya ng may attitude. Kala mo namang kung sino. Psh! Kaazar nakahanap siya ng katapat niya. Kala niya ba." Nasabi ko ba lang sa sarili ko. My gosh! Siya ang mamakasama ko sa limang araw it means mapapanis ang laway ko nito wahhhh. Lumabas naman ako ng veranda para tinignan ang ganda ng view.

.....

Tinawag na kami para sa dinner namin. Yung kasama ko hayun hindi na bumalik. Sana nga wag ng bumalik yun ever. Ang sama ko naman.

"Ladies and gentlemen, good evening. Enjoy your meal this evening. Pagkatapos niyo kumain pwede kayong maglibot-libot sa cruise ship pero may ibibigay kami area kung hangang saan lang kayo pwedeng lumibot. Then we'll get down to business here tomorrow. So, have a good night, and before I forget... Remember to follow the RULES. GOODNIGHT." Narinig lang namin sa speaker ng cafeteria. Kaya pagkatapos inaannounce yun halos nagsigawan ang mga participants. Ako? I don't know, siguro itutulog ko na lang. Mas magandang idea yun.

Naghanap na ako ng mauupuan ko para makakain ng maayos. Nakita ko naman ang isang babae na kukumakain sa gilid siya lang naman ang nakaupo roon pero pang-animan ang upuan. Kaya maluwag pa.

"Excuse me, may mga kasama ka ba dito?" Umiling lang ito. "Makiki upo ako ha." Tumingin lang ito saakin tapos tinuloy ang na ang pagkain nito. Hindi na lang ako nagsalita pa. Kumain na rin ako ng tahimik. Maya-maya nagsalita ito.kaya napatingin ako sakanya .

"I'm Brigette," maikling sabi nito pero nakatingin lang ito sa pagkain at pinagpatuloy ang pagkain niya. Ako bang kausap niya? Bahala na.

"Eraizha, Era na lang for short." Ngiting sabi ko sakanya. Tumango naman siya. Buti na lang sa buong araw na ito may nakausap rin ako sa wakas. "Nagkita na ba tayo dati?" mukha kasi siyang familiar. hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"Yeah, sa restroom dati nung audition. Kung natatandaan mo." Inisip ko, pero parang hindi ko na matandaan. Bahala na nga. Pero ayaw ko ring magkaroon kami ng dead air between us kaya. Sa tingin ko naman hindi siya masungit di tulad nung karoommate ko. 

"Ah kaya pala familiar ka, mag-isa ka rin bang nag-audition dito?"

"Hindi. Banda kami. pero ako lang ang nakuha."

"Wow, siguro ikaw ang vocalist ng banda niyo? Kadalasan kasi sila yung nakukuha. Hindi ba?" Tumingin naman siya saakin ng matagal tapos ngumiti ng tipid nakita ko tuloy yung dimples niya.

"Hindi rin, ako kasi ang drummer ng banda namin."

"Talaga! Wow! Di ba kadalasan sa mga yun hindi masyadong na expose sa singing so ibig sabihin nakitaan ka ng talent mo. Ang galing mo naman." Masayang sabi ko. Kasi totoo naman. Hindi naman ito nagsalita pa kaya tumigil na ako baka sabihin niyang feeling close ako.

"Ahm excuse me, pwede bang makaupo rito. Wala na kasing vacant seat. Ayaw ko naman dun masyadong expose sa mga camera hindi ako sanay na kumakain tapos vinivideo hehehehe." Sabi ng bagong dating hindi ko siya kilala sa pangalan pero na mumukhaan ko siya.

"You may seat , hindi rin naman amin to." Tipid na sabi ko . Ngumiti naman ako sakanya.

" Thank you, Ahm Jhoanne nga pala." Pakilala nito at nakipagkamay saakin.

" Eraizha, and this Gette." Turo ko kay Brigette ngumiti naman ito ng tipid kay jhoanne.

"Hello sainyo. Akala ko susungitan niyo rin ako tulad ng iba dito. Akala mo naman kasi kung sinong mga sikat na sila dito. At sila pa ang natutuwa habang vinivideohan ah. Imagine... kumakain ka wala man lang privacy haist. Ay sorry kung madaldal ako hahahaha. Ngayon lang kasi ako nakapagsalita sa buong araw kasi puro natulog ako tapos yung kasama ko naman sa kwarto akala mo kung sino rin na isa. Hehehehehe.. sorry uli ituloy niyo na yang pagkain niyo hindi na ako magsasalita." natawa naman ako dahil sa kadaldalan niya hindi naman yung nakakairita.

" It's okay, pareho rin tayo ng naranasan kaya. I'll proclaimed that starting today tayo na lang ang magkakasama okay lang ba yun?" Masayang sabi ko.

"Okay lang saakin. Ewan ko lang kay Gette mukhang hindi okay sa idea na yan." Sabi ni Jhoanne at sabay kaming tumingin kay Gette. Siya naman ay nakatingin saamin rin.

"Alam mo Jhoanne kahit hindi niya sabihin na ayaw niya tayong kasama. Hihilain natin siya kahit anong mangyari. Hindi ba magandang idea yun?"

"True! Nafefeel ko kasi na may tinatago yan na kadaldalan rin. Hindi pa niya pinapakita saatin." Sabi nito at tumitig kay Gette na para bang kinikilatis ang bawat galaw niya. Habang yung isa naman ay parang hindi narinig ang pinag-usapan namin at wala lang sakanya. Pinagpatuloy pa rin nito ang pagkain niya. 

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Where stories live. Discover now