CHAPTER 29 (Missing Anklet)

24 4 0
                                    


(CAMILLA)

"Carms! Pwede bang pasama ako sa cr."- biglang sabi ni Eraizha after namin magpractice. Break namin sabi ng aming mahal na leader na si Ellesse and yes magkakasama lang naman kamin tatlo.

"Sige halika na... Si Ellese hindi mo ba yayain?" Tanong ko dito.

"Kaya nga ikaw ang niyaya ko dahil ayaw ng bruha. Pagod daw siya. Bayaan na lang natin." Irap nito kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko. Ako rin pagod rin ako sa pag practice sa dance choreo. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako nahilig sa k-pop dati. Kaasar ito pala ang mangyayari sa buhay ko naiingit ako kila Ellese at Eraizha kasi medyo marunong sila. Si Ellese nakakapagsalita ng korean samantalang k-pop fun naman si Eraizha pero hindi nakakaintindi masyado pero nakakarelate sila sa isa't isa. At isa ring dahilan kung bakit si Ellese ang ginawa naming leader dito dahil aside sa marunong ito. Magaling rin siyang magchoreo kaya hayun ang naging decision namin.

"Hintayin na lang kita dito sa labas." Sabi ko sakanya bigla naman ito tumigil sa pagpasok.

"Sigurado ka ayaw mong pumasok sa loob?" - nagtatakang sabi nito. Tumango naman ako sakanya at muling pumasok na.

Napapatingin naman ako sa mangilan-ngilan na dumaraan either papasok sa cr or lalabas. Mapababae man o lalaki. Napatingin naman ako sa kalalabas na lalaki sa cr. Napatingin rin ito saakin pero ako nakatingin sa kwintas na suot nito yung dogtag. Naalala ko tuloy nung unang icounter namin psh.. nakatalikod na ito sa gawi ko kaya nakikita ang malaya niyang paglalakad sa hallway.

"Bye the way... Thanks!" Narinig kong sabi nito. Hindi ko alam kung para sa yung sinabi niya or may kausap ba siya? Pero wala namang tao sa hallway maliban siya at ako lang ang nandun. Ano yun kinakausap niyang sarili niya? Bahala siya diyan! Nababaliw na siya. Yan siguro ang epekto ng pagiging top 1 niya. Psh....

"Hoy! Halika na.. kanina pa kita kinakausap dito" nabigla naman ako kay Eraizha ng magsalita ito. "Sino bang tinignan mo diyan? May nakikita ka bang hindi ko alam?" Takot na sabi ko.

"Oo.. may nakita akong multo kanina tapos nagsalita pa.. Ligaw na kaluluwa ata." Pabalang na sabi ko. Umirap na lang ito saakin. Hindi ko alam pero nasasanay na ako sa ugali ni Eraizha. Maldita siya kung ayaw niya ang isang tao pero pag mabait ka sakanya ganun rin siya. Unti-unti ko ng nakikilala ang mga personalities nila.

...............

"Back to the practice na girls... may ituturong step saatin si Meg. Tignan niyo kung okay lang siya. Meg, ipakita mo muna sakanila." -sabi Ellese. Pumunta naman kami sa tabi nila. Pinatugtug naman ni Ellese ang part kung saan yung naiisip ni Meg na step. Maganda naman siya. Swag ang dating.

"Bagay siya para saatin. Hindi masyadong pang girly tamang-tama lang." Sabi ng isa sa mga kamembers namin kaya napagdesisyonan na namin yun na lang. Wala ako masyadong alam sa mga ganyang sayaw na yan yun ang isa sa mga kahinaan ko.

Prinactice naman na agad namin ang yung step na nagawa. This is our 4th day sa practice.

"Bukas pupunta dito ang trainor natin para sa vocal practice natin kaya be ready."- Ellesse.

Halos lahat ng grupo late na kung matulog at minsan may mga bumabalik pa para lang magpractice. Hindi gaya ng mga naunang performance namin nakakatulog pa kami at nasubukan lang ata naming magpuyat ay mga dalawang beses lang.. pero ngayon? Halos araw-araw wala na kaming rest. Isang beses pa lang namin nasubukan na matulog ng maaga nung first day namin sa practice. Kaya alam ko na ang dahilan kung bakit nila kami binigyan ng pahinga pagkatapos ng elimination round.

"2 am na.. bukas na uli tayo magpractice kailangan nating mag rest ng kunti. Tomorrow 6am exercise tayo with other groups. Good mornight girls." - sabi ni Ellese. Nagpaalam naman na ang iba saamin pero may mga natira pa dahil sila ang incharge ngayon na maglilinis. Salitan kami kumbaga.

Naglalakad naman na kami sa hallway at may mga nakikita pa kaming practice room na nakabukas pa ang ilaw at halatang matindi ang practice. Lahat ayaw magpatalo pero paano naman yung kalusugan ng isa't isa. Nilampasan namin ang mga room na dadaanan namin kahit ng mapasilip kami sa practice room nila Gette. Sinabi lang ng mga ito na mauna kami dahil hindi pa nila masyadong naprapractice ang mga parts nila.

Katatapos ko lang magpalit ng pantulog ko. Tumingin ako sa orasan 3am na pala. Inalis ko naman ang earings at necklace ko. Aalisin ko na rin sana ang anklet sa paa ko nang mapagtanto kung wala ito dun. Hala nasan na yun!. Inisip ko naman kung saan ko yun nailagay, tumayo muli ako at hinanap sa banyo pero wala dun kaya tinignan ko sa mga silong pero wala.

Kaya nagpasya na lang akong lumabas. Baka nandun pa sa practice room or nasa hall. Nakasuot ako ng tweety bird na dress na pantulog and slippers. Dahan-dahan lang ako sa paglalakad at tinitignan ko talaga sa bawat nadadaanan ko kung nandun ba hanggang sa makarating na ako ng practice room pero wala doon ang hinahanap ko kaya. Nagpasya na rin akong bumalik sa nanlulumo ako na hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigay nila mommy kasi saakin yun at 24k gold pa yun kaya nasasayangan ako. Nagbakasali uli ako habang papuntang room ko tinitignan ko muli ang dinadaanan ko nakayuko na nga ako para lang makita ng mabuti. Hindi ko namalayang may taong huminto sa harapan ko. Nag-angat naman ako ng tingin kaya nakita kong sino yung huminto sa tapat ko. Actually dalawa sila..

"Ahm miss, ito ba yung hinahanap mo?" Inangat naman yung hawak niya.

"Oo saakin nga yan!" Biglang sabi ko. Akala ko hindi ko na ito makikita uli. Binigay naman niya saakin ito

"Bro, alis na ako.'' Sabi naman ng kasama niya kaya tumango lang yung lalaking nakapulot ng anklet ko. Nakita ko naman na binuksan nito ang isang kwarto at alam kong kwarto niya yun RM 314.

"Saan mo nga pala napulot ito?" Tanong ko sakanya. Napakamot naman ng ulo niya ito. Hindi ko alam kung bakit.

"Ah, sa may hallway.. papunta nga sana kami sa information para ibigay yan pero wala yung naka assigned dun. Kaya balat na lang sana namin na mamaya na namin ibibigay."

"Ah, ganun ba, Salamat uli kasi ikaw ang nakahanap. Importante talaga saakin ito." Sabi ko.

"Wala yun... saka hindi ka dapat magpasalamat doon sa kasama ko ka dapat magpasalamat siya ang nakapulot niyan. Binigay lang niya saakin ng mahalata namin na parang may hinahanap ka kaya nagbakasali ako..at totoo nga." Mahabang paliwanag nito. Kaya medyo nagulat naman ako. "Sige alis na ako baka may makakita pa saatin dito. Ano pang isipin.''

"Sige, salamat uli."

"Sabing wag kang magpasalamat saakin." At tuluyang pumasok na sa kwarto niya. Kaya binuksan ko na rin ang kwarto ko. Nang makapasok ako ng kwarto ko may narealize ako.

Dati akong nakapulot ng mahalagang bagay na nawala niya. Ngayon ako naman nawalan at siya mismo nakapulot nun. May ibig sabihin kaya yun? Haist!! Wag ka na ngang mag-isip ng kung anu-ano. Coincidence lang siguro yun at isa pa pala ngayon lang pumasok sa isip ko Rm. 314 siya at Rm. 315 naman ako. Ano coincidence pa ba? Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.. Ahhhhhh! Oo.. ay ewan. Basta.! Itulog ko na lang ito. Kulang lang ako sa tulog kaya kung anu-ano ang naiisip ko. 

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin