Chapter 20 (Curious)

29 3 0
                                    


(Eraizha)

Nakatingin kaming lahat kay Jhoanne habang ito naman ay parang wala sa sarili. Nakatulala lang ito sa kawalan at para bang may sariling mundo. Nag-umpisa yun kanina lang pagkagising niya. Dahil himala at siya ang nalate saamin ng gising at isang himala ulit dahil hindi ito dumadaldal.

"Ayos ka lang Jhoanne?" Nag-aalalang tanong ni Gette. Yan pang isang nag-aalala kay jhoanne. Hindi naman pala salitang babae kaya alam kung nag-aalala talaga ito.

"Huh! Ah oo.. tara kain na tayo. Wag niyo na akong pansinin. Napuyat talaga ako dahil inaral ko yung part ko kagabi. " Nauna itong sumubo sa pagkain niya. Pero tinitignan lang namin siya.Hangang sa matapos kami kumain medyo umayos na rin ang kalagayan nito dahil madaldal na uli siya. Kaya sabi ko na lang sa sarili ko gutom lang siguro.

"Girls mauna na kayo, may kunin lang ako sa room may naiwan kasi ako. Babalikan ko lang saglit. Ellese paki assist muna ang group natin ha!" Tumango naman ito kaya na una na akong maglakad. May nakasunod naman saaking staff kaya hinayaan ko na lang. Ginagawa rin naman kasi nila ang trabaho nila.

Pumasok na ako sa room namin at hinanap ko na ang dapat hanapin ko. Napatingin ako sa may veranda dahil naka bukas ito. Huh, sino naman magtatangakang pumasok dito? Wala namang nawawala sa mga gamit namin. Isasara ko na sana yung pinto ng veranda ng may nakita akong mug doon. Alam kong kay Jhoanne ito. Ba't naman hindi niya pinasok itong baso niya at may laman pa talaga. Halatang hindi niya naubos kagabi. Kinuha ko na lang ayoko ng mag-isip ng kung ano.

Paalis na sana ako ng may makita akong mga taong nagtatakbuhan. Mga staff, may kasama sila at isa sa mga participant rin dahil nakasuot siya ng uniform namin. Hindi ko maanigan kong sino pero maya-maya pa'y nakita ko na kung sino. Maraming tanong ang nasa isip ko. Tulad ng, Bakit siya aalis? May nangyari kaya sakanya? Alam kong hindi lang basta-basta problema yun dahil hindi naman siya susunduin ng helipad kung wala lang yun. Haist, ito ka nanaman pagiging- OC Usiserang babae. Wala ka dapat pakialam wala naman kayong koneksyon.

.....

"Sylvia, paki ayos mo yung pagkanta mo hindi ganyan. Medyo bagalan mo ng konti lang. Yung sa first part. Remember the first when I saw your face. Wag kang nagmamadali sige try mo." Kinanta naman niya uli pero hindi ko pa rin nito makuha.

"Ulitin mo uli." Ilang beses ko namang pinaulit sakanya hangang sa makuha na nito.

"Okay next, yung sa killing part natin. Alice, halika dito." Lumapit naman ito saakin. Mas matanda ako ng 2years sakanya. " Ako munang kakanta doon sa part ng briged tapos pumasok ka na doon sa part mo okay."

"I'm so happy so happy that you're in my life

And baby now that you're a part of me

You showed me"

(Killing part)

Showed me the true meaning of love (that your meaning of love)

And I know he loves me." Nagawa naman nito pero pinaulit ko muli.

"Pwede bang taas mo ng konti sa last part nun. Yung I know he loves me. Kaya mo bang maabot yung notes na iyon?" Sabi ko sakanya.

"Try ko po." Tumango naman ako tapos inulit namin yung part niya. Nakuha naman niya.

"Okay, magbreak muna tayo ng konti. Kung lalabas kayo by two's na lang para hindi tayo mapagalitan." Lumabas naman yung nagpaalam saakin yung iba naman hiniga na nila sa sahig. Yung iba pinapractice yung mga part nila. Tapos may mga nagkwekwentuhan naman kasama naman kami ni Ellesse, pero nakikinig lang kami sakanila.

Bumalik naman na yung dalawang lumabas na nagpalaam saakin. Nagmamadali pa silang umupo sa tabi namin.

"Alam niyo bang may kumakalat na balita. Hindi na raw babalik dito si Sage." -sabi ni Lisa.

"Siya yung rank 11 hindi ba. Anong nangyari ba't siya umalis?" -Christine.

"May nakakita sa kanya na sinundo siya kanina ng helipad. Papuntang siyudad na. Hindi rin namin alam ang ang problema. Siguro may family problem sa kanila." -lisa.

"Malamang hindi yan susundin dito kung wala problema no. Baka magbaback out na siguro siya." -Daisy. Nakikinig lang kami sa usapan nila. Sabi na nga ba siya yung nakita ko kanina.

"Tama na yan. Balik na sa practice mamaya niyo ituloy yang kwentuhan niyo." -sabi ko sakanila at sumunod naman na sila sa sinabi ko. Natapos kami ng may napala naman. Kailangan na lang ipolish ang iba. Then practice till it's perfect because I don't want to see it merely okay.

"Girls, that's all for today. Yung mga bilin ko sainyo. Please! Alalahanin ninyo."

"Yes, leader!" Sabay na sabi nila. Naiwan naman uli kami ni Ellese para mag-ayos at maglinis. Nasa iisip ko lang sa mga oras na iyon ay magpractice muli. 

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Where stories live. Discover now