CHAPTER 43( CRUSH )

21 3 0
                                    


(Jhoanne)

Nagpapalit kami ngayong ng school uniform. Ang setting kasi namin ay school. Kadalasan kasi sa school nagsisimula ang crush di ba? Kaya dito napili ng director na magshooting nahihiya pa nga kami kasi pinagtitinginan naman kami ng mga students dito kahit nasa isang International school kami. Ang ganda nga ng uniform nila parang sa mga korean drama lang na yung mga palabas tungkol sa mga kinalaman sa school ganun.

Tinali naman nila ang buhok ko at nilagyan ng light make up lang. Hangang ngayon nalulungkot parin ako dahil wala man lang ako kasama na close ko talaga si Suri ang kasama ko dito. Nakakausap naman kaming dalawa pero madalang lang feeling ko nga naiilang rin siya dahil siguro sa rank ko pero ayaw kong iparamdam yun sakanya. Kaya ako na mismo yung lumalapit sakanya pero sadyang tipid lang itong magsalita pero masasabi kong magaling siya.

ANG summary naman nitong music video namin na crush ni David Archuleta ay tungkol sa isang lalaking may gusto sa babae na hindi niya masabi in short torpe. Pero hindi mo siya masisi dahil yung gusto ba naman niya ay isang tulad kong dyosa at popular pa kaya nakakatorpe talaga yun. So back to the story, ngayon yung TORPE na yun ay sa katauhan ni Clarke Steven na not so popular daw at may kaibigan ito. GIRL BESTFRIEND to be exact si Suri na may gusto sa kanyang bestfriend rin. Ngayon naman may isa pang character doon na si Lance na Popular in short campus heartrob na matagal ng nanliligaw saakin pero hindi ko siya masagot-sagot dahil may gusto daw ako kay Steven. Alam mo yung feeling na pinapatamaan ako ng script na ito.

"Jhoanne, okay ka lang? Nagusot na yang uniform mo." Hindi ko namalayang mahigpit pala yung pagkakahawak ko dito.

"Okay lang ako Suri. Scene na ba natin?"

"Oo. Nandun na sila tayo na lang hinahanap." Tumango naman ako at sumabay na lumabas na.

Sa cafeteria ang setting namin. Maraming students, dito nakita ko naman si Lance at Steven na kinakausap si Direct kaya lumapit na kami.

"Alam niyo ng gagawin niyo ha! Ikaw naman Jhoanne kukulitin ka ni Lance pero hindi mo siya kakausapin dahil tinitignan or may hinahanap ka at alam mo na kung sino yung hahanapin mo. Okay." Tumango naman kami sa sinabi ni Direct. Kung pwede lang makikipagflirt na lang ako dito kay Lance kesa hanapin yung walang kwenta. Ang gwapo kaya ni Lance at mabait pa parati nga ako yung madalas kinakausap niya ganun rin si Suri pero halatang may gusto ito kay Suri nga. Kasi para siyang kinakabahan pagkinakausap niya ito. May pagkakamukha kasi si Suri kay IU ang bubbly ng mukha, mukhang mahiyain pa.

Nakaupo kami sa isang malaking table may kasama ako mga friends ko daw itong mga ito. Nagkwekwentuhan according to the plan pero ang totoo niyang tinatanong ko naman sila kung anong pangalan nila kaya napatawa ako sakanila. Until dumating mister popular at umupo saakin kaya bigla naman ako natahimik sa pagsasalita. Pero ang totoo niyang kinikilig ako. Yung mga friends ko naman ay panay tukso saaming dalawa. Ano ba! Kung hindi lang ito shooting kanina ko pa sila pinagpapalo dahil sa kilig pero dahil naka-on ang camera ngumiti lang ako ng tipid sakanila ayun na rin sa script at mapapatingin naman ako sa ibang bahagi ng cafeteria at makikita ang dalawang mukhang couples na kumakain. Para naman akong nasaktan dahil mukha silang tunay na nagdadate sa scene na yun nag-uusap rin sila. Kinalabit naman ako ni Lance at may sinusubo ito saakin ayaw ko namang tanggapin pero makulit siya kaya sinubo niya na yung cake saakin. Ngumiti naman ako ng bahagya sakanya pero hindi ko inaasahan na pupunasan niya yung gilid ng labi ko. Ngumiti ito saakin bago binalik ang tingin sa kinakain niya kanina. Halatang kilig naman itong mga extra na kinuha. Ano ba. Mas ako ang kinikilig eh.

"Cut! That was amazing; get ready for the next scene!"

Nag-ayos naman na kami nakipagkulitan naman ako dito sa mga bagong nakilala ko na extra sa scene. Maiingay rin sila. Naflatter pa ako dahil parati daw silang nanunuod nitong show at isa daw ako sa mga idol nila chars!. Mga grade 10 student sila kaya mas malaki ang agwat namin sa isa't isa pero kasing tangad ko na kasi kaya hindi halata na mas matanda ako sakanila.

"Ang galing niyo nga sa last performance niyo nandun kami nung time na yun kaso masyadong maraming tao kaya natabunan kami." kwento ni Sandra. Isa sa mga extra. Dahil hindi rin kami updated sa nangyayari sa labas kaya sakanila ako nakikiupdate.

" Pero mas maganda yung unang performance niyo. May picture pa nga ako oh." Sabi ni Zen at pinakita nito sa cellphone niya yung picture. Medyo malayo yung kuha niya pero malinaw itong tignan nasa pinakataas ako. nakasuot ako ng Royal blue na gown para nga kaming greek goddesses diyan. Candid lang siya na kuha habang kumakanta ako.

"Oh. Siya mga bolera talaga kayo. Sige sa susunod uli na shoot natin ha!" Nagpaalam na ako at pumunta kami sa next set namin. Sa library naman. Kasama ko yung isang staff namin galing island isa siya sa mga taga bantay namin. Pero saakin lang siya sunod ng sunod.

Pagkarating ko sakto na nagseset pa ng mga materials yung mga staff for sure medyo matagal pa yun.

"Miss Asya, alam niyo po ba kung saan yung cr nila dito na malapit?" Tanong ko sa isang staff. Sabi naman niya nasasamahan niya ako pero pinigilan ko na lang siya dahil may ginagawa pa ito. Kaya tinuro na lang nito saakin. Pagkarating ko nag cr agad ako at naghugas ng kamay may mga nagpapicture pa saakin sa loob nahihiya tuloy ako. Nagthank you naman sila saakin at ngitian ko naman sila.

"Antagal mo. Ano pang ginawa diyan sa cr?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Nakita ko naman si Steven na nakasandal sa pader. Tinignan ko naman siya ng nagtataka.

"Sino bang may sabing hintayin mo ko?" Sarcastic na sabi ko.

"Kanina ka pa hinahanap ni Direct. Sinabi ng isang staff na nandito ka kaya sinusundo na kita." Bigla naman ako nahiya doon. Hala baka magalit na si Direct saakin.

Tahimik lang kami habang naglalakad may mga nadaanan kaming grupo ng kalalakihan na bumati kaya bumati rin ako pabalik.

"Tsk! Wag mo nga silang pinapansin. Halata na ngang nagpapansin lang yung mga yun." Biglang galit na sabi nito at inakbayan ba naman ako.

"Bumabati nga alangan naman susungitan ko. Di ako pa yung nagmukhang masama nun." Pagdadahilan ko naman sakanya. Inalis ko naman ang pagkakaabay niya at naunang maglakad.

************♡♡♡**************

Nasa hallway naman kami ngayon na set. Ang gagawin maglalakad ako tapos mababangga ako ni Steven kaya mahuhulog yung mga dala kung libro pupulutin ko naman ang mga ito at tutulungan niya ako. Magugulat siya sa at magkakatitigan kami. Di ba ang shallow lang ng set.

"In 3, 2,1.....action!" -sabi ni direct.

Inayos ko naman yung nakasarang ilang buhok at nilagay sa gilid ng teynga ko. Naglakad naman ako sa hallway dala ang mga books ko at shoulder bag. Naka earphone naman ako ng may music habang naglalakad. Bigla rin naman nahulog ang earphone ko sa teynga kasabay ng pakahulog rin ng mga libro ko. Dali-dali ko namang pinulot ang mga libro na nahulog at seryoso lang naginagawa ito medyo naiinis rin ako dahil masakit yung pagkakabungo talaga saakin. Nakita ko naman yung may sarili kaya medyo naiinis ako gusto ko tuloy siyang suntukin.

" Cut!!!Cut!" Biglang sigaw ni Direct kaya napahinto naman kaming lahat. May mali ba doon. "Jhoanne. Di ba tinuro ko na yung gagawin. Ano yung ginawa mo kanina? Mukha mo nang papatayin si Clark niyan. Lagayan mo naman kunting pagmamahal sa part na yan di ba may gusto ka sakanya. Again!" Sabi nito bumalik naman ako sa pwesto namin.

"Yan lagyan mo kasi ng pagmamahal." Asar nito kaya inirapan ko lang siya. Syempre ikaw ba naman kapag may nakabungo sainyo natural na ganun ang magiging reation mo gusto mong patayin, Infairness ang tigas ng katawan niya. At kelan ko pa pinagpantasyahan yung katawan ng lalaking yun.

Huminga na lang ako ng malalim at kinalma ang sarili. Inulit namin muli yung scene mag-iisip na lang ako ng magandang nangyari. Bigla ko namang naalala yung first incounter rin naming dalawa pinakilala lang ako ng mga kaibigan ko sakanya kaya medyo nahihiya ako dahil isa siya sa popular sa school nun. At nagkaroon talaga ako ng paghangang mula nun sakanya.

"Sorry, Hindi ko sinasadya." Maikling sabi nito tumango naman ako sakanya at bahagyang ngumiti yung hindi pilit.

"Halika tulungan na kita sa dala mo." Kinuka naman nito ang mga libro na bitbit ko kanina at sabay kaming naglakad. Dati kapag sinasabi niyang bitbitin niya na ang mga dala ko hindi ako pumapayag kasi may dala rin naman siya at hindi kasi ako sanay na pinag-uusapan sa school nun. Natapos lahat namin ang kailangan tapusin masaya kaming lahat dahil successful naman ito. Sana magustuhan rin ng mga viewers. 

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora