Chapter 47 (PRACTICE)

31 2 0
                                    

(Camilla)

Nandito kami ni Maze sa practice room habang nakikinig sa trainor namin, si Trainor Greg. Siya ang magiging trainor namin sa hangang sa huling practice namin. Siya rin ang naghati ng part naming dalawa ni Maze.

"Kailangan mamemorize niyo agad itong mga part niyo para mairecord na natin. Okay." Sabi nito. First practice namin ngayon at kailangan lalo pa kaming maghandang mabuti.

"Siguro naman familiar na kayo sa kakantahin dahil ito ang pinili niyong kakantahin para sa finals." Tumango naman kami dalawa bilang pagsang-ayon. "Maiwan ko muna kayong dalawa, pag-usapan niyo kung anong strategy or pwedeng maidagdag para mas maging lively ang kanta niyo. You already have chemistry between the two of you, so think about how to show that to your fans." Hindi na lang ako nagreact sa sinabi ni Trainor Greg. Dahil baka iba na naman ang ibig sabihing chemistry sakanya.

"Here, we should not be ackward to one another thus for the purpose of performance we need to give our best effort." Sabi ko sakanya. Tahimik lang siyang nakatingin at para na aamaze pa ito sa akin kaya medyo naiinis ako.

"Talaga, for the sake of the show" sabi nito with a mocking tone pa.

"Syempre, ano pa bang pwede nating pag-usapan?"

"Well, saakin kasi ang gusto ko. Kung gusto mong dapat hindi tayo ackward sa isa't isa dapat may alam rin tayo tungkol sa isa't isa. We should get to know each other first." Sabi nito habang hindi inaalis ang mata niya. Akala niya naman maiilang ako sakanya.

"Ah, you mean parang friends. Getting to know each other ganun ba." Sabi ko sakanya at pinagcross ang kamay papunta sa dibdib ko. Medyo kumunot naman ang noo niya pero bigla rin itong nawala.

"Yah. Parang ganun nga." Flat na tono nito. Tumango naman ako.

"Okay. Pero saka na lang yun. Mag-isip tayo ng magandang concept natin sa finals muna." Sabi ko.

"Ano bang gusto mong concept na gagawin natin?" Tanong naman nito. Nag-isip naman ako at tumingin pa sa siling.

"Ahm. Naisip ko paano kung nakacostume rin tayo ng pangcowboy at cowgirl tulad ng sa music video." Nakangiting sabi ko sakanya hindi naman ito agad nakareact kaya inisnap ko ito damit ang daliri ko. "Ano? Ikaw anong naiisip mo?"

"Maganda. Okay na yun. " sabi nito.

"Ikaw, Anong naisip mo? Sabi ko mag-isip ka."

"Ba't pa ako mag-iisip. May naisip ka naman na.. yun na."

"Paano kung maganda yung naisip mo rin?"

"Wala akong maisip."

"Ang tamad mo ring mag-isip no."

"Yun na nga lang. Dagdagan na lang natin kung anong magandang background natin. Saka hindi naman importante yang mga props or anything na yan, kung hindi natin gagalingan, wala rin." Tumango na lang ako para hindi na kami mag-away. Prinactice naman naming dalawa yung parts namin wala kaming sinayang na oras. Yung sa dance choreo kaunti lang dahil ang priority ang singing talaga.

Umupo naman ako sa sofa ng mapagod ako. Nakita ko naman si Maze na nakahiga ito sa sahig at walang pakialam. Hindi pa rin bumabalik si Trainor Greg. Hindi ko tuloy alam kung pwedeng lumabas. Pinatugtug ko naman ang song nakakantahin hangang sa mamemorize ko ito.

Bigla naman gumising si Maze sa pagkakahiga nito at lumapit saakin. Dala ko naman ang lyrics ng kanta at kinuha niya ito at tumabi saakin.

"Ulitin mo uli yung kanta." Tumango naman ako. At inulit ang kanta sumabay naman ako pero itinigil niya rin ito.

"Lagyan mo ng kunting angas. Masyadong bubbly yung pagkanta mo. Yung tulad nung nag-audition ka." Sabi nito. Nakatingin lang ako sakanya.

"Nandun ka nung audition ko?" Tanong ko naman. Buti at naalala niya. Ako nga hindi ko namaalala kung walang magpapaalala.

"Bilisan mo na. Gawin mo na lang yung pinapagawa ko." Siya naman na ang nag-ulit ng kanta kaya sinununod ko na lang yung sinabi niya. Sinabayan naman ako nito at ilang ulit namin muling prinactice yun.

"Maganda yang ginagawa niyo dapat hindi ackward sa isa't isa." Nagulat naman kami ng may nagsalita at nakita namin ang trainor namin. May dala itong bottled water syempre hindi yun malamig baka mamalat kami sa pagkanta. Hindi naman namin namalayan na maghahating gabi na pala.

"Kailangan niyo nang kumain rin. Bukas na uli. Para sa recording niyo sa Wednesday ang sched. Niyo kaya dapat memorize niyo na para sa dance choreo na tayo. May mga choreographer at back up dancer kayong makakasama." Tumango naman kami at nag-ayos na ng gamit kinuha ko naman yung phone ko. Sabay na kaming naglakad ni Maze at walang nagsasalita pa rin saaming dalawa.

"Satingin ko nagkapalitan tayo ng phone." Biglang sabi nito kaya tumingin naman ako sa hawak ko at binuksan ito. Tama nga siya.

"Sorry. Hindi ko na nacheck." Nagpalitan naman kaming dalawa.

"So. Ang wallpaper nmo pala yung nakawedding dress ka sa music video natin." Nakangising sabi nito.

"What! Wala namang masama doon. Ang ganda kaya ng pag-edit dito." Pinakita ko pa sakanya yung picture kinuha ko ito dun sa kinuhang photographer na nagpicture saakin. Iyon yung time na gown ako na feeling ko ikakasal talaga ako. Bigla namang nanlaki ang mata ko dahil may narealize ako.

"Bakit ikaw! Yun rin ang wallpaper mo sa cellphone. Yung sa kasal natin." Biglang sabi ko kaya lalo itong napangisi.

"Ano kasal NATIN?" nakangising tukso nito kaya bigla ko namang narealize yung sinabi ko.

"I mean yung kasal sa music video natin."

"Psh. Wag mo nang bawiin feel na rin na ako ang groom mo di ba." Pagtutukso nito.

"Hindi noh! Ang kapal, Pwedeng nagkamali lang ha! Ha!"

"Wag mo na kasing ideny. Ako nga feel ko nun eh. Pinadala ko pa nga sa Mama ko yung picture natin nung kasal kaya nagulat siya na kasal na ako. Hahahaha." Natutuwang sabi nito

"Baliw ka talaga.. Anong sinabi niya sa frank mo?"

"Huh? Hindi yun frank. Sabi niya ipakilala daw kita." Tumakbo naman ito papasok sa resto. Kaya hinabol ko siya papasok.

"Hoy! Bawiin mo yung sinabi mo sa mommy mo!" Napagod naman ako kakahabol kaya naglakad na lang ako. Siraulo rin ang isang yun. 

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Where stories live. Discover now