CHAPTER 11 (Shopping)

48 4 0
                                    

(Gette)

Tinangal ko ang earphone ng may narinig akong kumakatok sa labas. Alam kong hindi yan ang karoommate ko dahil may sarili naman siya spare key unless nakalimutan niya. Binuksan ko naman ang pinto para makita kung sino yung mga kumatok or should I say mga kumatok. It's been 4 days na nakakasama ko na sila at ngayon lang nila ako napuntahan sa kwarto ko.

"Paano niyo nalaman ang room ko?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"I have my source you know. Ito naman joke lang tinanong ko doon sa roommate mo. Infairness medyo mabait yung roommate mo hindi gaya namin." Sabi ni Era.

"Correct . Ikaw lang atang hindi umaapproach sakanya. Natatakot ata sayo." Sabi naman ni Jhoanne.

"So tara na, alam ko may activities uli tayo."-Jhoanne

"Duh! Parati naman hindi na mawawala yun in the first place yun naman talaga ang role ng production na ito. Tara, excited na ako." Sabi naman ni Era. Pero halatang sarcastic ang pagkakasabi nito na excited siya.

Nga pala sa four days namin dito ang daming activities na pinagawa saamin lalo na nung second day. Hindi talaga sila nagbiro nang sabihin nilang enjoy namin ang gabi yun dahil kinabukasan doon namin talaga nakita kung anong ipinunta naming lahat dito. Hindi ang magbakasyon.

Nang mga sumunod naman na araw ay puro vocal lesson na rin ang ginagawa namin. Tinitignan siguro nila kung saan kami pwedeng ilagay. Wala pa naman kaming official grouping or kung meron man. Basta andaming kaartehan ng production na ito. Pagkapasok namin sa function hall nagkanya-kanya na kami dahil hindi naman kami magkakatabi. Kung ano kasi ang seating arrangement namin nung bago kami mapunta dito ay hanggang yun pa rin ang bases. Saka na lang daw ang official ranking.

"Goodmorning everyone!!!" Energetic na sabi ng Host na si Miss Riesse. Binati rin namin siya pabalik. "Ayan mukhang gutom na kayo But today I have some crucial announcements to make to all of you before you have breakfast. We've been here four days now, kaya bago tayo makababa ng cruise ship na ito we will have your initial ranking. Magbabase ang production na ito base sa mga performance niyo noong nakaraang mga activities and to your audition. Wag kayong mag-alala dahil hindi pa kasama ang online voting doon. Mga judges lang ang nagdecide nun. So kung ano man ang naging rank niyo. Kung nasa mababa man kayo wag agad kayong panghihinayangan okay. Pwede pa kayo bumawi lalo na sa talagang big event natin. Pero kung ikaw naman ay nasa mataas na position gusto niyo bang kunin na lang basta-basta ang trono niyo? Kaya dapat wag rin kayong pakakampante kung sino man ang nasa may mataas na rank."

"Bukas ang huling araw natin dito sa barko meaning ito rin ang huling activities niyo SA NGAYON. Dahil pagbaba muli natin, dun niyo na talaga mafefeel ang tinatawag na survival show na ito. So for today magkakaroon pa rin kayo ng vocal lesson and instrument lesson naman ang madadagdag pero mamayang after lunch. Yung mga hindi niyo alam na instrument ituturo sainyo. Dahil ayaw naming magfofocus lang kayo kung anong gusto niyong tugtuging instrumento. Then for the this evening, we will have a party. Gusto niyo ba yun?" Sabi ng Host kaya nagsigawan naman ang lahat.

"Alright. Don't worry sa mga hindi na kapag shopping noong nakaraan bibigyan namin kayo ng time. Siguro pagkatapos nang lesson niyo today. So that's all; you may eat your breakfast and then go to your scheduled lesson." Umalis na ito kaya nagtayuan na rin kami.

"Parang may nakalimutang pang sabihin si Miss Riesse kanina. Di ba?" Sabi ni Era. Hindi ko namalayang katabi ko na pala itong mga ito.

"Kaya nga. Baka nakalimutan niyang sabihin na. Hindi lang party ang magaganap mamaya. Alam mo naman mahilig sila sa mga surprise dito. Ano kaya ang activities uli mamaya?" Sabi naman ni Jhoanne.

......................

"Wah! After 6 months ngayon uli ako magmomall. Kayo ba girls?" Sabi ni Era.

"Ha? Ako window shopping lang ako. Wala naman kasi akong pambili ng ganitong klaseng mamahiling damit." - Jhoanne. Nandito kasi kami ngayon sa mall ng cruise. Alam mo yung kung gaano kamahal sa mall ng mga bilihin para 3x ata dito kamahal ganun yun. Kaya kawawa kaming mahihirap talaga.

"Ako? Ukay lang ako." Nasabi ko sakanila.

"Ay, true! Mas mura doon may mga makikita ka rin kasing magaganda doon." -jhoanne.

"Ganun ba, sige pag natapos itong show dapat may bonding pa rin tayo. Gusto ko rin maranasan yang sinasabi niyo." -Era, haist mga mayayaman talaga buti pa sila hindi na iniisip yung pera. "Yan, dahil friends na tayong tatlo. Ililibre ko na lang kayo ng dress dito. Yun lang muna ha kasi medyo maliit na pera na nadala ko."

"Ano ka ba Eraizha, wag na, ayos lang yun may damit rin naman kaming dala noh." -Jhoanne.

"Hindi! Kailangan maganda tayo na pumunta doon tatalbugan natin yung mga nagmamaganda dito. Lalo na yung Denisse na yun akala niya. Haist kumukulo ang dugo sakanya. Akala mo naman. Maganda na sana pangit naman ugali." Sabi ni Era, yung tinutukoy niya ay yung karoommate niya.

"Akala ko ako ang magiging pala away dito. Ikaw pala. Mas worse ka saakin. Ako nga hindi ko na lang pinapansin basta wag na niya akong guguluhin dahil hindi niya magugustuhan kung anong gagawin ko sakanya." -Jhoanne

"Talaga, wag niya rin akong guguluhin. Pero kung wala lang rules dito kanina ko pa yun sinabunutan. Paano pa't halos ang role ko sa mga palabas kontrabida pwes makikita nila kung paano ako maging kontrabida sa totoong buhay." -Era

"Taray naman. Di ikaw ng artista. Hahahahaha. Tara na nga sasamahan ka na lang naming mamili ng dress mo." Sabi ko sakanya. Pumasok naman na kami sa isa sa mga store dito.

Halos mag-iisang oras na pero wala pa ring napipili si Eraizha ng idadamit niya at pang apat na store nanamin ito buti na lang yung ibang participant ay nasa kanya-kanyang room na ata yung iba naman nakikita ring naming namimili. May nakita naman akong backless na above the knee siya na dress color black ito satingin ko bagay naman sakanya ito. Maputi naman kasi siya artista nga alagang alaga ang skin.

"Era, try mo to mukhang bagay sayo." - tumingin naman saakin tapos tinignan ang dala tapos tumingin uli saakin.

"Wow! Infairness marunong ka rin palang pumili ng mga babagay na gown akala ko sa jeans at t-shirt ka lang mahilig."-Era

"Ang dami mong sinabi isukat mo na lang." Kinuha naman niya tapos pumasok na sa fitting room. Lumapit naman si Jhoanne saakin at may dala rin itong gown.

"Nasan na si Era? May napili kasi ako ipapakita ko, baka gusto rin niya."

"May sinusukat pa. Hintayin mo na lang." Umupo na lang kami sa sofa habang hinihintay siya. Maya-maya lumabas naman na siya suot yung napili ko.

"Wow, ang ganda naman yang napili mo. Tapos ipapakita ko rin sana itong napili ko para sayo." -jhoanne

"Si Gette ang pumili nito. Ito ng kukunin ko. Ikaw yan na lang kukunin mo?" -Era

"Hindi no!.. ang mahal nito." -jhoanne

"Di ba sabi ko libre ko na."

"Ano kaba wag na marami akong damit na dinala dito. Maghahanap na lang ako."

"Sigurado ka? Ikaw Gette?"

"Sorry hindi ko rin tatagapin yung alok mo. Okay na rin saakin meron rin akong damit doon."

"Psh, alam niyo ang dali niyo na agad mabasa kahit kaunti lang yung time na magkakasama tayo. Paano naman kayo makakapagdala ng dress aber. Halos magkaparehas kayo ng taste na dalawa. Mga mahilig sa jeans at shirt. Ewan ko sainyo. Ganito na lang hindi ko na lang kayo ibibilihan pero pahihiramin ko na lang kayo. Okay na ba yun? Alam niyo medyo hindi pa kayo sanay sa ugali ko pero ganito talaga ako mapilit ako." Tumango na lang kaming dalawa ni Jhoanne kasi sa totoo lang rin nang-aalanganin rin ako dahil tulad ng sabi niya hindi naman ako mahilig sa ganyang mga damit at ganun rin si Jhoanne. Okay na rin yun kesa igagastusan niya pa kami isang gabi lang naman naming gagamitin.

*************


BATTLE FOR THE FAME (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu