FAME (PROLOGUE)

157 9 7
                                    

1st Prospect

Malapit na ako sa aking pagtulog ng biglang na lamang akong nakarinig ng sigaw na nagaling sa labas. Dali-dali akong lumabas para makita kung sino ang sumigaw. Doon ko natagpuan ang kaibigan ko na nasa sala at nakatutok sa kanyang laptop na tila walang nangyari at patuloy pa rin ito sa pag scroll ng kung ano sa laptop nito. Tinignan ko lang ang ginagawa niya, habang papalapit ako sa kanya ay mukhang mas importate ang ginagawa at hindi man lang niya namalayang nakalapit ako sakanya.

"Ano ba yang pinagkakabalahan mo at gabing-gabi na nambubulabog ka pa ng natutulog buti na lang hindi nagising sila tito at tita." Sabi ko rito pero hindi niya ako pinansin. Kaya na pataas kilay ko sakanya dahil hindi ito umimik at para bang kilig na kilig pa ito sa tinitignan niya.

"Hoy! Babaita kinakausap kita nakinig ka ba!" medyo napalakas na sabi ko rito.

"Oh! Nandiyan ka pala Jhoanne ..Bakit gising ka pa?" sabi nito at binalik ang tingin sa laptop nito. I just rolled my eyes to her pero hindi niya nakita yun. Gusto talaga niya akong tanungin ng katangahan tanong.

"Baka lang kasi sumigaw ka at nambulabog ng natutulog noh! Sakalin kita diyan eh!" In a sarcastic tone.

"Ay sorry naman.. ito kasing nakita kung kumakalat sa social media." Nagpause pa ito ng pabitin effect tas impit ng tumili nanaman kaya umirap nanaman ako sakanya. Basta ang pangit ng itsura niya parang natatae na ewan. "may season 4 na ang the Fame" at ngumiti ito, tinignan ko naman siya ng pagkabagok.

"Yun lang... matulog ka na nga maaga pa tayong papasok bukas." Sabi ko dito. Bigla naman ito nanlaki ang mata na para bang may mali akong nasabi.

"My gosh! Hindi mo ba alam ang THE FAME." Medyo lumakas rin ang boses niya.

"Ahm...Korean novella ba yun?" sabi ko bigla naman itong napasinghap sa sinabi ko.

"Babaita.. Search for new BOY/GIRLgroup yun... naka-apat na season na yun hindi mo alam kong ano pa rin yun... sikat na sikat sa buong bansa at sa iba pang mga bansa tapos ikaw na malapit hindi mo kilala." Pagsesermon nito saakin para bang malaking kasalanan na hindi ko kilala ang tinutukoy nito. "Palibhasa nakastock ka pa rin sa mga nakaraang pang kanta try mo minsan makinig ng mga bago."

"Hoy walang ginagawa sayo yung mga nakaraan kanta.. tsaka ang ganda kayang pakinggan. Ang lamig pa sa teynga hindi tulad ngayon ang ingay masakit sa teynga." Umalis na ako dun, dahil walang kwenta rin pala yung tinutukoy niya. Ang hindi ko alam isang araw na nasama na pala ako dun.

>>>>

2nd Prospect

"Ok, one last song na lang girls!" sigaw ng isa sa kaband mate ko. Nasa isang sikat na bistro kami ngayon at tumutugtog part time lang ng iba saamin, pero ako? hindi, may kaya naman ako. Hindi ko na kailangang pang tumugtog pero dahil ito ang gusto ko kaya kahit labag sa kalooban ng mga parents ko sinusuway ko sila. Kumbaga tumatakas lang ako para magpunta dito. Pagkatapos naming tumugtog pumalakpak ang mga tao at rerequest pa uli sila pero dahil limited lang ang kanta namin, hindi naman namin sila mapabibigyan dahil dagdag uli yun sa papabayad ng may-ari nitong bistro.

Ok lang naman saakin na tumugtog uli kami kahit walang bayad na pero inisip ko rin ang mga kasama ko at hindi naman ako yung kumakanta. kaya hindi ako makakapagreklamo isa lamang akong drummer ng grupong ito. Isang taon na rin kaming tumutugtog.

"That's all for tonight; thank you." Sabi ng vocalist namin at isa-isa na kaming nagsibabaan ng ministage.

"Good job girls,, next Friday uli." Sabi ng may-ari ng bistro saamin habang sinasalubong kami nito pababa. "Kumain muna kayo.. pinaghanda ko kayo ng pagkain sa may VIP area." Sabi nito at tinuro nito kung saan pumunta naman kami sa sinabi nito. Nagsiupuan naman kami sa mahabang sofa. Kumuha lang ako ng ice tea at ininom iyon .

BATTLE FOR THE FAME (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें