CHAPTER 15 (WELCOME TO ISLAND)

35 3 0
                                    


(GETTE)

"Gette, hinahanap ka ng mga kasama mo." Kinatok ako ng karoommate ko sa kwato. Ngayon na ang alis at papunta na kaming private island resort daw, yun ang sabi ng mga kasama namin, doon na magstay hanggang kung sino raw ang matitira.

"Sige. Pakisabi inaayos ko lang yung mga bagahe ko." Nilinis ko naman yung mga kalat sa kwarto bago ako umalis at sinara ang pinto.

Nakita ko naman silang nakatayong apat sa labas at dala-dala ang mga bagahe nila at hulaan niyo kung sino ang pinakamaraming dalang bagahe? No other than Eraizha na may tatlong maleta at isang handbag di sya ng maraming dala. Ako dalawa lang malay ko ba kung panandalian lang ako dito. May isang bell boy ang nasa likuran nito. Buti na lang.

"Napagod ata ang Rock star princess natin. Nalate ng gising eh." - tukso naman ni Jhoanne.

"Wag kang ganyan. Pagnabad trip yan lagot tayo." - Carmella. Hindi ko na sila pinapansin at nauna na ako sa kanila. Narinig ko naman natutuksuhan sa isa't isa.

Hi Gette!

Morning Gette!

Ang galing mo kagabi Gette.

Ilan yan sa mga naririnig ko habang naglalakad ng hallway. Ngumingiti lang ako pero sa totoo nahihiya na ako.

"Wow, famous na si Gette. Pa autograph na tayo baka marami ng pumila mamaya." Tukso naman ni Ellese.

"Tse, ewan ko sainyo, mga baliw." Sabi ko at umalis na. hinabol naman nila ako.

"Pero alam mo Gette, hindi ako magtataka kung makasama ka sa rank 5 mamaya kapag i-aanounce yung official ranking. " - biglang sabi ni Camilla saakin. Hindi ko namalayang katabi ko na pala itong mga to.

"Hindi rin, kagabi lang naman ako napunta sa lime light. Noong mga nakaraang activities naman natin hindi naman ako nasasama." Sabi ko.

"Haist, pahumble kainis. Pero kahit ganun bilib pa rin pa rin kami sayo. Buti na lang tayo ang nakakuha ng points na yun. Akala ko wala na tayong pag-asa, paano ba naman nakuha na nila yung points sa mini concert battle sayang rin yun na point kung hindi ba naman nagsasapawan yung mga girls sa atin baka may pag-asa pa na makuha rin natin yun." - sabi naman ni Ellese.

"Deserve natin yun. Lahat naman may contribution hindi lang naman ako yung gumalaw."

"Bilisan natin nasa baba na ata silang lahat." -jhoanne. Nakita naman namin na nasa baba na nga ang halos lahat ng participant nakababa na ng cruise. May tatlong bus naman na nasa likuran nila. Yun na ata ang sasakyan namin papuntang resort. Medyo malayo raw iyon mga 45mins ang byahe ang sabi nila.

Sumakay naman na kaming bus ng macheck nilang complete na kami. 120 kaming mga participants kaya sa tingin ko kasya na kami sa 3 bus na yan kung hindi naman may van pa naman.

"Tara na, baka maubusan tayo ng mauupuan ayaw ko pa naman sa van. -sabi Eraizha.

"Yun nga yung sasabihin ko wala na tayong upuan. Nakakuha raw sila kanina ng no. Seat nila naubusan na kaya wala na tayong choice isa tayo sa mga magvavan." - sabi Jhoanne siya kasi ang naunang bumaba ng cruise kaya alam niya rin ang nangyari.

"Hindi pwede, masikip sa van ayaw ko, hindi ako makakagalaw ng maayos doon." - reklamo uli ni Era. Nakita naman naming paalis ang mga bus at isang van. Meaning iisang van na lang ang natitira at hihintayin namin yun. May mga kasama naman kami kaso yung crew na lang. Binabantayan kami. May siyam ng seatter ang pwede sa likod at isa kami sa mauupong lima doon meaning may apat na hinihintay or kami na lang talaga ang hinihintay?

BATTLE FOR THE FAME (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin