Chapter 32 (Catch me if you can)

22 3 0
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


(Ellese)

Nakaupo lang kami habang nanunuod sa monitor ng nangyayari. Nakita naman namin ang group nila Jhoanne and Gette na iniinterview. Hangang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang surprise namin kay jhoanne. Actually may naunang nagsabi talaga ng birthday niya saakin. Sinabi rin ng production yun saamin pero may mas naunang nakapagsabi nun. Hindi ko alam na magkakilala pala sila ni Jhoanne at kung titignan kasi kahit hindi pwedeng mag-usap ang boys at girls di ba dapat may pakialam ka pa rin sakanya. Pero sakanya hindi namin yun nahalata. Kahit kapag nagkakasalubungan kami sa hallway titignan ko ang reaction ni Jhoanne pero parang wala lang saakanya para bang never talaga silang nagkakilala. Pero makikita ko doon sa lalaki, hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin para kasing nasasaktan siya dahil hindi man lang siya masulyapan ni Jhoanne. Naalala ko nun nang kinausap niya ako.

Flashback

Naglalakad akong mag-isa at papunta ako ng cr. May mga nakita naman ako nakakasabayan kong naglalakad. Pagkatapos kong mag cr palabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat naman ako dahil sa nakita ko, anong ginagawa ng mga lalaking ito dito?

"Anong ginagawa niyo dito? Alam niyo naman siguro na cr ito ng girls." pagsisita ko sakanila. Nakatingin ako ng masama kay Wyn at meron siyang kasama, kilala ko rin siya dahil nasa top 10 rin siya.

"May gusto kasing sabihin itong kasama ko sayo." Sabi ni Wyn. Napataas naman ang kilay ko sakanya at tumingin sa kasama niya. Kinikilatis kong mabuti ito. Ano kayang kailangan niya at sigurado akong hindi ko siya kilala, bakit gusto niya akong makausap?

"Anong sasabihin mo? Paki bilis baka may makakita saatin dito malalagot pa tayo." Boring na sabi ko.

"About Jhoanne," napataas naman ulit ang kilay ko sakanya at tinitigan ko siyang maigi, alam kong sikat na si Jhoanne pero parang iba yung pagkakasabi niya. "Next week. tuesday, Birthday niya. Do you have any plans with her." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Actually hindi naman namin napag-usapan yung mga ganyan. Dahil hindi pa naman kami ganun magkakaclose pa. Pero hindi ko expect na alam niya ang birthday ni Jhoanne.

"In fact hindi ko alam but thanks for the info's." Tumango naman siya. "Wala na ba kayong sasabihin?" Dagdag ko. Umiling naman na ito at lumabas na. May gusto sana akong tanungin. Kung kaanu-ano niya si Jhoanne pero pinalagpas ko na lang. Then diyan na nag-start ang observation ko about jhoanne and him. Yun nga nakikita ko kay jhoanne parang hindi importante sakanya si Steven. Pero si Steven iba ang sinasabi ng mga mata nito kaya hinayaan ko na lang. I don't want to meddle with their private matters.

Nabalik naman ako sa pagmumuni ko ng makitang mag-start ng magperform sila Gette. Infairness mas mahirap ang napunta sakanila. Nakita na namin ang practice nila dati pero mas umangat at gumanda ngayon. Talagang lahat nag-effort sa pag-aaral ng language ng ibang bansa at pati diction and pronouns nito ay gayang-gaya nila. Lalong nag-improve si Jhoanne dahil mukhang motivate ito.

BATTLE FOR THE FAME (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن