Epilogue

381 10 29
                                    







Epilogue

Nakangiting pinagmamasdan ni Sehun ang kabuuan ng labas ng mansion niya. Full of flowering plants and large type of coconut trees completed the sight. It was mesmerizing. Nakakaginhawa para kay Sehun ang dala ng paligid lalo na at sumasayaw ang mga ito sa himig ng hangin. Nakahawak siya sa railings. Suot ang isang white v-neck t-shirt at brown khaki shorts, ngumiti siya sa batang papalapit sa kanya. Hindi na siya nakapaghintay at agad niya itong pinuntahan bago pa man makarating ito sa kinaroroonan niya.

"Tito Sehun!" Sigaw ni Chanmuel at nagpabuhat sa kanya. Hinawakang mabuti ni Sehun ang bata at hinalikan ito sa pisngi.

"Hello, big boy! Kumusta ka naman?" Bati ni Sehun habang nakangiting pinisil ang matabang pisngi ng pamangkin.

"Okay naman po. Nagpasyal po kami ni mama sa mall. Tingnan niyo mamaya si mama, may dalang maraming foods! Masarap po mga iyon!" Maligayang saad ng bata at bumaling sa pinagtakbuhan niya. Tumingin doon si Sehun at nakita niya ang nakangiting Baekhyun na papalapit sa kanya habang sa kaliwang kamay ay isang pulang supot na malaki. May tatak itong malaking R. Kumaway ito kay Sehun at lumapit sa kanila. Nang nakalapit ay magsasalita sana ng pagbati si Baekhyun nang biglang may malalim na boses ang narinig sa likuran.

"Baekhyun!"

Natigil si Baekhyun at ngumuso. Pansin ni Sehun ang pagkakainis sa mukha ng pinsan at natawa siya nang umirap ito bago bumaling sa papalapit sa kanilang lalaki.

"What?" Galit na tanong ni Baekhyun sa binatang kaharap niya ngayon. Mas matangkad ito kay Sehun... Gaya ng dati. Ngumiti si Sehun sa lalaki. Ganun naman ang ginawa ng lalaki sa kanya. Sa magkabilang kamay ng lalaki ay apat na naglalakihang mga supot na parehong brand din ang plastik nito.

"Huwag ka namang magalit, babe. Heto na nga, o. Hindi mo ko hinintay," maamong paliwanag ni Chanyeol at mas lumapit pa sa maliit na lalaki. Kunot ang noo ni Baekhyun at hindi niya alam kung ano ba dapat ang gagawin niya. Nang bumaba ang ulo nito para nakapantay siya at ngumuso si Chanyeol sa harap niya mismo ay lumakas ang tibok ng kanyang puso. Umiwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay baka bigla siyang hindi na galit sa lalaki. Huh, hindi pwede! Baka nakakalimutan ng taong ito kung anong panlalandi ang ginawa nito sa mall. Akala niya, ah? Pwes, maghihirap siya.

Umiling si Sehun at ibinaba si Chanmuel. Ayaw pa sana nang bata ngunit bumulong siya rito, "pagbatiin mo mama at papa mo. Galit na naman si mama mo. Sige na, tulungan mo si papa maghanda para kay mama Baek." Pumayag naman ang bata at ito pa ang nagpilit bumaba na. Huminga siya ng malalim at lumapit na ito sa dalawang nag-uusap.

"Tulungan na kita, Chan."

Hahawakan sana ni Sehun ang nasa kanang kamay ni Chanyeol na plastik pero tinampal ni Baekhyun ang braso niya. "Aray!"

Pinandilatan siya ni Baekhyun. "Subukan mong tulungan siya at bahala kang maghanda ngayon."

Kumunot ang noo ni Sehun. Bakit na naman? Ano na namang nangyari at galit ang pinsan niya? Bumaling siya kay Chanyeol at nagkibit-balikat ito. Ngunit kapansin-pansin ang maliit na ngiti nito sa mapulang labi. Na-gets agad ito ng binata at nangingising umiling. Humarap siya kay Baekhyun at yumuko para kunin ang plastik.

"Ikaw na lang ang tutulungan ko kung ganun. Halina kayo at pumasok na. I think it's gonna rain," ani niya at tinawag na niya si Chanmuel. Pagbukas niya sa pinto ay tumingin siya sa kalangitang nandidilim. Ngumuso siya at nag-aalalang baka hindi niya siya mapuntahan.

Sa loob ng eroplano, kinakabahang tumingin si Luhan sa bintana. Wala pa siyang nakikita at puro tubig lang at langit ngunit hindi maalis sa sistema niya ang kaisipang papalpak siya sa misyon niya ngayon. Pilit niyang kinalma ang sarili at pumikit ng mariin. Tila mantra niyang binanggit ang mga katagang, "Calm down, Luhan." Sa pang-walong beses ay kinagat niya ang kanyang labi at huminga ng malalim.

HUNHAN: That New Guy!Where stories live. Discover now