Chapter 12

572 32 20
                                    




Pinagmasdan ni Luhan ang tanawin na nasa kanyang harapan. Ang buong city ng North. Lumakas ang hawi ng hangin sa kanyang buhok kaya napahawak siya rito para bawiin ito sa pagsabay sa hangin. Dapit-hapon na subalit hindi man lang iyon napansin ni Luhan. Nasa rooftop siya ngayon ng hospital na kinalalagyan niya. Nagpapahangin. Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa utak niya ngayon. Marami. Sobrang gulo. Gusto niyang magtanong pero ano nga ba ang maaaring mahihinatnan kung makakuha man siya ng sagot? Hindi niya alam. Natatakot siya. At mas lalong hindi niya naiintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman.

Umalis kanina si Sehun. Before he can walk out of the door, he stared at Luhan with those sad fear eyes with a sad emotion. Natigilan pa nga ito at parang may sasabihin ngunit mas pinili na lamang niyang nginitian siya ng maliit at umalis na, sinundan ang babaeng naghahanap kay Baekhyun at ang anak nitong lalaki.

Anak...

Biglang napahawak si luhan sa kanyang tiyan. Dahan-dahan na hinimas niya ito at pinakiramdaman. Parang may nasa loob na ito dati. Nararamdaman niya subalit imposible. Paano naman magkakaanak ang isang lalaki hindi ba? May lawit sila, hindi kung anumang tawag dun kung saan lumalabas ang bata. Atsaka,

Natigilan si Luhan sa iniisip. Maya-maya pa'y may isang alaala ang nagunita ng kanyang utak.

"Yeah, moan my name, sweetheart. You are mine. Mine now."

"I love you, again, Luhan,"

"I'm yours, MRs. OH."

Pumikit ng mariin si Luhan at biglang uminit ang kanyang mukha. Bakit? Bakit niya naalala iyon? Ano ba ang dahilan kung bakit may mga alaalang pilit bumabalik? Tama na ang kalokohan na ito. Hindi niya dapat naalala ang mga bagay na iyon. Iba ang noon. Heto na ang sitwasyon ngayon. Iba na ang takbo ng buhay nilang dalawa. Siya, ang dahilan kung bakit nandito siya sa syudad na ito, ay dapat namamahala sa proyekto na nangyayari ngayon. Si Sehun

Si Sehun...

May anak na siya. At...

Anak nilang dalawa ni Baekhyun.


Unti-unti ay may naramdaman si Luhan na tubig sa kanyang mga mata. Bumagsak ang isa sa kanyang kaliwang pisngi, sa kanan, hanggang sa nagsunod-sunod na ang iba pa. Hindi na niya napigilan ang sakit na unti-unting bumabalot sa puso niya. Hindi na niya napigilan ang hapdi na dulot na ito. Tuluyan na naman siyang naging Luhan noon na mahina, tatanga, at walang kwenta. Yon siya ngayon. Iyong Luhan na parang bagay na ginamit at pagkatapos itinapon dahil wala ng halaga. Iyon siya. Siya... Siya na walang kwenta.


Mulat na mulat na ang mga niya. Nakatingin siyasa malinis na maputing kisame na tila ito na ang pinakamagandang bagay na dapat titigan na ng kanyang mga mata. Tatlong araw na ang nakalipas nang siya'y magising mula sa coma. Masakit pa rin ang katawan niya dahil di basta-basta ang pagkakabangga ng sasakyan noon. Masakit din ang ulo niya paminsan-minsan ngunit agad iyon nababawasan dahil madalas naman siyang painumin ng mga nurse ng mga gamot na makakatulong sa pagpapagaling sa kanya. Lahat ng ito'y kaya niyang indahin. Ngunit isang bagay lang ang hindi, ang pangungulila niya sa isang taong akala niya ay unang taong makikita niya paggising niya.

Napatingin siya sa pintuan nang bigla itong bumukas. Doon niya nakita ang isa sa nurse na kumakausap sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay at siya ang pinagtatanungan niya kung nandyan ba ang taong hinahanap niya. Ngumiti ang nurse sa kanya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, sir?" tanong nito sa kanya.

Ngumiti si Luhan at umupo sa kama. "Ayos na po," mahina nitong sagot. Napatingin si Luhan sa nakalapag sa tray na hwak ng nurse. Kumunot ang kanyang noo rito at agad nagtanong tungkol sa bagay na iyon.

HUNHAN: That New Guy!Where stories live. Discover now