Chapter 23

410 18 4
                                    







Bukod sa pinagpalang kagandahan ng panahon ngayong gabi ay heto ako at tulala habang binabagtas namin ni Sehun ang daan patungo sa aming bahay. Pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa ko maging ang enerhiyang nanalaytay sa katawan ko dahil kanina. Sa totoo lang, nandilim talaga ang paningin ko sa mga narinig ko kanina, maging sa makita ko ang pagmumukha ni Sehun. Pakiramdam ko, parang nasira ang isang banda o parte sa katawan ko. Pakiramdam ko parang may inilugmok ako na parte sa aking sarili sa kaputikan na hindi ko malaman kung ano. Mabigat sa pakiramdam iyon na ultimo parang susunugin ang katawan ko sa sobrang init at galit kanina. Buti na lang at medyo nawalan ako ng enerhiya dahil doon. Pakiramdam ko kase, ewan. Parang pabago-bago ako ng mood.

Pumarada ang sasakyan ni Sehun sa harap ng hotel kung saan ang suite namin. Walang umimik o bumaba. Nakatingin na ako sa aking lap habang si Sehun naman ay nakasandal ang upper body niya sa sandalan ng seat ng sasakyan. Rinig ang malalim niyang buntong-hininga na nagbigay sa akin ng daan upang kagatin ang aking labi. Gusto kong magsorry sa ginawa ko kanina. Hindi kase ako sanay sa ganun. Pakiramdam ko parang wala akong kwenta kaya siya umalis noon. Oo, alam kong sinabi niya sa akin ang katotohanan pero di nawala sa isip ko ang magdalawang-isip. Lalong-lalo na ng marinig ko yung boses na iyon sa kabilang linya. Ano yon? Wrong number? Tapos tumawag pa? Saka, alam niya ang pangalan. Ano ako, tanga? Tanga para ignorahin ang aking paghihinala? Ewan ko, basta. Gusto kong magsorry dahil sa nangyari.

"Baby..." malamyos na tawag sa akin ni Sehun at hinawakan niya ang kamay ko na parang nanantiya pa. Dumikit ang daliri niya sa likod ng kamay ko. Hindi ako gumalaw. Pinagmasdan ko lang ang kamay niyang parang inaabot ako. Humiga siya ng malalim at tuluyang sinaklop ng kamay niya ang kabuuan ng kaliwang kamay ko.

"Baby, how are you feeling now?"

Tumingala ako para tingnan siya. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa kanyang mga mata. "I'm fine, Sehun. I-i'm sorry abou--"

Hindi pa ako natatapos magsalita ay mabilis siyang gumalaw at agad niyang inilapat ang kanyang labi sa akin. Napamulagat ako ng mata sa kanyang ginawa. Gumalaw ang kanyang labi na tila nananabik sa akin. Nalulunod ako sa kanyang halik. Napasinghap ako ng kinagat niya ang ibaba kong labi. Sa pagkakataong iyon ay ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking labi at ninamnam ang kalooban ko. Hindi ko tuloy naiwasang mapapikit at mapahawak sa kanyang kamay na ngayon ay nasa pisngi ko, iginigiya sa bawat anggulo kung saan nagiging tama ang halik naming iginagawad sa isa't isa.

Di ako gumalaw. Bagkus tila inaaral ko ang bawat galaw niya. Maya-maya pa'y unti-unti kong nasabayan ang kanyang halik hanggang sa ako na mismo ang naging agresibo. Pumasok sa isipan ko yung sinabi sa akin ng babae kanina sa telepono. Ang utak ko ay gumawa ng eksena na nagpatingkayad sa nararamdaman kong inis pero at the same time, ang init na hindi ko alam kung saan nagmula.

Humiwalay ang labi ni Sehun sa akin na agad kong hinabol. Pero hinawakan niya ang balikat ko at pinatigil sa gagawin ko. Napatingin ako sa kanyang mga mata at nagmamakaawa ko siyang tiningnan. Mula sa labi niya ay nakarinig ako ng mura. Tinitigan niya muna ako bago ulit binigyan ako ng halik. Pero sobrang dismayado nang isang smack lang iyong ibinigay niya.

Pinagtagpo niya ang aming noo at ako naman ay nakanguso. Ngumiti ang kanyang labi at pinagtama ang ilong namin. "Don't just kiss me like that, baby. We are in the car. Don't want to go out having hard-on which is now starting."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Napakagat-labi ako at nanghihinang mga mata ang tumingin sa kanya. Gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang yakapin. Napapikit ako ng mariin at inilakbay ang kamay ko sa kanyang hita. Narinig ko ang kanyang malakas na pagmura. Shit, that voice. I want him.

Kumalas siya agad at hinawakan ang kamay ko. Napaungol ako ng pagkakadismaya nang subukan niya itong tanggalin. Nang matanggal ay pinagsalikop niya ang daliri namin. Tumingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. As much as I want to read those eyes, pakiramdam ko kailangan kong maramdaman siya. Pakiramdam ko, hindi sapat na hawak at halik lang niya ang nararamdaman ko.

HUNHAN: That New Guy!Where stories live. Discover now