Chapter 28

276 15 9
                                    




Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa aking harapan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang aking paghinga ay di mapakali sa sobrang lalim ng nahuhugot. Kayraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Halo-halo na hindi ko na maihiwalay ang katotohan sa panaginip lang. Napakurap-kurap ako at napanganga. Pinilit kong gisingin ang sarili ko kung nanaginip man ako o hindi. Halos kurutin ko ang aking hita para lang masaktan at malaman kung ano nga ba ang totoo. Ginawa ko iyon at unti-unti ay pumatak ang aking luha nang malamang hindi ito panaginip. Everything is real. It isn't a dream or lie.

"K-kuya..." utal na tawag sa akin ni Jesper. Hindi katulad noon ay mas nabago ang tono ng kanyang boses. Mas bumaba, mas naging manly. Ang katawan niyang medyo payat noon ay nabago na dahil ang Jesper na nasa harapan ko ngayon ay may umbok sa bawat masel ng kanyang katawan. Ang nakakalula pa rito ay ang dating mas matangkad na ako ay nilagpasan na ni Jesper. Blame that fireworks belief thingy. Hindi naman ako tumangkad.

Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. Boses pa lang niya iyon. Pero libo-libong boltahe ang dumaloy sa aking sistema. Gusto kong igalaw ang mga paa ko. Gusto ko silang lapitan para yakapin man o halikan. Pero hindi. Nastuck ako mula rito sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Kuya Luhan?" napatingin ako sa isang boses galing sa tabi ni Jesper.

Palipat-lipat ang tingin ko mula sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon. There stood two important people of my life. Those two who were my precious things that made me want to work hard for them to have a better lives. The two people I cherished the most but now turned to hate me because of poverty and judgement by other people. A tall one who threw unbelievable words to me before and a boy who didn't know what happened before. Nagalit ako kay Jesper sa nangyari noon. But now, seeing them both in front of me, I don't know what to feel. Kung galit pa ba o pangungulila para sa kanila. Umiyak ako. Napahiyaw sa pangungulila habang tumatakbo papalapit sa kanila. Gosh, I missed these two. I missed my brothers, Jesper and Ziyu.

Umiyak na si Ziyu nang niyakap ko. Ang dalawang kamay niya na noon ay maliliit na gustong-gusto kong nakapulupot sa aking leeg ay ngayon sobrang higpit ang hawak. Basang-basa ang leeg ko sa luhang dumadausdos pababa mula sa kanyang mga mata. "K-kuya Luhan... K-kuya Luhan, ikaw nga!"

Humagulgol ako. "Sorry, Ziyu. Sorry kase ngayon mo lang ulit ako nakita. Sorry kase di nagpakita si kuya sayo nang matagal na panahon. Patawarin mo ako, Ziyu, kase... kase di ko kayo hinanap."

"K-kuya..." si Jesper, pinipigilan ang pag-iyak.

"Ang sama-sama kong kuya, Ziyu. Kahit jinajudge na ako noon ng mga tao, dapat di ko kayo hinayaan. Kahit na nahihirapan ako noon, hindi ko dapat kayo pinabayaan. Ziyu, baby, I'm sorry. Sorry talaga. Kasalanan to ni Kuya Luhan. Kasalanan ko to lahat."

"K-kuya, t-teka lang," hinawakan ako ni Jesper sa balikat at pilit inihihiwalay kay Ziyu. Sinunod ko naman siya. Tumingala ako sa kanya habang inilalayo niya sa akin si Ziyu.

"Jesper, a-anong ginagawa mo?"

Humarap siya kay Ziyu. "Dun ka muna sa labas, Ziyu. May pag-uusapan kami ni Kuya Luhan." Tumingin ako kay Ziyu. My heart broke when I saw how his tears washed his pink cheeks. Umiling siya bilang sagot at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ni Jesper at tinanggal bago tumakbo iyon sa akin. I cried and received him by opening my arms wide.

"Ziyu..." diin ni Jesper kahit na iiyak na.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Try, Jesper. Try. Baka nakakalimutan mo na hindi ko makakalimutan yung sinabi mo noon."

Nagbago ang itsura niya. Naging mas down pa siya. Yumuko siya at umatras. "S-sorry po."

Bumaling ako kay Ziyu. Tumingin siya sa akin. Pinunasan ko ang kanyang mga luha at hinalikan ko siya sa noo. Mas yinakap ko pa siya ng mahigpit. I miss this boy. I miss hugging Ziyu. God, ang daming taon na nasayang. Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit kase ako tumigil? Bakit hindi ko sila hinanap? Bakit ako nagpaapekto sa sinasabi nila? Iilan, I tried to shrugged them off. Pero mas matimbang pa rin ang mga salitang nagpapadowngrade sa akin.

"Namiss po kita, kuya."

His lisp was long gone.

"I miss you too, baby boy. Miss na miss." Humiwalay ako sa kanya and I cupped his cheeks. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Wala na ang kanyang kaputian. Umitim ang kanyang kulay. Siguro ay dahil ito sa napagdaanan niya. Iisipin ko pa lang na kumakalat siya ay sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko.

"Umiitim ka na. Sorry, ha? Sorry, Ziyu, kase nahihirapan ka ngayon. Patawarin mo ako, Ziyu..." Naiiyak na naman ako.

Hinalikan ako ni Ziyu sa aking tungki ng ilong. "Wag na po kayo iyak. Naiiyak din po ulit ako, eh. Wala naman po kayong kasalanan. Kami po dapat ang magsorry. Ako po. Kase kahit gusto kitang kasama, sumama po ako kay kuya Jesper kase sabi niya, hindi na raw magiging maganda ang buhay namin kung nasa pangangalaga pa rin ninyo kami. Naniwala po ako pero noong mga araw na umalis kami, mas ginusto ko pong makasama po kayo kaysa sa mga taong nakasalamuha namin."

Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi niya. "Saan ba kayo nagpunta? Paano kayo napadpad dito?"

"Pakalat-kalat po kami, kuya. Muntik na nga po kaming maghiwalay ni Kuya dun sa ampunan namin na pinuntahan pero tumakas kami. Nabully din po kami at nabugbog si kuya noong natulog kami sa isang kalsada. Kuya, ang hirap po. Ayaw ko na po ulit iyon maranasan."

Napasinghap ako at tumingin kay Jesper. Mas lalo siyang naguilty. "Ano 'to, Jesper? Ano to?"

Nagtama ang mga mata namin. Tumutulo na ang luha niya. "Sorry, kuya. Sorry sa ginawa ko noon. Hindi ko po ginusto iyon."

Tumayo ako at hinawakan si Ziyu sa kamay. "Hindi mo ginusto? Ano ang hindi mo ginusto doon, Jesper? Bakit? Bakit mo nagawa iyon sakin?"

Kinagat niya ang kanyang labi at napailing. He palmed his forehead before looking at me again. "K-kuya," umiling siya at umiyak.

"I tried my best to give you a better life, Jes. But what did you do? You left me alone, suffering from those problems and judgements. Sana inintindi niyo ako. Sana tinulungan. Pero bakit kailangan niyo akong lisanin?" Ang puso ko. Sobrang sakit na ng pakiramdam.

"Nagawa ko iyon kase natatakot ako para sa pamilya natin," mabilis na sumbat ni Jesper. Natigil ako at nagtataka at kunot noong tumingin sa kanya.

"What do you mean? So lahat ng nangyari noon may dahilan? At ano ang dahilan? Tell me, ano ang dahilan, Jesper?"

"Someone threatened me that if I didn't leave you alone, they might kill you and Ziyu."

Napatigagal ako sa narinig. A-ano?

"Kaya ko iyon ginawa dahil natatakot ako na baka mangyari ang bagay na iyon. Ayoko po kayong masaktan. O mahawakan man lang si Ziyu, kuya. Iniwan ko po namin kayo para sa kaligtasan nating lahat."

Bigla akong napaluhod sa sobrang hina ng tuhod ko. Napasigaw si Ziyu at niyakap ako. Hindi ko alam kung paano pa pumapasok ang mga nalalaman ko ngayon sa utak ko. Bakit? Ganun ba talaga? Ang malas-malas ko naman. Ang malas-malas ko!!

Then a thought suddenly crossed my mind.

Napamulagat ako at napatingin kay Jesper. Natigilan si Jesper at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Nagiwas siya ng tingin. Kung ganun... Kung ganun... May isang tao, simula pa lang ay gusto na akong... Napapikit ako ng mariin. Pero sino?

"Kuya, sorry. Sorry sa ginawa ko noon. Patawarin mo ako."

Tumingin ako kay Ziyu at tumango. "Ziyu. Go upstairs. May pag-uusapan kami ni kuya mo."

"But I want to listen..."

"Ziyu, maririnig mo naman sa itaas. Dun ka nalang." Sinamaan ko siya ng tingin. Tama naman siya. Umiling na lang si Jesper.

Pagkaakyat ni Ziyu ay tumayo ako ng maayos at tiningnan si Jesper. Mahina ang boses ko na tinanong siya. "Tell me. Sinong nagbanta sayo niyan? Kailan pa?"

Lumunok muna siya bago sumagot. "Hindi ko alam. Pero K daw ang pangalan niya. Ang tumawag sakin noon ay lalaki. Pero naniniwala ako na voice changer ang ginamit para roon."

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. "Kung ganun... May gusto na talagang pumatay sa akin simula pang."

Nahintatakutan siyang tumingin sa akin. His black shiny hair danced along. "A-anong ibig mong s-sabihin, kuya?"

Tumingin ako sa labas ng pintuan. "May taong ayaw sa akin at galit na galit para ipapatay pa ako. Ang di ko lang alam ay kung sino..."





#ExorDiumInManila. Iyak bes. Tapos na. :D

HUNHAN: That New Guy!Where stories live. Discover now